Chapter 39:Pain

1.4K 20 0
                                    

Tristan's Pov:
"Bro, enough please...tumayo kana diyan.Ihahatid na kita sa condo mo."wika ni Nikko at inalalayan ako patayo.
"Ahhhhhh!!!"sigaw ko habang nagsibabaan ang mga luha ko.
"Cous, please...umuwi na tayo.Gumagabi na ohh."wika ni Alexa na naluluha narin.
"I can handle myself *sniff*
umalis na *sniff* kayo.Wag na kayong mag-alala *sniff*
Okay lang ako."shit! Bakit ba umabot pa sa ganito? Bakit umabot pa sa ganitong panahon na napagod na siya at sumuko na.

Mahal na mahal kita munchie.
Kahit nasasaktan ako ngayon ikaw parin ang iniisip ko.
Iniisip ko kung ayos ka lang ba?Nasasaktan karin ba?

Ang gago ko kasi ehh.

"Tristan...wag mo namang pahirapan ang sarili mo.Please, kailangan mo ng magpahinga bro."hindi ko na siya pinansin at umiiyak parin ako.
"Hihintayin ko siya dito.Gusto ko na siyang makita.Babalik naman siya agad dito eh.Mahal na mahal niya naman ako eh.Dito lang ako."
"Tristan, hindi natin alam kung babalik pa siya.Nasasaktan siya ngayon kaya kailangan niyang lumayo.Please bro, umuwi na tayo-------"
"Ayoko! Dito lang ako! Hindi niya ako iiwan kasi mahal na mahal niya ako! Uuwi naman siya mamaya ehh alam ko naman yon kasi hindi niya ako kayang--------"
"Hindi na siya babalik! Hindi natin alam kung kelan siya babalik o hindi! Tama na please! Tristan naman! Tama na!"sigaw ni Alexa at hinawakan ako sa pisngi.
"Alexa, mahal na mahal ko siya.Ayokong iiwan niya ako dito.Gusto kong sumama sa kanya.Alexa---------"
"Sshhh....sshhh...tama na,okay? Tatawagan ko si Charice mamaya basta uuwi muna tayo.Kailangan mong magpahinga.Gabi na oh."
"Pero gusto ko pa siyang makita.Gusto ko pa siyang makasama.Alexa, Nikko tulungan niyo naman ako ohh.Mahal na mahal ko siya eh."
"Bro, tama na muna yan.Uwi muna tayo okay? Hindi matutuwa si Charice kapag malaman niyang nagkakaganyan ka.Sige na, tara na."sabi nya at hinila ako.Hindi narin ako pumalag kasi nararamdaman ko na ang pagod sa katawan ko.Siguro nga, kailangan kong magpahinga.

Alexa's Pov:
Hindi ko alam kung anong gagawin ko sa pinsan ko.Para na akong mababaliw kaiisip kung paano siya patulugin.God! I can't believe this!
Tulad nalang ngayon, nandito kami sa bahay niya kasi nasa condo si Ivy.Yung babaeng nabuntis ni Tristan.Ha!

Nakakaloka.

"Kunin ko lang yung damit pampatulog niya."nakangiting wika ni Tita Cassandra.
"Sige po tita.Kami na po ang bahala sa kanya."sagot ko.
Pagkalabas ni tita sa kwarto ay naupo agad ako sa couch.
"Naloloka na talaga ako dito sa bestfriend mo.Hayst!"wika ko at tinignan si Nikko na seryoso namang nakaupo sa gilid ng kama ni Tristan.
"He made his mistake already.Hindi naman natin masisisi si Charice,right?"tanong niya.Napatango naman ako.
Well, tama naman talaga si Nikko.Alam naman kasi naming lahat na mahal na mahal ni Charice si Tristan pero nagloko naman.Kitams! Binuntis si Ivy na nakilala lang naman niya sa bar.Tsk.

"Alexa, kumain muna kayo sa baba.Nagpahanda na ako doon."wika ni tita.Ang bait talaga ni tita Cassandra.Kung hindi lang sana siya nagkamali sa desisyon nya noon sigurado akong masaya parin ang pamilya nila Charice.
"Ah, salamat po tita."sabi ko at nilingon si Nikko na agad namang sumunod sakin pababa.

Tristan's Pov:
Naalimpungatan ako sa sinag ng araw na tumama sa mukha ko.
Halos mahilo pa ako sa sakit ng ulo ko pagkabangon ko.
Ugh!
"Kuya,magbreakfast kana."napalingon ako kay Bryle na nasa couch nakaupo at nanunuod ng tv dito sa kwarto ko.
"What are you doing here inside my room?!"bulyaw ko sa kanya.
"Tsk.You're so irritated.What happened to you?"inirapan ko lang sya.Agad na akong pumasok ng banyo at naligo.

Naalala ko na naman yung nangyari kahapon.Umalis na talaga siya.Iniwan na niya ako.

Nalulungkot ako.

Maya-maya lang ay nagbihis na ako at lumabas ng kwarto.
"Goodmorning Tristan, halika kain kana."nakangiting wika ni tita pero tinanguan ko lang siya.Umupo na ako sa dining area at nagsimulang kumain.
"Ahh, si Bryle pala kakaalis lang.May lakad daw sya kasama ang barkada niya."dagdag pa niya.Tumango lang ulit ako.
"How's your feeling?"tanong niya."I'm fine."walang ganang sagot ko."May lakad ka ba?"napatungo nalang ako.Bakit ba ang dami niyang tanong? Nakakainis.
"Mmm."sagot ko nalang.

The Playboy's Girl(COMPLETED)Where stories live. Discover now