{ 8 }

11 0 0
                                    

Nagsitakbuhan ang mga bata dahil sa paparating na ulan. Kahit makulimlim na at maambon ay hindi parin huminto sa paglalaro si sasha kasama ang alaga nitong dragon.

Lumabas mula sa loob na maliit na bahay ang babaeng madumi ang pananamit dahil sa paglilinis ng bahay nito. Nang makita ng babae si Sasha na naglalaro sa ulan ay agad itong humanap ng payong at pumunta sa gawi ni Sasha upang hindi mabasa si Sasha.

"Sasha, ano ba ang bilin ko sa iyo? Hindi ba't bawal mag laro sa ulan?"
Sermon ng babae tsaka na hinila si Sasha kasama ang alaga nito papasok ng bahay.

"Patawad po" wika naman ng batang si Sasha. Tumango na lamang ang babae tsaka ngumiti dito. Nang makapasok sa bahay ay ipinaghanda ng babae ang bata ng makakain.

Sa gitna ng pagkainan, tila hindi tumigil sa pagbuhos ang ulan. Makulimlim at makidlat ang kalangitan. Tanging kandila lamang ang naging ilaw sa loob ng bahay nila.

Habang humihigop naman ng sabaw si Sasha, may narinig silang hindi maganda sa labas ng bahay. Kahit malakas ang ulan ay lumabas ng bahay ang babae upang tignan kung ano ang meron.
Ngunit biglang pumasok ng bahay ang sabay ang pag ihip ng kandila at isinara ang pinto. Buong pagtataka ang muka ni Sasha nang buhatin siya ng babae at ipinasok sa loob ng kwarto nito.

Nanginginig ang mga kamay nitong nakahawak sa magkabilang braso ni Sasha. Napayuko ang babae at tumulo ang luha kasabay nang pag hablot niya ng kwintas mula sa bulsa niya.

"Sasha your highness, patawarin niyo po ang aking kabiguan at pag lihim sa inyo..." Umpisa ng babae. May narinig pa silang kalabog sa labas ng pinto nila.

"Sasha.... Kahit anong mangyare, ingatan mo ang kwintas na ito. Pahalagahan mo ito kahit saan ka mag punta" nagmadaling isinabit ng babae sa leeg ang kwintas kay Sasha.

"Your highness, ako ay nag papa alam na... Maiintindihan mo din ito pag lumaki kana. Mag iingat kayo your highness " nag bow ang babae sa harap ni Sasha at tumalikod na na may tubig na nakapaligid sa kanya. Ang hawak niyang elemento ay tubig.

Pero bago isara ng babae ang pinto, tumingin muli siya sa pinaglilingkod niya at ngumiti. Tsaka niya tuluyang isara ang pinto at hinarap ang kalaban nilang Sytorian.

Kinabukasan matapos ang laban ay sira-sira ang tahanan nila dahil sa mabagsik na mga kalaban at paglalaban.

Hindi alam kung ano ang gagawin ni Sasha sa mga oras na iyon. Ang tanging nasa kanya ay ang kwintas na ibinigay ng taga pag bantay sa kanya at ang alaga niyang dragon.

Sa umagang iyon akala ng lahat ay tapos ang labanan. Hindi pa pala. Lumusob ang Sytorian sa baryo nila Sasha upang dukupin ang may kakayahang gumamit ng elemento.

Kaya tuluyan na talagang nawasak ang maliit na baryo nila. May ilang bata na ang nakuha nilang may elemento salamantalang nakatyo at nakatingin lamang si Sasha sa gitna habang nasa harap niya ang nagkakamatayan at naglalaban.

May isa namang Sytorian ang nakapasin sa kanya dahilan sa mapupulang buhok ni Sasha. Sinubukang kunin ng Sytorian si Sasha ngunit hindi nito magawa dahil sa pag depensa at pag protekta ng alaga nitong dragon. Ngunit mahina pa lamang ito kaya hindi ito umipekto sa Sytorian.

Kaya kinuha silang dalawa gamit ang malalaking kamay ng Sytorian. Sinubukan kumawala si Sasha sa mga kamay ng Sytorian ngunit ayaw. Dahil sa inis ay sinunog ni Sasha ang mga kamay nito kaya naman nabitawan ng Sytorian ang dalawa at bumagsak naman ito sa lupa.

KiniedaWhere stories live. Discover now