My Evil Husband 2

6.1K 117 2
                                    

Nakangiti si Sofia isang umaga nang siya ay gumising,bakit naman hindi siya ngingiti kung isang karangalan
ang makapagtrabaho kasama ang katulad ni lucas na isang kilala bilang isang magaling na doktor at isa sa mga tagapag-mana ng mga tan.

ni kailanman ay hindi niya lubos maisip na mapupunta ang lahat dito
maging ang kanyang ina't ama ay labis ang tuwa sa kanyang naging balita sa kanyang pag-uwi noong sabado.at kinabukasan nga ay muling pumunta si lucas sa kwadra sinamahan niya itong mamasyal at mangabayo sa buong hacienda
nang araw ding iyon ay sinabi rin ng binata na iyon ang huling araw niya sa pagtratrabaho sa kwadra dahil magsisimula na siyang magtrabaho sa lunes pero magiging ala-una nang hapon siya makakapasok sa klinika dahil sa may pasok siya sa skul magmula alasais ng umaga hanggang alas-dose ng tanghali.totoong mabait si lucas ni hindi ito tumutol sa mga kailangan niyang gawin bago siya papasok sa clinic nito.sa halip ay mas sinusuportahan pa siya ng binata.

"Magandang umaga itay"

bati niya sa kanyang ama matapos niyang lumabas sa kanyang silid
nakita rin niyang nakahanda na itong umalis para siguro magtungo na sa kanilang bukid.wala narin ang kanyang Inay malamang ay mas maaga itong umalis at pumunta sa hacienda tan.

"Magandang umaga rin anak, tiyakin mong kakain ka bago ka umalis ng bahay,dahil alam mong magagalit ang  nanay mo kapag may natitirang pagkain dyan pag-uwi niya"

"Hmmm..sige po Itay, mag-iingat ho! kayo "

Hinalikan siya nito sa noo bago ito tuluyang umalis.nag-iisa lang siyang anak at kahit kailan ay di nagkulang ang kanyang mga magulang para iparamdam sa kanya ang pagmamahal ng mga ito.

eksakto 5:45 a.m bago ang klase ay nakarating siya sa university
nadatnan niya ang kanyang mga kaklase na maayos nang nakaupo at tila hinihintay na lamang ang pagdating ng professor nila sa subject na iyon.

"Parang maganda ang gising mo ngayon"

Bungad sa Kanya ni Kara ang kanyang matalik na kaibigan
anak mayaman si Kara. subalit Hindi iyon naging hadlang sa kanilang pagkakaibigan.

"May nangyari ba"

Ngumiti siya bago umupo sa tabing Upuan nito.

"Mayroon akong bagong trabaho ngayon"

"Talaga! A-anong klase namang trabaho"

Minsan ay nagiging hysterical na ang kaibigan dahil sa dami ng trabahong kinukuha niya,kaya madalas ay tinatawanan nalang niya ito at muling sasabihin dito na Kaya naman niya.

Kinagat niya ang pang-ibabang labi bago sabihin dito kung saan na siya magtratrabaho.

"Magtratrabaho ako Sa clinic ni Doctor.Lucas Nicolo Tan"

Napatanga ang kaibigan buhat sa kanyang sinabi.tila di makapaniwala sa narinig,nakahamba na itong tumili napatigil lamang ito nang makita ang kanilang professor na papasok.

Napapailing nalamang siya at nagfocus sa pakikinig sa prof.
malamang naman na mamaya ay maraming itatanong si Kara sa kanya.

At hindi nga siya nagkamali dahil matapos ang klase ay sabay sila nitong kumain ng lunch
sinabi niya dito iyong nangyari noong nakaraang sabado.

"Ikaw na ang swerte Sofia, oh! baka namang may gusto iyon sayo"

"Masyado lang mabait si Doc.Lucas
marahil gusto lang niyang makatulong. kaya wag mong bigyan ng malisya"

Kaagad na sabi niya mabuti nalang talaga ay hindi na niya nabanggit pa iyong naging pamamasyal nila ni lucas ng nakaraang linggo
kung hindi ay matutukso nanaman siya kay Kara.

"Malapit ng mag ala-una, tara ihahatid na kita sa clinic
at baka mahuli kapa"

Mapilit ito kaya sa huli ay pumayag na siyang magpahatid lalo pa't malapit na nga siyang malate sa kanyang trabaho.

Dumiretso siya sa loob ng clinic ni lucas matapos siyang ihatid ni Kara. nadatnan niya ang isang babae na hindi nalalayo sa kanyang edad marahil matanda ito ng mga tatlo o apat na taon sa kanya.Malamang ito ang sinasabi ni Lucas na magtuturo at makakasama niya sa trabaho.
ngumiti naman kaagad ang babae ng makita siya.

"Sofia, right"

Magalang na tumango siya at gumante ng ngiti,mukhang mabait naman itong kaharap niya.

"I'm elise, pinsan ako ni lucas halika't Maupo ka.maya-maya lang ay darating nasi kuya Lucas"

Medyo may kalakihan ang clinic
at maganda ang pagkakagawa
mukhang kumpleto rin ang mga gamit.

"Wag! kang mahihiyang magsabi sa akin kapag may kailangan ka "

"Hmm..S-sige salamat"

Nagkwentohan lang sila nito
medyo nahihiya pa nga ang dalaga
dahil isa rin palang tan ang kausap niya ngayon.hindi naman kasi nasabi ni Lucas na pinsan pala nito si Elise
di tuloy niya malaman kung Ano ang itatawag dito. Pero ang babae naman ang nakiusap na kung maaari ay a pangalan nalang niya ito tawagin.
dahil ayaw daw nitong tinatawag siyang señorita.kaya naman kaagad na gumaan ang loob niya sa babae
may pagkakatulad ang ugali nito kay Kara.pantay ang tingin ng mga ito sa   sa mahihirap na taong katulad niya
maya't maya lamang ay sabay silang nakarinig ng sunod sunod na busina ng sasakyan na nagmumula sa labas ng klinika.

"Mukhang andyan na ang boss natin"

Humahagikhik na sambit ni Elise
at hindi nga ito nagkamali
dahil bumukas ang glass door at pumasok mula roon ang binatilyong doktor nasi Lucas.gumuhit ang mga ngiti sa mga labi ng binata nang dumapo ang tingin nito sa kanya.may hawak hawak itong dalawang plastic na mukhang pagkain dahil sa tatak niyon Galing sa isang kilalang fast food chain.




"Just! wow kuya lucas, ni hindi mo man lang sinulyapan itong maganda mong pinsan"

Tila may pagbibiro na Tudyo ni Elise
kaya halos mamula yata ang mukha ni sofia.

"Tumigil ka Elise, ayoko ng makulit dito"

napanguso si Elise at nilapitan nalang ang meryendang dala ni Lucas

"Sofia! halika maraming pagkain
minsan lang mang-libre yan"

Nakita niyang tinanguan siya ng binata dahil sa sinabi narin ni Elise.
kaya kahit umayaw siya ay pipilitin parin siya ng dalawa.



A/n: Hi! Every one
Nais kung Ibahagi ang Kuwentong ito, Nag-Under Revision siya
Dahil Marami-rami rin po akong Binago sa Takbo ng Kwentong ito
So! İ Hope na Magustohan ninyo ito.
Don't Forget to Like ang Comment po
And Do Follow narin po
Salamat 😊😊

MY EVIL HUSBAND  By: Kharren NuquiTahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon