Chapter 89

1.6K 95 0
                                    

Zylphire's POV


"IMPAKTA!"



Masama ang tingin ko nang lingunin ko si James



"Lika dito!" Tawag nya pa sakin.


Padabog akong tumayo sa at lumapit sakanya.


"Ano!" Singhal ko.


May binulong sya sakin


Nanlaki ang mata ko.


Lumayo ako at hinampas sya!


"Kelan?" Tanong ko.


"ngayon bwahahaha. Balita ko may bahay sa pinaka likod ng school." Chismis nya pa.


Tumango tango ako.



Lumingon ako kay Yuri na hinahampas si Calix na tawa ng tawa.


"Yuri Yuri!"


Tumigil sya at lumingon sakin.


"Lika." Tawag ko.

Tumayo sya at sinipa sa binti si Calix bago lumapit samin.



Binulong naman namin ang plano.




Tumayo ako at nag unat.

"Nagugutom ako! Bili lang akong pagkain!" Sabi ko.

Hindi ko na sila hinintay na mag salita. Tumakbo na ako palabas.


"Hala! Baka mapano yun! Sundan namin!" Dinig kong sigaw ni Yuri.



Naka rinig ako ng takbo palabas ng Room. Sumunod sila sakin.




"Baka ma principals office nanaman tayo." Bulong ni James.

Nandito padin kami sa floor namin syempre! Alangan namang kakalabas lang ng room nasa likod agad ng school?



Napa tigil kami nang lumabas si Kayla galing sa room nila.



Napa kapitsa mag kabila kong braso ang dalawa.


"Where are you going?" Naka taas ang kilay na tanong samin ni Kayla


"Sa Canteen." Sabay sabay na sagot namin.


"The cafeteria's that way." Turo ni Kayla sa dinaanan namin.




Nag katinginan kaming tatlo.


"Sa CR!" Sabay sabay na sagot ulit namin.


"Uh-huh.. The Comfort room's that way either.." Sabi ni Kayla sabay turo sa dinaanan ulit namin.. kaya humigpit ang hawak sakin ng dalawang duwag.



Kala nyo di ako natatakot sa pinsan ko? Di noh! Kung pwede ko lang sabunutan tong dalawa para ako ang maka kapit sakanila, ginawa ko na!


"Hehe sa library!" Sabi ni Yuri.


"Okay. I'll pretend that wasn't a Lie." Sabi ni Kayla bago gumilid at pinadaan kami.



Dali dali kaming tumakbo palayo sakanya.



"Nakakatakot girlfriend mo Yuri." Sabi ni James na mukhang nakakita ng multo.



"Mas nakakatakot girlfriend ni Calix." Sagot naman ni Yuri.



Girlfriend ni Calix---



Binatukan ko sila pareho.


Siraulo!

-


"Sigurado ka bang walang aso dito?" Tanong ko kay James.


"Oo! Kita mong walang dog house eh." Sabi pa nya.



Yumuko kami ng konti at nag tip toe palapit sa pinto ng Bahay na mukhang luma na.


Bakit may bahay sa loob ng school?



Weird.



muntik na akong mapa sigaw nang madapa si Yuri na nasa likuran ko kaya nahila nya ang blouse ng uniform ko at pareho kaming nadapa!



"Akalain mo nga namang mas tanga pa kayo sakin." Bulong ni James nang tinulungan nya akong tumayo.



Nag pagpag ako ng uniform.



"Yabang mo." Sabi ni Yuri nang maka tayo din sya.



Mayabang na nag step backward si James---



"Akala ko ba mas tanga kami kesa sayo?" Nang aasar na tanong ko nang matisod sya.


"Shh! Manahimik ka!" sita nya sakin bago tumayo.

Tumawa kami ni Yuri nang mahina.



Again. We creeped papunta sa bahay.



Walang katok katok na pumasok kami dun.


"Wala akong makita." Bulong ni James.




I stretched my arms para makapa ang switch ng ilaw.




"Hoy wag mong hawakan ang abs ko." Biglang sabi ni Yuri.




"Gago. Anong abs. palunukin kita ng barbell." Sabi ko sabay hampas sa abs nya daw.



"Wala ba kayong phone?" Tanong ni James na ewan kung asan.



Natigilan ako.



"Ang tanga ko." Sabi ko sabay kapa ng phone sa bulsa ng palda ko.




Nilabas ko yun at inopen ang flash light.





"Ahh!! Ipis!" Sigaw ko nang makitang may ipis sa braso si James.



Nataranta naman ang gago at hinampas hampas ang braso nya! "Asan?!"



"Sa ulo mo!" Sigaw ni Yuri kahit wala naman.


Syempre uto uto si James, hinampas ang ulo nya.



"Wala na." Sabi ko.. Siniko ko si Yuri. "Naalog ata yung utak."



"Wala sya nun." Banat ni Yuri kaya natawa ako.




Napa tigil kami ng makarinig nang nag sasalita sa labas ng Bahay.




"May tao ba dito?"



"May naririnig ako kanina."




Nag katinginan kami.


Dali dali kong pinatay ang flashlight.


Halos sabay sabay kaming tatlo na nag siksikan sa likod ng pinto.



"Pag pasok nila takbo palabas, walang lilingon." Bulong ni Yuri na nasa likuran ko.


Nasa harap ko naman si James na sumiksik ng sobra sakin.


Maya maya lang ay bumukas ang pinto kaya nag siksikan kami lalo.



"May tao ba dito?" Tanong nung isa.



Mga guard ata.



Derederetso silang nag lakad.


Hindi ko nakikita. Naririnig ko ang mga tapak nila sa sahig na gawa sa kahoy.


Nang medyo malayo na sa pinto ang tunog ng nga tapak nila ay tinulak ko si James palabas sa hide out namin at sabay sabay kaming sumigaw ng.




"TAKBO!!!"




---



Sana naman bwahahahahahha.

vote.

-alexa

Me and My Boys (Part 2)[Fire #1]Where stories live. Discover now