{10}

14 0 0
                                    

Sasha P.O.V

Pinagmasdan ko ang buong sarili ko sa salamin. Naka helmet ako at puno ng armor ang buong katawan ko. Well you know guys, safety first kaya i pu-push ko na talaga ang laban na ito. Lalo na't hindi kasama si Winzy. Hay... Kamusta na kaya siya?

Wala naman kasi akong kasama, yung kambal kasi mukang may sariling mundo. Sila lang nagka intindihan. Tapos si Ice naman parating wala, madalas nadin ang pagiging late niya sa training kaya nahuhuli na siya sa mga bagong lessons. Ipinagtataka ko nga eh, san kaya siya pumupunta?

Nvm...

Humakbang ako ng isang beses nang biglang umikot ang paligid ko kaya naman napahawak ako sa upuan malapit sa akin.

Napahawak ako sa aking ulo at hinimas ito... Ano ba nangyayare sakin? Bakit parang nahihilo ako?

Hindi... Wala lang ito. Kailangan kong maging malakas dahil ang araw ngayon ay Tournament. Umiling akong naglakad papunta ng pinto nang biglang sumakit lalo ang ulo ko kaya napaupo ako sa sahig at tinanggal ang helmet sa ulo ko.

Bakit ba ako nahihilo? Tsk!

Ipinikit ko ang aking mata dahil sa sobrang sakit ng ulo. Ano ba nangyayare sakin? Kinakabahan ako at pinagpapawisan. Ano ba itong nararamdaman ko? Gosh.

Siguro dala lang ito ng pag nerbiyos ko. Yun siguro yun kaya ako nahihilo. Tinanggal ko lahat ng armor sa aking katawan dahil mukang sagabal ito. Tournament ang pinunta ko hindi Gera kaya go na.

Tumayo na ako nang maramdaman kong okay na ako. Dumeretso na ako sa arena at puno na kaagad ito ng students. Katulad ko, excited din sila at nervous at the same time. Teka, asan ba sila? Dumaan ako sa gitna at punong puno talaga ng tao. Mukang pinaghandaan talaga dahil engante ang arena ngayon.

"Sasha!! Dito!" Sigaw nung kambal mula sa malayo. Pumunta namana ko dun kahit sobrang sikip. Nang makaupo ako sa tabi ng kambal, biglang nag dilim ang paligid at naka tapat ang spot light sa gitna ng stage kung nasaan ang mc.
Mukang magsisimula na.

"Woohhhhh!!!!" Sigawan ng lahat kaya halos mabingi naman ako kaya tinabunan ko ang tenga ko.

"Sasha! Nasan si Pitch?!"

"Ano?!!" Sigaw ko pabalik kay Fhill

"Nasan si Pitch?!!"

"Ahh!! Nasa Dorm ko!!! Kumuha lang ng food niya!!!" Sigaw ko pabalik kaya naman napatango na lamang ito.

Sobrang ingay muli ng arena. Grabe, kinakabahan ako na ewan. Sana naman may maitulong yung mga naging training ko huhu. Mag back out nalang ako kaya? My gosh ito lang naman talaga pag asa namin at ito naman din ang pinakahihintay naming lahat ang manalo kami ngayon sa Tournament.

Ang laban ay sa group nila Leinnah at Krisis. Sobrang galing nila grabe... Mabilis ang mga kilos nito, syempre sa round na yun ang group ni Krisis ang panalo. Kaya sa round ngayon, ang group ni Krisis at ang amin ang mag lalaban nanaman.

Napalunok naman ako ng ilang beses... So isa sa amin ang lalaban dalawang beses since wala nga si winzy. At si Ice yun, dalawang beses siyang lalaban. Tumayo si Ice mula sa inuupuan niya kaya naman halos kasuloksulukan ng arena maririnig ang tili ng kababaihan kay Ice, tsk grabe ang hangin. At ang loko poker face ba naman ang muka pshh.... Ang yabang talaga kahit kelan.

So sa away nila, talo ang group ni Krisis kaya ang lalaban naman eh yung group nila Leinnah tas amin. Tss.. Si ice pa! Kaya nya yan

So tumayo naman ang kambal, ang laki ng ngiti ng dalawa pshh... Ang kalaban ng kambal ay si Perry, isa sa mga mahusay na water element.

Unang umatake ang kambal, pero kahit anong atake ng kambal kay perry ay hindi padin natatamaan si perry. Mapapanga nga ka nalang dahil mukang sumasayaw lamang ito at parang sinasabayan lang nito ang kilos ng kambal. Para bang wala lang ito sa kanya? Ni halos wala pa itong galos sa muka.  Sinubukan ng kambal na atakihin ito patalikod pero nang ma atake nila si perry sa likod laking gulat nalang naming lahat na nanonood na nagkatawang tubig si perry. Ni hindi ito natamaan sa atake ni perry...

KiniedaUnde poveștirile trăiesc. Descoperă acum