Chapter 11:Rules

1.9K 55 1
                                    

Margaux Charice Point Of View

    Kinabukasan,maaga akong gumising kasi maaga naman talaga akong nagising.Si Tristan naman tulog na tulog pa tamawo.Naabutan kong nagdidilig ng mga halaman si Mang Pedring sa garden.Ang ganda ng garden.Halatang inaalagaan talaga ng mabuti."Goodmorning Mang Pedring."nakangiti kong bati sa kanya.Agad naman syang ngumiti eh wala naman syang ngipin.Nakakatawa naman.Pero ang kyut nya ahh."Magandang umaga din sayo iha.Kumusta ang gising mo?Maayos naman ba?"nakangiti nyang tanong."Maayos naman po.Ang ganda pala dito sa Batangas Mang Pedring noh?"tanong ko."Abay oo naman iha.Alam mo bang mas maganda dito noon? Pero ayos lang naman kasi hanggang ngayon maganda parin naman dito.Ano palang sadya mo iha?"tanong niya."Wala naman po.Wala kasi akong kausap eh.Si Tristan kasi natutulog pa."sabi ko.Ngumiti naman sya."Alam mo iha, sa pagbalik ni Tristan dito, nagbago na sya.Kasi noong una siyang pumunta dito at  nalaman ko na iniwan pala sya ng dati niyang nobya palagi nalang mainit ang ulo niya.Natutuwa talaga ako sa kanya ngayon kasi unti-unti na syang bumabalik sa dati."nakangiting saad ni Mang Pedring na abala parin sa mga bulaklak."Ano pong ibig nyong sabihin na unti-unti na syang bumabalik sa dati?"nakakunot noo kong tanong sa kanya.Pero hindi nya sinagot ang tanong ko kundi nginitian nya lang ako."Malalaman mo rin yan sa tamang panahon iha."sabi niya.
  Nagulat kami ni Mang Pedring nang may grupo ng babae amg nagtitilian sa likuran namin.Napalingon kami at may mga babae at isang lalaki na nakangiti sakin.Akala ko sakin sya nakangiti.Nagkakamali pala ako kasi bigla itong tumakbo sa gawi ko pero nilagpasan niya lang ako."Bro!!!"sigaw niya at lumapit kay Tristan at pinagsusuntok sa balikat si Tristan.Napangiti naman siya at gumanti rin sa pagsusuntok.Napakunot tuloy ang noo ko."Ganyan talaga ang batian ng dalawang yan, nagsusuntukan."natatawang saad ni Mang Pedring."By the way bro, this is Charice my girlfriend.Munchie, si Andrei kababata ko."ngumiti lang ako don kay Andrei.Gwapo naman sya at ang sexy din.Mwahahaha!
"Kyaaaahhh!!! Tristan mylabs!!"sigaw ng grupo ng mga kababaihan sa likuran namin.Nagulat naman si Tristan Demonyo na gwapo at may binulong sya kay Andrei."Sorry naman.Akala ko kasi wala ka pang sineseryosong girlfriend eh."natatawang saad ni Andrei at nilapitan ang mga babae.

   Maya-maya rin ay nag-aya na si Mang Pedring na kumain ng breakfast.Kasabay rin namin si Andrei kumain.Childhood friend pala sya ni Tristan.After kong kumain nagpaalam muna ako sa kanila na maglalakad-lakad lang muna.Nagkwentuhan pa kasi silang dalawa.Nagtungo nalang ako sa dagat na pinuntahan ko kahapon.Hindi na ako nagpaalam kay Tristan besides alam ko naman na hindi yon magagalit.Habang abala ako sa pagtatampisaw bigla nalang may yumakap sa likuran ko.Bigla na naman akong napangiti." I've been waiting for you munchie."aw,naglalambing ang punchie ko.Tumingin ako sa wristwatch ko at 7:00am pa naman.Ngumiti ako sa kanya at bigla siyang hinatak papunta sa may tubig.
Nagsmile lang din sya sakin.
"Asan pala si Andrei?"tanong ko sa kanya."Ahh.Umuwi muna sa kanila.Babalik naman daw sya dito mamaya."tumango nalang rin ako.
"Punchie laro tayo ahh.Patagalan sa pag-ahon."nakangiti kong sabi."Okay."sabi niya at nagstart na kaming lumangoy at syempre nagdive pa talaga ako sa malalim.15 minutes at umahon na ako.Kumunot ang noo ko nang hindi makita si Tristan sa dagat.Nagsimula na akong kinabahan."Punchie?Punchie hoy! Tristan asan ka naba?! Hindi kana nakakatuwa ahh!Peste ka!"bulyaw ko pero hindi ko parin sya nakita.
"Punchie naman eh! Wag ka ngang magbiro ng ganyan!!"mangiyak-ngiyak kong sigaw sa kanya.Babalik na sana ako sa dalampasigan nang may biglang yumakap sakin sa likuran.Agad kong pinunasan ang mga luha ko.Pesteng tamawo na ito.Baka akalain nito napakababaw ko.Demonyo pa naman ito."Stop crying munchie.I didn't know na iyak ka pala.Jinojoke lang naman kita eh."sabi niya at isinubsob ang mukha niya sa leeg ko.Hinarap ko nga sya at binatukan."Walangya ka! Pinakaba mo ako ng bongga bwesit ka! Alalang-alala na ako sayo!!!"hindi ko parin mapigilan ang maiyak.Kainis nga eh.Bakit naman ako naiiyak ngayon? Tangina! Naramdaman ko nalang na inilapat niya ang labi niya sa labi ko.Hindi ako makagalaw.Hinayaan ko nalang na magpakalunod sa mga halik nya sakin.Dahan-dahang hinahaplos niya ang likuran ko.Gusto kong papaniwalain ang sarili ko na nadadala na ako sa halik niya.Pero  hindi ko parin makakalimutan na isang fake relationship lang ang namagitan sa aming dalawa ngayon.

Nakipagkwentuhan muna si Andrei sa akin nang bumalik siya dito sa resthouse.Ang saya nga nya kausap eh."So, matagal na kayo ni Tristan?"tanong niya pero umiling lang ako."Hindi pa."ngumiti naman sya.Pansin ko lang sa kolokoy na ito ah.Panay ang pagngiti sa akin."Alam mo ba iyang si Tristan dati,naging miserable ang buhay niyan.Taon-taon pumupunta sya dito mag-isa.Mas swerte ka nga Charice kasi ikaw ang kauna-unahang babae na dinala nya dito sa resthouse nya.Alam mo bang ang ganda ng plano ni Tristan noon sa ex girlfriend nya? Balak nya noon na kapag anniversary na nila pupunta silang dalawa dito sa resthouse at dito rin nya balak magpropose sa ex nya.Kaya lang,nasira ang lahat ng yun kasi sa mismong anniversary nilang dalawa umalis ang ex niya.Iniwan sya nito without any reason kaya ayun.Nasira na naman ang buhay niya.Naging playboy siya.Lahat ng babae na lumalapit sa kanya jinojowa nya.Kaliwat kanan kaya ang mga jowa nyan noon.Buti talaga at dumating ka sa buhay niya.Alam ko kasing ikaw lang din ang makakapagpabago sa kanya.Kaya sana hindi mo na siya iiwan.Naaawa kasi ako sa ugok na yon eh."natatawang sabi niya.Hindi nalang rin ako nagsalita.Ano namang sasabihin ko?Yung mga hiling ni Andrei sakin hindi ko naman kayang tuparin yon.Dahil alam ko naman na matatapos rin ang fake relationship naming  dalawa.Sa loob ng tatlong buwan ano pa kaya ang susunod na magyayari noh?
Hay naku!

      Gabi na at nakaupo lang kaming dalawa dito sa damuhan sa garden.Sabi ko kasi sa kanya sabay kaming manunuod ng stars sa langit.Yun kasi ang hilig kong gawin ang mag star gazing.
"Ay oo nga pala punchie,muntik ko ng makalimutan."napatingin naman siya sakin habang yakap-yakap ako.
"Ano yun?"nakatitig lang sya sakin na para bang may dapat syang malaman."Kasi...ano..."hindi ako makatingin sa kanya ng diretso.Kumunot naman ang noo niya at nakatitig lang siya sakin.
"Buntis ako."halos malaglag ang panga nya sa sinabi ko.Bago pa sya makapagreact.Nagsalita na ako.
"Mwahahaha!!!"tawa ako ng tawa kaya inirapan niya lang ako."Joke lang yun punchie.Eto naman di na mabiro."nakangiti kong sabi sa kanya."Well hindi ako natatawa sa joke mo.Tss."sabi niya at tatalikuran na sana ako pero hinila ko ang braso niya.Napahiga na ulit siya sa may damuhan."Sorry na po."sabay pisil sa ilong niya.Hindi parin siya nakibo.Ay ang OA."Ano nga pala yung sasabihin mo?"nakataas baba ang kilay niya.
Hay naku!

"Syempre, magbf gf na tayo kaya meron tayong mga rules na dapat sundin.Ang lumabag sa mga rules haharap kay Mr. Kaparusahan.Gets?"sabi ko kaya napatango-tango naman siya.
"Okay, ano naman ang mga yun?"atat na atat na ata tong tamawo na to.
"Rule #1:Walang magbebreak kahit anong mangyari until hindi pa tapos ang fake relationship natin.Rule #2:Dapat tayo lang ang pinakamaganda/gwapo para sa isat isa.Rule #3:Bawal tayong umuwi ng sobrang gabi dapat hanggang 9 lang.Then paglagpas dyan dapat valid yung reason.Rule #4:Iwasan yung mga pinagseselosan natin.Like makipag-usap tayo sa iba or mas bigyan ng oras ang iba depende pag importante lang.Rule #5:Dapat lagi tayo updated sa isat isa lalo na kapag nasa labas tayo sabihin kung paalis na o pauwi na or nakauwi na.Rule #6:Kapag may hindi pagkakaintindihan ayusin agad para di na lumala pa.Rule #7:Kapag may problema yung isat isa dapat sabihin sa isa.Bawal maglihim.Rule #8:Dapat once a week meron tayong time sa isat isa yung araw na yun eh para sa atin lang.Rule #9:Trust sa isat isa.Dapat lagi natin iisipin na kahit anong mangyari ako lang ang mahal mo at ikaw lang din ang mahal ko."natigilan kaming dalawa pareho.Nakatingin lang kami sa isat isa.Ramdam ko na yung hiya sa katawan ko.Fuck Cha! Ano ba itong pinagsasabi mo? Mahal nyo ang isat isa? Kelan pa? Para namang magkatotoo lahat ng ito.Hay naku!
Bigla siyang ngumiti."Just continue."putakteng ngiti iyan eh?Ayun, pinagpatuloy ko nalang.
Rule #10:Kapag may gala dapat magpaalam muna then bawal malowbat ang cellphone lalo na pag gabi na laging tatandaan ang rule #3.
Yun lang at maraming salamat."nakangiti kong sabi sa kanya.Ngumiti rin siya at nabigla na naman ako sa sunod na ginawa niya.Bigla niya akong hinalikan sa labi.Napapikit nalang ako nang maramdaman ko ang labi niya na nakalapat na sa labi ko.Ang init.Para akong nalulunod sa mga halik nya sa akin.

******
Pesteng free all net yun.Nakakainis! Hindi ko nagamit kasi nakatulog ako.
Well, kahapon pala concert ng EXO.
Alelelelele! Comment mga team bahay dyan.Kasi ako team bahay lang rin naman ehh.Mwahahahaha!
#ChanBaek😍💕

The Playboy's Girl(COMPLETED)Where stories live. Discover now