Chapter 58

1.3K 22 0
                                    

Tristan's Pov
  Nagmamadali akong pumunta ng hospital nung tumawag si Arcie sakin na may nangyari daw kay Charice.Hindi ko alam kung ano ang nangyayari dahil wala namang sinabi si Arcie sakin.Basta nya lang akong pinapunta.Hindi ko na maiintindihan ang sobrang kaba ko.Baka may masamang nangyari sa kanya.Gusto ng tumulo ang mga luha ko nang tumatakbo ako papunta sa kwarto kung saan si Charice.Iba't iba ang nararamdaman ko ngayon.Kinakabahan ako at the same time takot narin.

Pagkarating ko sa floor kung saan nakaconfine si Charice ay agad ko ng binuksan ang pinto.

"WHAT HAPPENED?!"malakas na tanong ko sa mga taong nandon.Tinignan ko sila isa-isa at ganun nalang ang pagsalubong ng kilay ko nang nakangiti silang lahat.Yung pinakamasiglang ngiti.

"A-anong nangyari?"naiiyak na tanong ko.

"Punchie..."sa klase ng boses na yon ay para akong binomba ng pagkalakas-lakas.Hindi ko na napigilan ang sarili ko at umiyak na talaga ako ng tuluyan.

"Y-you're a-awake..."usal ko at agad syang nilapitan para yakapin.

"THANK GOD!!!"masayang sigaw ko sa loob ng kwarto habang yakap-yakap ko ng mahigpit si Charice.Napalingon ako kela tita Cassandra,Mikael,Arcie,Nami at Travis na lumuluha narin.

Hindi ako makapaniwalang gising na sya ngayon.

"I missed you so much."I said between my sobs.

"I miss you too punchie..."umiiyak din na sagot niya.Kumalas ako sa yakap namin at hinawakan ko ang magkabilang pisngi niya.

"Isang linggo ka ng tulog munchie.Akala ko kasi iiwan mo na talaga ako eh.Pero salamat kasi nalagpasan mo na naman ang problemang ito.Mahal na mahal kita munchie."sabi ko.

Nagsipagbabaan din ang mga luha niya saka sya ngumiti.

"Ayokong mawala dito sa mundo na nakikitang malungkot ang mga taong mahalaga sakin.Hindi ko kayang makitang ganon kayo.Lalo na ikaw."sabi niya.

Pinunasan ko ang mga luha niya gamit ang mga daliri ko.

"Shhh...Don't cry.Ayokong makitang umiiyak ka eh."natawa naman sya sa sinabi ko.

"Eh ikaw nga umiyak rin eh.Ang chaka mo talaga kahit kelan.Hahaha."sabi niya saka tumawa ng malakas.Niyakap ko ulit sya saka sya hinalikan sa noo.

"Kumusta ang pakiramdam mo?"tanong ni Mikael nang bumalik na ulit sa paghiga si Charice.

"Nanghihina parin ako."malungkot na sagot niya.

"Okay lang yan munchie,babalik karin sa dati.Magpagaling ka lang ah."sabi ko.Tumango naman sya saka ngumiti sakin.

Napatingin kaming lahat sa may pintuan nang bumukas ito.

"Excuse me..."sabi ng doctor.

"Kailangan munang manatili ng pasyente dito.Kahit tatlong araw lang para maobserbahan namin ang kalagayan niya.Saka na sya pwedeng makalabas."wika ng doctor.

"Salamat doc."sabi ni tita.

"Your welcome.Excuse me."aniya saka lumabas na ng kwarto.

Nakangiti akong tumingin sa kanya na nakahiga sa kama.

"Kapag magaling ka na.Uuwi na tayo sa Pilipinas."sabi ko.Ngumiti lang sya at hinawakan ang kamay ko ng mahigpit.

"Pangako."sagot niya.

Dumating ang gabi at umuwi narin sina Nami at Travis kasi papasok pa sila sa trabaho.

Si tita Cassandra naman ay umuwi rin sa bahay at babalik agad sya dito bukas ng umaga.

The Playboy's Girl(COMPLETED)Where stories live. Discover now