Chapter 95

1.6K 85 0
                                    

Zylphire's POV

ansakit ng likod ko!


"Ano ba!" Reklamo ko ng umayos ako ng upo sa sahig!



"Umalis ka sa buhay nila!" Sigaw sakin ni Zeya


"Pano nga?! Kahit pumunta pa akong ibang bansa, alam ko at alam mo na susundan ako ng mga yun!" Inis na sabi ko kay Zeya. "Ibaba mo nga yang baseball bat! Kung maka hampas ka sakin! Parang hindi kita tinulungan kay Calix noon ah!"



Inirapan nya lang ako.


"Mag paka matay ka." Utos ni Zeya.



"Ano ka! Ayoko! Tangina mo ah! Ikaw patayin ko dyan!" Inis na sigaw ko.


Luminga ako. Wala ung dalawa, lumabas kanina.



"Ako nalang ang papatay sayo." Sabi ni Zeya.

"Pwede bang pahigain mo muna ako sa death bed ko para wala ng hirap? Baka ipatapon mo pa ang katawan ko sa ilog pasig." Sabi ko.



Pumikit si Zeya sa sobrang inis kaya luminga ulit ako.


Sa gilid ng mga drum ay may naaninag akong tao.



Nang magtaas sya ng phone na may picture ay tsaka ko nalaman kung sino sya.



Yuri



Habang naka pikit pa si Zeya at naka hilamos ang kamay nya sa mukha nya ay sinenyasan ko sila Jeyana at Ziri



Napa tigil ako nang mag salita si Zeya.


"Dito ka lang. wag kang mag kakamaling tumakas. Kundi papatayin ko ang mga kaibigan mo." Sabi ni Zeya bago lumabas nang pinto.



Naka hinga ako ng maluwang at nilabas ang phone ko para mag type.


Maririnig kasi ako sa labas pag nag salita ako.



'Nasa drum likuran nyo sila Yuri. Lapitan nyo na. Wag kayong maingay at bilisan nyo.'



Hindi naman kase lalabas sila Yuri dun. Baka mahuli pa sila.


Pina slide ko ang phone ko papunta kay Ziri.


Pinulot nya yun at binasa.



Tumingin sya sakin kaya tumango ako.


Nang hihina syang tumayo at inakay si Jeyana.



Napa tampal ako sa noo ko nang lumabas si Serix at Justin para tulungan ung dalawa.



"Ano pa Zylphire? Halika na dito!" Mahinang tawag sakin ni Jayden.



Umiling ako bago ako ngumiti.



Papatayin sila ni Zeya.




Kahit hindi ako naniniwala. Alam kong kaya namang ipapatay ni Zeya ang mga kaibigan ko.



"Mauna na kayo. Susunod ako." Namamasa ang mata na sabi ko.



Bakit ba naiiyak ako? Katapusan ko na ba?



"tara na!" Mahinang sigaw ni Jandrei.


Nginitian ko lang sila.



"Natatakot kang patayin nya kami? Hindi mangyayari yun kaya tara naaa!!" Tawag pa sakin ni James.


Me and My Boys (Part 2)[Fire #1]Where stories live. Discover now