Chapter 21:Miracle

1.6K 30 3
                                    

Tristan's Pov:
    Para kaming pinagbagsakan ng buong mundo nang malaman na wala na si Charice.Humagulhol na ako sa kakaiyak at ganon din si Alexa at ang kambal.Si Nikko walang kahit ano mang luha ang tumulo sa mga mata niya pero halata sa hitsura niya na nalulungkot siya sa nangyayari.
Wala na si Charice.Hindi pwede! Ayokong mawala siya.Ayokong iiwan niya ako.Ugh! Iyak ng iyam si Alexa habang nakayakap sa akin.Hinahaplos ko lang ang likod niya para kahit papano maramdaman niyang nandito rin kami at nasasaktan.
"This can't be...This can't be..."paulit-ulit na wika ni Alexa habang umiiyak.
   Maya-maya pa ay naglakad na kami patungo sa kwartong kinaroroonan ni Charice.Ang morgue.Dahan-dahan kong binuksan ang pintuan at huminga ng malalim.Dapat handa akong harapan ang kalagayan ni Charice ngayon.
"Chaaaaaa!!!"sigaw ni Alexa habang yakap-yakap si Charice."Cha! Please wake up.Wake up! Hindi ka pwedeng mamatay.Hindi mo ako pwedeng iiwan! Cha naman,gumising kana diyan ohh.Cha, diba ang sabi mo na gusto mong mag-outing ang barkada natin sa Tagaytay? Eto na Cha.Pupunta na tayo doon.Basta ba gumising kana diyan.Cha,h-huwag mo n-namang gawin ito.Ayokong mawala ka Cha.Please,gumising kana..."wika ni Alexa at umiyak na naman siya ng umiyak.Hindi ko na naman mapigilan ang luha ko na makita ang bangkay ni Charice na nakahiga dito at binalutan ng puting tela.Agad lumapit si Nikko kay Alexa at inalalayan itong makatayo.
"Bro, lalabas nalang muna kami.Kailangan ni Alexa ng hangin."wika ni Nikko kaya nginitian ko nalang siya.Saka na sila umalis kasama ang kambal.Napaupo ako sa stool dito sa gilid ng kama na hinihigaan ni Charice.Hinawakan ko ang kamay nyang malambot pero sobrang lamig na nito.Umiyak na naman ako.
"M-munchie,sorry.Sorry dahil nasaktan ka dahil sa akin.Sorry kasi dahil sa akin naaksidente ka.Patawarin mo sana ako.Alam kong galit ka pa sa akin hindi ko man lang natupad ang pangako ko sayo na hindi na kita iiwan.Pero munchie,gusto ko lang malaman mo na hindi naman talaga totoo na nagkabalikan kami ni Arcie.Alam mo ba kung bakit ako nagpunta sa bahay mo kanina? Kasi,gusto kong magpaliwag sayo.Gusto kong sabihin rin sayo na hindi ko na mahal si Arcie at ikaw na ang mahal ko.Ikaw na ang tinitibok ng puso ko.Pero sa kasamaang-palad, nangyari pa ang hindi dapat mangyari.Sana,ako nalang yung namatay noh? Kasi, wala akong kwentang tao.Ang gago ko para saktan ang isang katulad mo.Munchie, sana gumising ka.Huwag mo naman akong iiwan.Marami pa akong dapat sabihin sayo eh.Sige na muchie please, ayokong mawala ka sakin.Hindi ko yon kaya.Munchie,mahal na mahal ka ng punchie ng buhay mo."wika ko at hinalikan ang labi niya sa huling pagkakataon.Para kahit papano, may maibabaon siya sa kanya paglalakbay patungong langit diba?Ang isang halik ng isang Tristan Ford Zapanta.Haha.

Third Person's Pov:
      Nagising si Charice sa kakaibang lugar na nakita niya.Ang maaliwalas na lugar na ito.Parang nasa isang bakasyon lang siya at sobrang tahimik.
"Wow! Ang ganda naman dito!"namamanghang wika niya at tuloy-tuloy lang sa paglalakad habang nakatuon ang kanyang dalawang mga mata sa isang napakagandang tanawin ng lugar.Buong buhay niya at ngayon lang siya nakapunta dito.Ang saya niya habang nagpatuloy lang sa paglalakad hanggang napadpad siya sa isang napakagandang hardin.Ang daming mga bulaklak at kakaiba din ang klase ng mga ito.Ibang-iba sa mga karaniwang bulalak na nakikita niya sa Maynila.
"Ikaw ba si Charice?"nagulat siya at napalingon sa likuran niya kung saan doon galing ang boses ng babae.Isang magandang babae ang nakita niya at mukhang nasa 40's pa ito.Ngumiti siya sa babae."Ako nga po.Bakit nyo po tinatanong?"tanong niya sa babaeng nasa harapan niya ngayon at nakatitig sa kanya ng seryoso.
Umupo ang babae sa isang malaking bato dito sa hardin kaya umupo din siya."Gusto mo na bang dito na titira?"tanong ng babae sa kanya.Ang mga mata nito ay parang nagsasabi sa kanya ng 'Bumalik kana sa pinanggalingan mo.Maraming naghihintay sayo doon at nasasaktan sila kasi iiwan mo sila'.
Nagbuntong hininga si Charice bago magsalita."Ang ganda kasi dito.At sigurado akong magugustuhan ni Alexa kapag nalaman niyang nakapunta na ako sa lugar na ito."wika niya.Hinawakan siya bigla ng babae."Huwag mo na sana sayangin ang pagkakataon na ito.Bumalik kana lang sa mundo mo.Balang araw, makakapunta ka rin dito kasama ang mga kaibigan mo."napayuko si Charice nang maalalang galit pala si Alexa sa kanya dahil sa ginawa niya.Sinigawan niya ang kaibigan at halatang hindi nito iyon nagugustuhan."Makinig ka iha, kapag pinili mo ang lugar na ito.Hinding-hindi kana makakabalik sa lugar na pinanggalingan mo."nagulat si Charice at ang babae nang marinig nila ang boses ng isang lalaki.
"Munchie,mahal na mahal ka ng punchie ng buhay mo."
Nanlaki ang mga mata ni Charice nang mapagtantong pamilyar sa kanya ang boses ng lalaking iyon.Pati sa pagtawag nito sa kanya ng endearment nila kilala na niya agad kung sino ang lalaking ito.Walang iba kundi si Tristan.Napangiti siya ng mapakla nang maalalang bumalik na ang ex ng lalaki.
"Umalis kana iha.Pakisabi nalang din sa anak ko na miss na miss ko na siya."wika ng babae at agad pinunasan ang luhang tumulo sa mga mata nito.Nagtataka naman siya sa tinuran ng babae.Anong pinagsasabi nitong miss na miss na niya ang anak niya?
"Sino po ba ang anak ninyo? Bakit hindi po kayo umuwi sa inyo para makita niyo ang anak niyo."wika niya sa babae.Napangiti naman ng malungkot ang babae at natulala.
"Hindi ko maaaring gawin yon.Kahit kailan hindi na ako makabalik sa mundo ninyo.Hindi ko na makikita ang anak ko.Maghintay nalang ako dito ng matagal kung sakaling kunin na siya ng Panginoon.Alam mo ba kung sino ang anak ko iha?"ngumiti ang babae pero may halong kalungkutan.Umiling si Charice bilang sagot."Ang lalaking tumawag sa iyo kanina ay ang aking anak na si Tristan.Ako ang mommy niya."natutop ni Charice ang bibig niya.Is this for real?! Kausap niya ngayon ang mommy ng taong gusto niya? Oh God.
"S-si T-tristan po ang a-anak ninyo?"gulantang na tanong niya sa babae.Tumango naman ang babae at ngumiti sa kanya.
"Mahal ka ng anak ko.Kitang-kita ko iyon sa mga mata niya.Pero hindi niya lang masabi sa iyo.Huwag mo sana siyang pabayaan.Alagaan mo siya ng mabuti.Mahal na mahal ko ang anak kong iyon kaya sana gawin mo ang sinabi ko.Umalis kana dito iha.Balikan mo na si Tristan kasi hinihintay ka na niya."wika ng babae na ikinagulat niya pa lalo.Napalingon naman siya nang may narinig siyang lalaking umiiyak.Sino yon?
"Saan pala ako ngayon?"nagtataka niyang tanong sa mommy ni Tristan.
Napangiti ang mommy ni Tristan.
"Nasa langit ka."halos lumuwa naman ng mga mata niya ng malaman kung nasaan siya.
"WHAAAT?!!!"gulat na gulat niyang tanong.Doon niya lang naisip na ayaw niya pang mamatay noh tsaka kailangan niya pang balikan si Tristan sa mundo.Napangiti ulit siya ng maisip na may balak siyang agawin si Tristan kay Arcie.Mwahahaha! Humanda kang Arcie ka!

Tristan's Pov:
    Nagulat ako nang biglang gumalaw ang hintuturo ni Charice.Agad akong napamulat at pinunasan ang mga mata ko na may luha.Oh God! 
Gumalaw ang kamay niya.Ibig sabihin nito, SHE'S ALIVE!!!
"SHE'S ALIVE!!!"masayang sigaw ko.Agad kong binuksan ang pintuan at tumawag ng doctor.Nagtataka na naman yung mga tao na nakatingin sa kin kung bakit ako nakangiti.Syempre! Buhay ang babaeng mahal ko!!!
"Doc! She's alive! Kailangan nyo na siyang ilipat ng ibang kwarto! Bilisan niyo!!!"wika ko sa doctor na kaharap ko ngayon.Agad naman niyang inutusan ang mga nurse na kasama niya at ilipat si Charice sa ibang kwarto."Sigurado po ba kayo Mr. Zapanta?"tanong niya.Sinamaan ko kaagad siya ng tingin."Hindi ako nagbibiro.Kaya icheck mo na ang kalagayan nya!"singhal ko sa kanya kaya napatakbo naman siya palayo sa akin.Napaupo nalang ako sa may bench.Hindi ko mapigilang mapangiti.Buhay si Charice! Buhay siya!
     Agad kong tinawagan si Alexa at mukhang nagulat pa sila sa balita ko.Papunta naman na sila dito.Napabuntong hininga nalang ako saka napangiti sa kawalan.
Maya maya pa ay dumating na din sina Alexa.Eksakto namang lumabas ang doctor sa kwarto ni Charice.
"Kumusta na siya?"tanong ko kaagad sa doctor."It's a miracle.Hindi ako makapaniwala na nakayanan pang lumaban ng pasyente para sa buhay nya.Ang swerte ng pasyente.Minsan lang kasi mangyari to..Kaya, masaya ako para sa inyo."napangiti ako sa sinabi ng doctor."Kaya lang, kailangan ng pasyente ng maraming dugo sa katawan niya.Marami na kasing dugo ang nawala sa kanya.Kaya kung sino yung willing magdonate ng dugo sa katawan niya.Just see me in my office.Excuse me."wika niya at umalis na sa harapan namin.Sabay naman kaming napaupo sa bench at nagbuntong-hininga.Nagkatinginan kaming lima.
"Ipacheck na natin kung magmatch ba ang dugo natin sa blood type niya."sabay naming sabi at ngumiti.
Sabay rin kaming pumasok sa opisina ng doctor na kausap namin kanina.Pagkatapos namin siyang makausap ay sinamahan kami ng isang nurse par icheck ang blood namin.Halos mag-isang oras kami sa loob ng kwarto kasama ang nurse.
At sabay rin kaming lumabas sa kwartong iyon na nakasimangot.
Hindi nagmamatch ang mga dugo namin.Hindi kasi kami pareho ng blood type.
"Paano ba yan? Saan tayo hahanap ng dugo na magmamatch sa kanya?"malungkot na tanong ni Alexa.Hindi nalang ako sumagot.
Bigla kaming napalingon sa hallway at tinignan ang dalawang babaeng tumatakbo papalapit sa gawi namin.
"Oh my god! Anong nangyayari kay Charice? Is she okay now?"tanong ni Alicia at kasama si Arcie na nasa gilid niya lang."Wow.Hindi ako makapaniwala na may pakialam ka din naman pala sa bestfriend ko."wika ni Alexa at inirapan si Alicia."Like hello?! Nagmamalasakit lang ako noh!"sabi ni Alicia at inirapan din si Alexa."Pagkatapos mo siyang awayin at pinabugbog mo sa mga julalay mo? Hind mo ba alam na dahil sa ginawa mo naconfined si Charice ng isang linggo? Like dhuh! Mga plastic nagkalat pa talaga!"wika ni Alexa.Napabuntong hininga nalang ako."Kaya nga nandito ako para magsorry eh! So? Ano ngang nangyari sa kanya?"inis na tanong nya sa amin."Kailangan niya ng dugo.Kaso hindi nagmamatch ang mga dugo namin sa kanya."wika ni Nikko."If you don't mind.I'm willing to donate my blood to her."wika ni Arcie kaya napatingin naman kaming lahat sa kanya.Ngumiti lang siya sa amin."Sigurado ka?"gulat n tanong ni alexa."Are you sure ate?"gulat naman na tanong ni Alicia.
"Pwede ba Aliciang shunga manahimik ka!"singhal ni Alexa.
"Dhuh! May bibig ako noh kaya malamang! Magsasalita talaga ako."sabi ni Alicia."Huwag ka ngang makialam dito! Plastik na plastik mo baka may gawin kang masama sa kaibigan ko noh!"sabi ni Alexa.
"OMG! Anong tingin mo sa akin? Mamamatay----"hindi na natapos ni Alicia ang sinasabi niya nang hinila ni Nikko si Alicia at Alexa palabas ng hospital."Sa labas kayo magbangayan.Ang iingay niyo."wika ni Nikko habang kinaladkad palayo ang dalawa.Nataw nalang kaming dalawa ni Arcie.

"Sigurado ka ba talaga sa desisyon mo?"tanong ko sa kanya nang papasok na kami sa isang kwarto kung saan ka magpapakuha ng dugo.
"Yes.I'm perfectly sure.Gusto ko lang naman tumulong.Lalo pa ngayon na may cancer pala siya."lumungkot ang mukha niya nang sinabi niya iyon.Nginitian ko lang siya.

"Magiging maayos din ang lahat."sabi ko.

**********

Itutuloy...

The Playboy's Girl(COMPLETED)Where stories live. Discover now