{12}

6 0 0
                                    

Si King Stephen, ang kauna-unahang hari sa buong Kinieda. Siya ay mabait, matulungin at mapagmahal. May kaibigan pa nga ito. Ang pangalan naman ay si Jaycob. Matalik na kaibigan niya ito, palaging nakakalaro at palaging kasabay sa kulitan at kasiyahan pero isang araw dumating sa buhay nila ang maaring nilang pag awayan. Dumating si Roseann sa buhay nila. Alam sa puso at isipan ni Stephen nung una niya itong nakita... 'Siya na nga' ang sabi pa niya. Ngunit napupusuan din ni Jaycob ang dalagang si Roseann. At pansin din ni Jaycob na pareho silang nahulog sa sa piling ni Roseann. Kaya naman imbis magparaya, naging makasarili ang dalawa ang naging competition na ang kanilang gawa para sa dalaga. Sa huli nama'y si Stephen pa din ang ipinili ni Roseann dahil sa taglay nitong mala gentleman at mabait sa kanya. Samantla naman si Jaycob ay hindi niya tanggap ang pagkabigo sa pag ibig ng isang babae kaya galit at puot ang kanyang naramdaman. Nag planong patayin ni Jaycob si Stephen gamit ang dark spell na ipinagbabawal sa Kinieda, at dahil di tanggap ni Jaycob na natalo siya ay nagpasya siyang gamitin ang Dark spell at doon nag simula at naisilang muli si Jaycob... Hindi si Jaycob na mabait kundi Jaycob na masama at may galit palagi sa puso... Isang araw nalaman nitong buntis na pala si Roseann kay Stephen, sa galit ni Jaycob halos gusto nadin niyang patayin pati ang sanggol. Una niyang sinugod ang mag ina, ngunit dahil pinoprotektahan niya ang kanyang anak sa loob ng tiyan, mas pinili niyang iligtas ang sanggol kaysa sarili niya kaya namatay si Roseann. Nagalit nadin si King Stephen dahil sa makasariling gawa ni Jaycob sa kanya ng mag ina... Walang awang sinaktan, pinagsusuntok, at hagisan ng malalakas na elemento ang kaibigan niyang si Jaycob. Pero may awa padin si Stephen kaya kahit masakit sa kanya ay ipina alis na lamangniya si Jaycob sa Kinieda... Malayo sa kinieda... Lumaki namang malakas at matapang si Savina... Ang anak ni King Stephen. Habang palaki ng palaki ng prinsesa, palaki ng palaki din ang malakas nitong mahika kaya naman naging proud na lamang ang amang Si King Stephen. Pero habang lumalaki na ang dalaga, patanda ng pa tanda nadin ang hari kung kaya naman bago pumanaw ang hari, ibinigay niya ang kwintas kay Savina, nagsisilbing isa kang Kinieda. Tanging makakapangyarihan lamang at isang matataas na Royalty ang pwedeng mag may ari nito. Pumanaw na ang hari at doon na nakilala ni Savina ang mga maari niyang kaibigan at kaibigan. Nakilala niya si Davy, Eric at Karlo. Silang apat ang naging mag ka group. Sila nadin ang magkasama simula nung mga bata sila. Habang nagtatagal, napaibig si Karlo sa kagandahan at bait na taglay ni Savina kaya naman sila ay nagkaisa. Malalim at makapuso ang kanilang pag iibigan. Nakaibigan nadin nila ang group nila Mercis.. Si Fiory, Kathelyn at Luden. May lihim pag tingin pa nga si Mercis kay Karlo ngunit nung nalaman niyang gusto nito si Savina ay huminto siya at tinanggap nalang kahit hanggang kaibigan nalang. Matagal na ang Pagibigan nila kaya naman pagkatapos nilang nag graduate ay ikinasal na silang dalawa, akala ng lahat masaya na sila ngunit isang araw, yun ay ang araw ng kapanganakan ni Savina ay biglang umatake sa Kinieda, yun ay ang Sytorian... At si jaycob. Si Jaycob ang may gawa sa mga Sytorian kaya naman nung umatake sila sa Kinieda ay naging malakaing kaguluhan ang naganapsa buong tahanan. Nalaman kasi ni Jaycon na buhay pa ang anak ni Stephen at may ipapanganak muli kaya naman lumusob agad siya upang ubusin ang dugo ng tunay na Kinieda. Lahat ng mga students ay pumoproteka sa Reynang si Savina. Nang maipanganak niya ang sanggol sa kalagitnaan ng digmaan ay nawalan ito ng malay. Napaiyak na lamang si karlo dahil nawala na ang kanyang kaibigan. Ipininangalan niyng Sasha ang kanyang anak at hinalikan ito sa noo kasabay ng pag tagpo ng isang dragon na nakapulupot sa katawan ng sanggol. At dahil si Karlo ay The Prince of the Dragons ay namana ito ni Sasha kaya may lahi itong dragon. Namana din nito ang lakas at tapang, kagandahan at kabaitan ng kanyang ina. Pero laking gulat nalang ni Karlo nang sumugod sa kanya si Jaycob kaya bahala nang masaktan siya wag lang ang kanyang anak dahil siya na lamang natitirang may lahi ng Kinieda. Ipinaubaya ni Karlo kay Abelle ang Sanggol na si Sasha.
"Itakas mo siya... Alagaan, huwag mong hayaang may makakilala sa kanya. Siya nalamang ang tangi nating pag asa kaya nakikiusap akong ingatan mo siya hanggang sa paglaki niya" wika ni karlo kay Abelle na isa sa kanilang taga pagbantay.
Habang umatake si Karlo kay Jaycob at itinakbo ni Anabell si Sasha palabas ng Kinieda nang masalubong nito Si Erick, Florida at si Gorgia. Ipinaliwanag nito ang gagawin niya kaya naman gumawa ng spell si Florida at ibinigay kay Abelle upang sa ikaliligtas ng Sanggol. "Doon ka manirahan sa maliit na baryo, malayong malayo ito dito sa Kinieda. Sigurado akong ligtas kayo doon." At pinasakay ni Erick si Abelle sa kabayo. " abelle, ingatan mo Ang natitirang kamahalan natin... Ingatan mo si Sasha" huling wika ni Erick bago umalis sa Kinieda. Habang nasa Kinieda naman, natalo si Karlo dahil masydong malakas ang dark magic. Pero kaya naman niya itong talunin pero mas piniling sumuko si Karlo at pumanaw na... Apat na taon ang nakalipas, ipinahanap ni Jaycob sa buong Kinieda ang anak ni Savina at Karlo. Kaya naman pati baryo at lungsod ay nilusob ng Sytorian upang patayin ang anak ni Savina. Yun yung araw na iniligtas ni Mercis si Sasha nung time na nasa kamay siya ng Sytorian. At dahil namangha si Mercis sa element ng batang si Sasha ay dinala niya ito sa Kinieda upang mag aral. Doon na din nag simula ang storya ni Sasha. Si Erick, Florida , Gorgia, at si Abelle lamang ang nakakita at nakakilala kay Sasha kaya naman may ibang tao ang sabik na sabik na malaman ang pagkatao ni Sasha dahil simula ng puno hanggang dulo, doon natin malalamn ang dahilan at kung ano ang kaunaunahang nasimulan ng gulo.


You've reached the end of published parts.

⏰ Last updated: Jul 10, 2018 ⏰

Add this story to your Library to get notified about new parts!

KiniedaWhere stories live. Discover now