{ 2 }

10 0 0
                                    

Hello guys, Alam kong maganda ako kaya wag sana kayo iiyak. D jwk lang guys hehehe ampangit ng author niyo wag kayo mag alala mas maganda kayu sakin so eto na po ang pangala sana maintindihan at mag ejoy kayo sa pagbabasa! Thank you!!

Ice P.O.V

"You did a great Job for this Mission and it is accomplished. Leina, Krisis and Ice. Well done you are now officially the leaders of each group you made"

Nakangiting wika ni Ms. Mercis, isa sa mga Royal ng Kiniedang ito. Kakatapos lang naman kasi ng mission namin galing sa ibang dimension upang kunin ang heart ng Dating Royal ng Kinieda, mahalaga ito dahil sa kanya nabuo ang kinieda kaya napaka mahalaga talaga ito. Ninakaw kasi ito ng mga kalaban naming Sytorian. Sytorian-ang kalaban at ang pumatay sa Unang naging Kinieda. Sila ang punot dulo ng lahat. Kaya't malaki na lamang ang galit namin sa kanila ng hindi namin inalam ang dahilan. Hindi man lang nasabi o ikinuwento ni Ms. Mercis ang dahilan kung kaya't pakiramdam ko inilihim ang katotohanan.

At isa sa ito sa mga gusto kong malaman. Yun ay ang Dahilan.

Biglang bumukas ang pinto kaya't napalingon kami dito.

"Ms. Mercis? Maari ba kitang makausap?"
Tanong agad ni Mr. Luden isa din sa mga Royal ng Kinieda

Nilingon naman kami ni Ms.Mercis na nagsasabing aalis muna kami dahil mukang mahalaga ang kanilang pag uusapan kung kaya't nauna na akong lumabas ng silid na iyon at nag tungo na sa dorm upang makapagpahinga.

Habang naglalakad sa daanan kapansin-pansin kong may pinag uusapan ang mga stuyante tungkol sa tournament.

"Grabe, akalain mo yun? Nagawa niyang pahintuin ang ganun ka lakas na atake?"
"Oo nga, alam kong di lang isang ordinaryong Kinieda ang makakagawa ng ganun."
"Tama ka nga"

Sabi nung dalawang nag uusap sa hallway.

Tss... Mukang maganda ang laban sa Tournament ah? At sino nanaman ang pinaguusapan nilang malakas? Hmm...

Nang madaanan ko ang Hall Cafeteria, nakita kong kumakain at nagsasay sila Winzy, Jeffren, Fhill at Sasha. Dadaan pa kasi muna sa Hall Cafeteria bago ako makarating sa Dorm ko. Hindi ko na lamang sila pinansin ng makita ako ni Jeffren ay tinawag agad ako nito.

"Ice!!! Dito!!!"

Napailing huminga ako ng malalim tsaka lumapit sa kanila. Mukang hindi agad mapakali si Sasha dahil panay ang iwas tingin nito sa akin kaya kunotnoo ko silang apat na tinignan.

"Kamusta ang Mission?" Tanong ni Fhill nang maupo ako sa upuan.

"Fine."

"Kain ka muna, bago pasok sa dorm alam kong gutom ka" namumulang sabi ni Winzy sa akin sabay bigay ng pag kain niya sakin.

Hindi na ako tumangi pa at kumain nalang ako. Apat na araw din akong walang maayos na pagkain dahil sa mission. Halos puputok naman ang muka ni Winzy dahil sa pagkamula mula nito.

"Nga p-pala... May balita ako."
Napaangat ang tingin ko kay Winzy dahil sa magiging balita niya.

"Napigilan ni Sasaha ang malakas na Atake ng kambal. Dahil dun hindi na tayo matatalo pa sa ano mang tournament dahil malakas na si Sasha! "

Napatigil ako sa pagkain at napatingin kay Sasha na ngayon nakayuko at dahan-dahan akong nilingon tsaka nag peace sign. Teka, pano naman nangyare yun? Nakunotnoo akong napatingin sa kanya at napa isip ng malalim. Imposible yun, malakaslakas naman yung kambal at malapit nang pumantay sa aking lakas pero mas malakas padin ako pero paano naman ni Sasha napigilan ang malakas na atakeng iyon? I mean... How? Shesshh... Nvm. She's still weak.

KiniedaWhere stories live. Discover now