Chapter 93

1.6K 85 0
                                    

Zylphire's POV

NARINIG ko ang pag tili ng mga pinsan kong babae nang hindi ako makagalaw sa kinatatayuan ko.

"Zylphire!" Tawag ni Calix at hinila ako palayo kay Zaijan.


Tinulungan naman nila James si Zaijan at dinala sa kung saan.

Ang....

Ang bilis nang nang yare!

Lumingon lang ako saglit kela Dhan tapos pag lingon ko ulit pinaputok na?!

"Rooftop! Sa kabilang building!" Sigaw ni Jandrei.

Umalis ang mga lalake sa section ko na parang galit.

"Zyreee!! Okay ka lang?!" Natatarantang tanong ni Hannah.

"Hospital? Hospital?! Dalhin ka namin sa hospital?! Okay ka lang?! Tinamaan ka ba?!" OA na tanong ni Janna

"Tang'na sino ba yon?!. asan na sya?!pasapak lang ako nang isa! Asan?!" Sigaw ni Crystal.

"Huy.. Susunod ako kela Vince..." Paalam sakin ni Calix. "Dito lang kayo."

Tumayo si Calix at tumakbo paalis.

"Zylphire!" Exaggerated na sigaw ng late na si Yuri. "Okay ka lang?" Tanong nya.

"Ano ba Yuri. Eh kung tutukan kita ng nakakamatay na gamit tapos tanungin ko kung ayos ka lang?" Mataray na tanong ni Kayla at tinulak paalis si Yuri.

"Yan kase." Sabi ni Madeline.

"Asan si Jeyana?" Tanong ko.

"Umalis siya kanina." sagot ni Janna.


"Si Ziri?" Tanong ko.

"Mag kasama sila."sagot ni Hannah

"Girls. Morse code. susunod ako kay Calix." sabi ni Yuri na pinat pa ang mga ulo namin bago tumakbo palabas.


May mga teacher na din dito sa Auditorium at pinapa kalma ang mga ka batch namin.

"Si Zam?" Tanong ko.

"Kasama ni Vince." Sabay sabay na sabi nila na nag patigil sa hininga ko at nag pabilis ng kabog sa dibdib ko.

Si Jeyana at si Ziri!

Hin---hindi nila kasama si Zam!

Kinakabahan akong luminga para hanapin ang mga bruha.

"What's wrong?" Tanong ni Kayla..

"Bakit nyo hinayaang umalis si Jeyana at Ziri?!" Sigaw ko kela Madeline.

Gulat silang nag tinginan.

"A-anong.." Takang tanong ni Janna.

"Hindi nila kasama si Zam! Wala ang tatlong bruha!" Sigaw ko na nag paiba sa mga expression nila.

Napa sampal sa noo nya sila Crystal.

Napa sabunot ako sa buhok ko.

Naramdaman kong mag vibrate ang cellphone ko kaya kinuha ko yun-- si Jeyana! sinagot ang tawag.

"Jeyana?! Asan ka?! Kasama mo si Ziri?! Asan kayo?!" Sigaw ko sa kabilang linya.

"Wow."

Bumagsak ang balikat ko nang marinig ang boses ni Zeya.


"Zeya! Tang'na wag mong gagalawin sila Jeyana! Sasapakin kita!" Sigaw ko.

Me and My Boys (Part 2)[Fire #1]Waar verhalen tot leven komen. Ontdek het nu