-Kinieda-

25 0 0
                                    



"Sasha! Kailangan mo nang umalis" nagmamadaling sabi ni Ms. Mercis habang hila hila ang braso ko papalapit sa portal.

"Sasha makinig ka sa akin... This is for your own good... Pupunta ka sa Mundo ng mga tao kung saan ka pwedeng ligtas, may ipinagbilin na ako sa yo doon. Makinig ka... hanapin mo ang Prinsipe ng Sytorian. Sasha, ikaw na lamang ang tanging pag asa namin. Tandaan mo, ang Prinsipe ang tanging paraan upang mapahinto at maputol ang lahat na namamagitan sa Kinieda at Sytorian. Sasha lahat kami nakahangad sa iyo. At sasha, habang nasa mundo ka ng mga tao wag mong kakalimutan ang tunay mong pagkatao. Huwag kang mag alala, palagi kaming manawagan sa iyo. Sasha sana maintindihan mo kung bakit ka inilagay sa mundo ng mga tao... Upang mailigtas ang kinieda at ang bawat isa sa atin." Nag mamadali niyang sabi sa akin.

"Sasha... Ingatan mo ito. At ito na ang oras upang ikaw na ang mag may ari nito" isinuot niya ang kwintas sa aking leeg tsaka siya lumuhod at yumuko.

Napakunot ang aking mga noo na nakatingin kay ms. Mercis habang nakaluhod siya sa harap ko.

"Ms. Mercis... Ano po ang ginagawa niyo?! Ligtas na po ako dito bakit kailangan pa akong ilipat sa ibang mundo?!" Halos mataranta na ako

"Para ito sa ikabubuti niyo. Patawad po sa paglimot namin sa inyo Kamahalan" wika niya na mas lalong kumunot ang noo ko... Ano bang pinagsasabi niya? Bakit niya akong tinatwag na kamahalan?! Ano?! Naguguluhan na ako!

"Ms. Mercis--"

"Patawad kamahalan" tsaka niya ako tinulak sa portal kasama si Pitch.

"Ms. Mercis!!!!!!"
Sigaw ko bago tuluyang nag itim ang aking paligid hanggang sa wala na akong makita.

-KINIEDA-
-AUTHOR NOTES-
Hello madlang readers! It's been a while. Long time no see! I misshhyuu readers hehehe, so eto po yung ginawa kong libro, mala power eh haha so sana po magustuhan niyo. Sa mga newborn, este newbie hallo welcome to my amazing world!

So ayun nga, bigla lang po kasi napasok sa isip ko yung powers-powers eh skl. Kaya naman naisulat ko nalang dito. Sana po ma suportahan niyo ako hangang sa huli. Follow niyo din po ako for more books and more chapters! Labyoo guys!! Vote naman kayo oh hahaaha

-WARNING-
Ang librong binabasa niyo ay katangisip lamang ni author. Lahat ng name,place, events etc. ay gawa gawa lang po ni Author. Yun lang po wala ng iba.

Thank you! And enjoy reading 💋
(c)(r) All rights reserved
-KINIEDA-
The full of Secrets
INSPIRED BOOKS

KiniedaUnde poveștirile trăiesc. Descoperă acum