{ 7 }

10 0 0
                                    

Ms.Mercis P.O.V

Habang pinapanood namin ang mga students nang mapansin naming may kakaiba sa ilusyong ito.

"Sytorians..." Rinig kong wika ni Kathelyn kaya napatingin kaming lahat sa kanya.

"Paano sila nakapasok?" Dugtong niya kaya napatayo agad si Luden at inutusan agad ang Good witch na ilabas ang students sa loob ng ilusyon.

Nang mailabas na ang lahat, hindi maisara ng good witch or should i say si Florida. Hindi niya maisara ang ilusyon kaya napatayo na din ako sa aking kinauupuan at pinagmasdan ang ilusyon.

"May natitira pang students sa loob!" Natarantakong wika at tinignan lahat ang students kung kumpleto ba sila pero nang matanaw ako ang group nila ice, mukang kulang sila ng dalawa..

"Ice!/Sasha!" Sabay na sabi ng kambal kaya lumapit ako sa ilusyon pero pinigilan ako ni Luden.

"Nasa loob ang dalawa! Baka mapahamak pa sila!"

"Sasama ako sayo" Tinignan ko si Luden kaya pumasok na kaming dalawa sa ilusyon at hinanap agad ang dalawa. Nang mahanap ang dalawa, natagpuan namin silang nanghihina na at mukang pagod na pagod. Pinalilibutan ng limang malalaking Sytorian . Umatake si Luden gamit ang wind element niya habang ako naman ay nilapitan ako ang dalawa at inalalayan makatayo upang maka alis.

"Luden! Tara na!"

"Mauna kana Mercis!" Sigaw niya pabalik

"Luden hindi kita pwedeng iwan dito!"

"Umalis kana!!! Susunod ako!"

Wala akong ibang nagawa kundi ang mauna kasama ang dalawa palabas ng ilusyon, nang makalabas ay agad tinulungan ang dalawa. Kathelyn heal the two, lumapit muli ako sa ilusyon nang pigilan ako ni Fiory.

"Fiory nasa loob pa si Luden!"

"Mercis, kaya niya ito wag kang mag alala"

Napayuko na lamang ako at hinihintay makalabas si Luden nang mapaupo si Florida sa sahig.

"Magsasara na ang aking ilusyon..."

"No... No! Florida nasa loob pa si Luden! Pls, wag mo munang isara!"

"Mercis, limit nalang ang aking kapangyarihang ilusyong ito lalo na't may naka pasok na Sytorian sa aking ilusyon. Kailangan itong isara at wasakin dahil maaring manggulo muli ang Sytorian dito sa kinieda"

Paliwanag ni Florida at unti-unti nang nag sara ng ilusyon. Nabuo naman ang luha sa kaing mga maga habang pinagmasdan ang ilusyong nagsara nang may biglang naglabas na kamay mula sa ilalim kaya agad itong hinablot ni Fiory. Nang masaksihan kong si Luden ito ay tumulong na akong humila kay Luden upang mailabas siya sa Ilusyon.

Nang malabas na siya ay niyakap ko agad siya tsaka na tuluyang tumulo ang aking mga luha.

"Luden... Mabuti naabutan mo" masayang wika ni Fiory. Niyakap naman ako pabalik ni Luden. Sobrang higpit na ng pagkayakap ko sa kanya kaya ramdam kong mukang nasasakal na siya kaya binitawan ko na.

"Aray... Papatayin mo ba ako ha?" Biro niya kaya hinampas ko siya sa braso niya at natawa naman siya.

"Mabuti naabutan mo Luden. Kung hindi maari mamuhay kana sa Ilusyong iyon habang buhay" at lumapit sa amin si Florida.
Tumayo si Luden tsaka tinulungan din akong tinayo.

"Ayos ba ang lahat? Maari na kayong magpahinga. Bukas na natin itutuloy ang ganapang ito" nag si alisan naman ang mga students.

"Paano sila nakapasok dito?" Naupo naman si Kathelyn sa upuan niya.

"Yun nga ang aking tanong..." Napaisip naman si Luden. Maya maya naman ay napatingin kaming lahat kay Florida kaya naman nagtaka ito

KiniedaWhere stories live. Discover now