Chapter 91

1.6K 95 12
                                    

Zylphire's POV

Kinabukasan

"Ang dami neto." Reklamo ko.

"Ayos lang yan!" Sabi ni Jandrei.

"Hindi naman ikaw ang nag bubuhat kaya okay lang?" Sarcastic kong tanong. "Baka biglang sumulpot ung guard at aso na humabol samin kahapon! Tapos mapatakbo ako! Tapos sa sobrang bigat ng bag ko eh itatapon ko nalang sa kung saan! Edi nasayang ang Chocolates ko??"

"Mamigay ka sa room." Sabi ni Vince. "Nag dala ka pa nga ng yelo para matigas talaga. Mamigay ka."

Ngumiwi ako.

"Walang matitira sakin kapag binigyan ko sila."sabi ko.

Napa isip naman sya..

"Sabagay." Sabi nya. "Pero mamigay ka."

Hindi na ako nag reklamo nang kunin ni Calix ang bag ko at iabot nya sakin ang bag nya.


"Gaan naman neto. May dala ka bang notebook?" Tanong ko at binuksan ang bag nya para sumilip. Agad ko namang sinarado.

May laman nga.

Wallet, Cellphone at earphones.

Nang maka pasok kami sa school ay may naka salubong kaming impakta.

Nauuna akong mag lakad sa kela Yuri na sobrang ingay at pinag titripan si Zam kaya..

Muntik na akong sumubsob sa lupa ng tisurin ako ng impakta.

Buti nahawakan ni Calix ang bag nya na naka sabit sakin.

Napa tayo ng ako maayos at masamang tumingin sakanya.

"Ano na naman?" Reklamo ko kay Fatima.

"Hah. Ang tanga kase." Parinig nya pa sakin

Nameywang ako sa harap nya.

"Hindi porket kasing laki ka ng elepante, hindi na kita lalabanan." Mataray kong sabi sakanya.

Narinig ko ang snort ng mga naka dinig.

"Hindi mo ako kaya... Hindi mo ako matatalo." Mataray na sabi ni Fatima.

"Katawan palang, taob ka na.. Mukha ko pa, nasa hukay ka na.." Sabi ko sakanya.

"Hoy tama na yan." Biglang singit ni Jayden na umakbay sakin at hinila na ako palayo kay Fatima na sasampalin na sana ako.

"Diet diet pag may time!!" Parinig ko pa bago ako tumawa nang malakas.

-

Arrgghh!!

Asan na ba sila?!

Tapos na ang lunch!

sa auditorium ang klase namin ngayon! Kasama ang lahat ng section ng 3rd year!

"Nakita mo sila James?" Tanong ko sa isang babae na nakilala ko nung bago mag new year. Nasa labas sya ng room

"Ay Queen. Nasa labas sila. Nasa gitna sila ng field." Sagot nya.

"Salamat." Sabi ko at tumakbo palabas.

Wala namang PE ngayon? Tuesday kaya.

Napa sampal ako sa mukha ko nang makita ko ang mga kaklase ko na naka dapa sa field. Yung iba naka dapa, yung iba naka luhod at parang sinasamba ang bag ko na nasa pinaka gitna at napapalibutan pa yon ng kung ano ano.

"Hoy!" Sigaw ko. May ibang lumingon sakin at yung iba ay nag patuloy sa pag samba. "Wag niyong kulamin ang bag ko!"

"Patahimikin niyo nga ang impaktang yan!" Sigaw ni James.

Me and My Boys (Part 2)[Fire #1]Where stories live. Discover now