Chapter 27:Love Making

1.8K 47 0
                                    

Charice's Pov:
Ang laki ng ngiti naming dalawa ni Alexa ngayon.Like oh my god! Christmas break na hello?! Pwede na kaming makapaggala noh.Mwahaha!
Pauwi na kaming dalawa sa bahay para makapagbihis at didiretso na agad sa bar.Napag-usapan kasi ng barkada na may hang-out kami mamayang 8:00pm.Actually,hindi nga sana ako sasama pero nakiusap si Arcie sakin.The day after tomorrow na kasi siya aalis ng bansa.Kaya ayun,pumayag nalang ako para hindi maging kj.
"Oh my god Cha! Ang saya ko talaga kasi sa wakas! Makahinga narin ako.No reports,projects etc."wika niya at agad lumundag sa kama.Tumawa nalang ako.
" Pansamantala Alexa.Remember? Two weeks lang ang vacation natin noh."wika ko at naglalakad na patungong banyo."Duh! Atleast, may two weeks."wika niya at lumabas narin ng kwarto ko.

Sa bar na kami magkikita ng barkada kasi iyon din ang napag-usapan namin.Pero sayang parin kasi wala ang kambal.Hay naku!
Pagkapasok namin sa bar, as usual grabe ang ingay.Tsk.Naaasar lang talaga ako.
"Cha!!! Alexa!!!"sigaw ni Arcie na kumakaway pa sa amin.Pumunta narin kami sa table niya."Mabuti naman at dumating kayo."nakangiting wika niya sa amin."Alangan namang hindi kami pupunta.Dhuh!"wika ni Alexa sabay irap.Katabi ni Arcie si Alicia na ngayon ay parang kakainin na ako sa mga titig niya.Inirapan ko lang din siya.Hindi ko lang talaga alam kung bakit nasali itong bruhang ito sa barkada namin eh.Tsk.
"Hi girls!"bati ni Nikko at hinalikan kami sa pisngi isa-isa.Natawa nalang ako kasi nung si Alexa na ang bebesuhan niya.Sobrang pula ng mukha niya.Mwahahaha!
Agad naman kaming napatingin sa likuran ni Nikko at natanaw ko si Tristan at oh my god! Si Nerd Girl!
Bumati din si Tristan samin saka naupo.Hindi ko na pinansin pa si Tristan kasi nakatingin parin ako kay nerd girl sa harapan ko.
"Hi guys!"nakangiting bati niya sa amin.Tumayo si Nikko at inakbayan si nerd girl.Mas lalo pang nanlaki ang mga mata ko.Don't tell me? Oh my gosh!!!

"Guys, this is Anne.Anne, my friends.Si Arcie, Alexa,Alicia,Charice at Tristan."pakilala ni Nikko sa amin.Ngumiti lang ako at inaya naman nila Arcie si Anne na umupo.
"Seriously nerd este--- Anne.Pumupunta ka pala sa ganitong lugar noh?"tanong ko sa kanya pagkaupo niya.Magkatabi kasi kami ng upuan.Tinignan naman niya ako at tinaasan ng kilay.Like what the?!
Ang sunget.
"Of course naman.Palagi kaya akong pumupunta dito.Every friday night nga eh."nagulat naman ako sa sinabi niya.Talaga?! Every friday night talaga? Jusmiyo...Ang akala ko kasi taong bahay itong nerd na ito eh.
Nagkwentuhan lang kaming lahat habang nag-iinuman.Napatingin ako sa mga kasama ko at mukhang lasing na nga.Kitams! Si Alexa at Alicia magkatabi ng natulog sa couch.Mwahaha! Si Arcie naman okay pa naman.Si Anne mukhang tama na nga rin.Si Nikko at Tristan okay pa.Tagal matablan eh.Mas lalong ako hindi okay.Tsk.Umiikot na nga ang paningin ko.Tangina naman!
Napatingin ako sa wristwatch ko at 3:00am.Seriously?! Ang tagal na pala naming nagkwentuhan dito sa loob ng bar eh!
Aish! Inaantok na ako.Isinandal ko nalang ang ulo ko sa couch at ipinikit ko na ang mga mata ko.Bahala na nga itong mga kasama ko.

Tristan's Pov:
Napatingin ako kay Charice na ngayon ay natutulog na.Tumayo ako at tumabi sa kanya.Si Anne naman kasi humiga narin sa hita ni Alicia.
Ang bilis naman nilang malasing.Tsk.
"Bro, no choice tayo kundi uuwi nalang.Natutulog na ang mga kasama natin ohh."wika ko at tinuro sina Alexa, Alicia at Anne na magkatabing natutulog.Si Arcie naman mukhang okay pa.Nagcecellphone ba naman at nakangiti pa.Tsk.
"Oo nga eh.Ganito nalang.Ikaw na ang bahala kay Charice at Anne.Ako na ang bahala kay Alexa.Si Arcie naman ang bahala kay Alicia.Diba Arcie?"sabay naman kaming napatingin kay Arcie ngayon na nakangiti parin at kaharap ang cellphone niya.Ano namang nakain ng babaeng ito? At mukhang ang saya-saya niya pa talaga.Tsk.Napatingin naman si Arcie samin at hindi pa maalis ang ngiti sa labi niya."Huh?-----Uhm.Yeah sure.Don't worry."wika niya."Kaya mo pang magdrive?"tanong ko.Nginitian naman niya ako."Yes.So? Ano, mauna na kami ng kapatid ko ahh.Pagod narin kasi ako."wika niya.Tumango nalang kaming dalawa ni Nikko.Lumabas narin si Arcie at Alicia sa bar.Ginising naman namin sina Alexa at Anne na ngayon ay mahimbing pang natutulog.
Binuhat na ni Nikko si Anne papasok sa backseat ng kotse ko.Then, sunod ay si Alexa na ipinasok din sa kotse niya.Alam kong may gusto si Nikko sa pinsan ko.Wala naman akong problema don kasi alam ko naman na mabait si Nikko.Para kahit papano at makalimutan na ni Alexa si Kyle.Matapos magpaalam ni Nikko na mauna na daw siya at bukas na bukas daw at ihahatid nya din si Alexa sa bahay ni Charice.Nagbuntong-hininga ako bago ko binuhat si Charice.Tsk.Ang bigat nya.
"Hoy ikaw! Bakit *hik* mo ako*hik* shinaktan ang *hik* shakit eyyyyy."napailing nalang ako.Lasing na lasing na nga talaga sya.
"Charice, uuwi na tayo.Lasing na lasing kana."sabi ko bago ko siya pinaupo sa front seat.Hindi naman na sya nagsalita at natulog nalang din.
Pagkarating namin sa bahay ni Charice agad naman akong sinalubong ng mga kasambahay niya.Sinabi ko nalang sa kanila na ihatid si Anne sa guestroom para makapagpahinga na.Tapos binuhat ko na naman si Charice paakyat sa kwarto niya.Napangiti ako nang makita ang mga drawings niya sa study table.Mahilig talaga siyang magdrawing.Naalala ko naman yung itinapon ko yung mga drawings niya sa basurahan noon.Sarap kasi pagtripan eh.Aish! Kaya ayun... ako tuloy ang naglalaba sa mga shit.Nakakaasar.Sa mga undies niya.Fuck!
Lalabas na sana ako sa kwarto niya nang bigla niyang hinila ang braso ko kaya napahiga tuloy ako sa tabi niya.
"Don't l-leave...I'm s-scared."wika niya kasabay ng pagtulo ng luha sa pisngi niya.Hanggang ngayon parin ba ay nasasaktan parin sya?
Pinunasan ko ang luha niya at hinalikan siya sa noo.
"I'm so sorry Charice.Sorry kasi ang gago ko para saktan ka.Pero masaya ako ngayon kasi nahanap ko na sa sarili ko mismo na mahal na mahal na nga talaga kita.Ngayon ko lang narealize kung gaano kasakit na wala ka sa tabi ko.Alam ko naman na galit ka pa sakin ngayon.Simula pa nung outing natin sa Tagaytay huli kitang makausap.Iniiwasan mo ako palagi eh.Kahit magkikita tayo sa school hindi mo ako pinapansin.Kaya, sisiguraduhin ko na ngayon na mapasakin karin.I swear!"wika ko at hinalikan siya sa labi niya.Nagulat nalang ako nang bigla siyang naresponse at mas lalo pang pinadiin ang halik namin.Kaya, agad ko syang hinapit palapit saking katawan at hinalikan.Hanggang sa nangyari ang hindi dapat sana mangyari.
Nakatulog akong may ngiti sa labi.

Kinabukasan, nagising nalang ako sa sinag ng araw.Napangiti ulit ako ng maalala ang nagyari kagabi.Pero kumunot naman ang noo ko ng mapagtantong wala na pala si Charice sa tabi ko.Bumangon na ako and hell! Ang sakit ng ulo ko.Shit.
"Charice?"tawag ko habang palabas ng kwarto.10:00am na pala.Takte!
Agad ko namang napansin si Anne na pababa rin ng hagdan."Anne, nakita mo si Charice?"tanong ko.
"Oo.Umalis yon eh.Kanina pa.Bumalik lang ako dito kasi naiwan ko ang cellphone ko."wika niya kaya tumango nalang rin ako.Bumaba na ako ng hagdan ng nagsalita ulit si Anne."Nga pala Tristan, matanong ko lang ahh.Bakit paika-ika na naglalakad si Charice kanina? May masakit ba sa kanya?"nanlaki naman ang mga mata ko sa gulat.
"Huh? Ah----baka nga siguro.Hindi ko alam eh.Hehe."sabi ko at napakamot sa ulo.Tumaas naman ang kilay ni Anne na mukhang alam na niya na may nangyari nga sa amin ni Charice kagabi.Lumapit sya sakin na nakataas parin ang kilay."Sigurado ka? Kung mapapaniwala mo ang iba sa sinasabi mo.Ibahin mo ako Tristan.Hindi ako naniniwala sayo.Kaya sabihin mo na kung bakit nagpaika-ika ang isang yun kanina."napalunok ako sa mga sinasabi niya.Sabi ko na nga ba eh.
"T-tama ka-----"
"OH MY GOSH! May nangyari nga sa inyong dalawa kagabi?!"tinakpan ko nga ang bibig ni Anne."Ang lakas ng boses mo.Baka may makarinig."inirapan naman niya ako."So totoo talaga? Tristan, ano ng gagawin mo ngayon? Lagot ka talaga."napakamot nalang ako sa ulo ko."Syempre, kung may mabuo edi pananagutan ko sya."ngumiti naman sya at tinapik ako sa balikat.Saka na naunang umalis.

Pagkauwi ko sa condo ko agad tumawag si Arcie na makipag-usap daw sya sakin.Tsk.Kaya pumayag narin ako kasi may gusto rin akong sabihin sa kanya.Bukas na kasi ang alis nya.Pagkatapos ko ring magbihis pinuntahan ko na si Arcie sa isang restaurant.Nakaupo sya at may malalim na iniisip.
"Hi."bati ko kaya napatingin naman sya sakin.12:00pm na ngayon kaya nag-order muna kami para makapaglunch.Tahimik lang kaming kumakain.
"Actually Ford, kaya kita pinapunta dito kasi may sasabihin ako sayo."napatingin ako sa kanya.Nakangiti lang sya."Kaya ako bumalik dito kasi gusto ko lang makumpirma sa sarili ko kung may nararamdaman paba ako sayo.Pero I realized na wala na pala.Gusto na kitang palayain at sana maging masaya kayo ni Charice.So? Friends?"ngumiti ako at inabot ang nakalahad nyang palad."Friends.Of course."ngumiti lang sya."Honestly, bumalik talaga ako dito kasi iyon ang advice ni Mikael sakin eh.Now, alam ko na sa sarili ko kung sino talaga ang mahal ko."napakunot naman ang noo ko."Sino naman yang Mikael?"ngumiti lang sya.Kitang-kita ko sa mga mata nya na masaya sya nung binanggit ko ang pangalan ng lalaki."He's my boyfriend in London."napangiti narin ako."Really? Oh that's good to hear."tumango naman sya."You will meet him someday.Mabait at gwapo yun eh."sabi pa nya.
Nagkwentuhan lang din kami ni Arcie.Sinabi ko rin sa kanya na mahal ko na nga si Charice.Ang laki nga ng ngiti niya.Sinabi nya din sakin na huwag na huwag ko daw saktan si Charice kundi lagot ako sa kanya.

****************

Vote and Comment!

I miss you so much balyangers!
#MarlieJaneSarno😂😂😂

Mwahahahahaha!

@CherayDiAyy💕

The Playboy's Girl(COMPLETED)Where stories live. Discover now