{ 1 }

15 0 0
                                    

Malamig ang simoy ng hangin na humahampas sa aking balat

Maririnig ang kanta ng mga bulaklak

At ang tubig na ka'y ganda tignan mula sa ilog.

Habang ako naman ay pinaglalaruan ko ang maliit na fire ball sa aking kamay kung kaya't biglang lumapit sa akin si Pitch at pinigilan ang ginagawa ko. Nilingon ko siya at nakitang umiiling ito.

"Alam ko okey? Pshh..." Sabi ko dito sa kanya at pinalaho ko ang fire ball sa aking kamay

Bawal kasi gumamit ng Magical Powers tuwing classes, makakagamit lang daw kami kapag nag training na kaya favorite subject ko talaga eh yung kapag nag Train na yun lang. Hindi naman din kasi ako interesado sa mga history ng Kinieda ( kiniyeda ) Kinieda- ito yung tahanan namin at naging dugo nadin namin. Sa pagkakaalam ko hindi kami pangkaraniwang tao at ang bawat isa sa amin ay biniyayaan ng elemento. May apaat na elemento ito ay ang bato,tubig,apoy, at hangin. Lahat kami may kanya-kanyang elemento, ako naman ay Apoy, Mahirap ito Ma Controll pero na train ko naman ng maayos kaya no worries. May kaibigan naman akong tubig ang kanyang elemento at ang kanyang pangalan naman ay si ice, bagay sa kanya yung pangalan niya kasi ang cold niya palagi eh... Wala ata sa mood. So ayun may kaibigan din akong bato ang elemento nito kaso dalawa sila eh kasi kambal sila hahaha ito ay si Jeffren at si Fhill, may pagka crazeeyy ang dalawang ito kasi minsan nagkakasundo minsan naman nag aaway hmm... Ewan ko sa dalawang yan mukang tinopak eh and lastly si Winzy! Ang Bff kong jolly,makulet , masaya sa buhay niya. Ang saya diba? So ayun nga, may apat akong kaibigan! Kagrupo ko din sila pag dating sa tournament namin.

Yes may tournament dito samin. Minsan pag bago ka sa kinieda ay one on one first battle mo tsaka big deal samin ang manalo dahil kapag nanalo ka pwede kang isali nila sa kung ano-anong mission kaya masaya yun!

Hinawakan ni Pitch ang aking kamay kaya nilingon ko siya.

Balik na tayo sa kinieda, para matuloy natin ang panonood ng laban

"Tsk.. Nag e-enjoy pa ako dito eh"sabay higa ko sa mga damo na akala mo kama dahil sa sobrang lambot nito. Tandaan hindi ito pangkaraniwang damo

Pag di ka bumangon kakagatin kita!

Napabangon agad ako at tinignan ng masaya si Pitch. Nag tataka kayo ano? Hindi po siya tao, siya po ay hayop... I mean, dragon. She's a mini Dragon. Ang cute nga niya eh, mas maliit pa siya sa pusa tas ang liit-liit ng wings. Nag tataka nga ako eh sa lahat ng tao na nasa kinieda na may apoy ding elemento, ako lang ang merong alagang dragon. Di ko alam eh, simula nung isinilang na ako kasama ko na si pitch. Nakakapag taka na eh

Uy! Tara na!

Nilingon ko si Pitch na naka nguso.

"Oo na eto na tss..." Tumayo na ako at nag simulang maglakad patungo ng kinieda, nasa paradise kasi kami eh kung saan ang tambayan ko. Ay oo nga pala nakalimutan ko... Si Pitch ay hindi nagsasalita, nagsasalita siya Through mind Connection kaya ang astig nun

Nung napunta namin ang kinieda at tinungo agad namin ang Arena. Arena-kung saan ito din ang lugar kung saan ang battle. Nang marating namin ang arena agad nag hiyawan ang lahat ng tao dahil mukang patapos na ang laban sa gitna.

Pumunta kami ni Pitch kung saan kami nakaupo kanina. Ahh... Patapos na pala yung laban nila Jeffren at Fhill. Tibay ng dalawang to ah, batong bato eh mukang matatalo yung kalaban nilang tubig ang elemento.

Duhh, ang weak din naman kasi nung kalaban nila, mukang training pa eh kawawa naman. At ang dalawa naman mukang nag e-enjoy pa talaga huh? Tuwang-tuwa eh

KiniedaWhere stories live. Discover now