My Evil Husband 3

5.1K 80 0
                                    

Sinipat ni Sofia ang itsura sa harapan ng isang malaking salamin sa kanyang silid.nakaupo pa nga siya habang pinagmamasdan ang kanyang sarili.ilang araw na ang nakakalipas mula ng magsimula siyang mag trabaho sa clinic ni lucas tan at ngayon nga ay medyo nasanay-sanay na siya sa pagtratrabaho doon,dahil bukod sa lahat ay mababait din ang mga nakakasama niya sa trabaho.

"Anak! naka handa kana ba"

Narinig niyang sigaw ng kanyang ina mula sa labas ng kanyang silid
araw ng Linggo ngayong kung kaya't day off niya.sa tuwing linggo kasi ay sarado ang clinic, pero dahil hindi uso sa kanya ang nagdiday-off ay sasama siya sa kanyang Ina sa hacienda tan
ang alam niya ay may okasyong magaganap sa hacienda mamayang Gabi.

mabilis na lumabas ang dalaga sa silid at tinungo ang kinaroroonan ng kanyang Ina.tila hindi maganda ang pakiramdam ngayon nito kaya naman nag-aalala talaga siya.

"Inay ako nalang ho! ang papasok sa hacienda, mas maganda kung magpahinga nalang po kayo ngayon"

mabilis ang Pag-iling iling nito
at nauna ng lumabas palabas ng bahay.

"Inay"

"Wag kang masyadong makulit Sofia, kayang-kaya ko ang aking sarili"

Walang nagawa ang dalaga sa pagmamatigas ng kanyang Ina
nanahimik nalang siya hanggang makarating sa hacienda tan
nakagat niya ang pangibabang labi sa iisiping makikita nanaman niya ang binatang si Lucas na walang ibang ginawa kundi magpakita ng mga kabutihan sa kanya.aminado siyang may kakaiba siyang nararamdaman para sa binata.

"Dumiretso kana sa kusina Sofia"

Tinanguan niya ang Ina at dumiretso na nga sa kusina,nadatnan niya doon ang iba pang mga kasamahan ng kanyang Ina na lahat ay may ginagawa na tanging si Hanna lang na ngumiti pa sa kanya at lumapit nang mapansin siya nito.

"Halika't samahan mo nalang ako sa panghihiwa ng mga gulay "

Nilapitan nila ang kanina ay puwesto nito.

Pagkatapos ay inabot nito ang mga ibang gulay sa kanya.

"Kamusta naman ang pagtratrabaho mo sa clinic Ngayon"

Nakangiting tanong ni Hanna
alam nitong nagtratrabaho siya doon dahil na ikwento na nga niya rito noong last Sunday nang sumama din siya sa Ina dito sa hacienda Tan.
hindi naman masamang nagsabi dito dahil naging isa narin ito sa mga kaibigan niya at di rin nalalayo ang edad nito sa kanya,kaya naman komportable siyang makasama at maging Kaibigan ito.

"Maayos naman ang totoo medyo nangangapa pa ako pero unti-unti narin akong nasasanay"

"Mabuti naman kung ganoon, aba'y ililibre mo pa kaya ako sa unang sahod mo"

natawa naman siya syempre iyon nga ang sinabi niya dito.

"Hmmm..bakit ang dami yatang mga pagkain ang inihahanda niyo ngayon"

Bigla ay naitanong niya kay Hanna
nagtataka lang kasi siya at tila napakabusy ngayon ng mga tao sa buong hacienda.

"Ngayon kasi ang dating ni Señorito Lorenzo"

Napatigil siya sa ginagawa at nilingon si Hanna na tuloy parin sa kung anong ginagawa nito kanina.

"T-talaga! Mabuti kung ganon
P-para naman may mangalaga na ulit nitong hacienda"

Well. kahit naman na nandito si Lucas ay alam naman nilang masyadong busy ang binata sa bagong klinika na ipinatayo nito at ganon din si Señora Marissa na dating sikat na manunulat na mga Romantikong Nobela at ang Señior Alfredo Tan na isa namang congressman ngayon.

"Hindi! rin siguro dahil ang alam ko ay kakandidato bilang pagka-alkalde ang Señorito Lorenzo, marahil iyon ang dahilan kung bakit uuwi ito ngayon sa Santa. Ignacia"

"Ah! Oo nga pala M-malapit narin Kasi ang eleksyon"

Tanging nasabi niya dahil sa totoo lang hindi siya kumportableng pag-usapan ang taong kagaya ni Lorenzo Nicholas Tan.

Medyo matagal narin pala ng huli niyang makita ang isa sa mga amo
marami naman siyang naririnig patungkol sa binata subalit hindi nalamang niya binigyang Pansin
minsan may nakikita siyang mga larawan nito kung kaya't alam na alam na niya ang pagkakaiba ni Doctor Lucas sa kakambal nitong si Lorenzo.alam rin niyang magagaling sa iba't ibang larangan ng negosyon ang mga Tan at maging sa pulitiko man.

"Mamayang gabi natitiyak ko na maraming darating na mga Bisita, alam mo naman ang mga mayayaman mahilig mag-pawelcome party. at naku! lang siguradong sigurado ako na maraming mga kababaihan nanaman ang Hahaligid dito sa hacienda lalo na't dito na yata maglalagi ang kambal"


"B-baka may makarinig sayo"

Natatawang napatigil si Hanna
buhat sa kanyang sinabi, pero bakas parin sa mukha nito ang kagustohang mag kwento pa ulit sa kanya.

Siya rin naman ay nawiwili sa mga kwentohan patungkol sa dalawang nag-gwagwapuhang mga amo
nagulat siya ng sikuhin siya ni Hanna at nginuso nito ang bagong pasok  nasi Lucas.nakangiti pa ang binata na ikina-tulala ni Hanna at pati na ang mga ibang katulong na naroroon maging siya ay halos di'na mapakali.

"I know you will be here today"

Kaagad na sabi nito nang sa wakas ay makalapit sa kanyang kinaroroonan.

"Hindi! kasi sanay yan mag day-off Señorito "

Si Hanna ang nagsalita na malamang ay nagising na mula sa pagkakatanga mula sa binatang kaharap nila ngayon.

"ah! Señorito Lucas, may kailangan ho! ba kayo"

Sabat ni Manang Celya na noo'y kasama na ang kanyang Ina nang pagpasok ng mga ito ay makitang naroroon ang isa sa mga amo nila at mukhang naii-star struck naman ang mga katulong naroroon sa presensya nito,sumenyas pa ang matandang ginang sa iba na manahimik at umayos kayo Look.

"Ah! yes manang, isasama ko sana si Sofia saglit"

Napatango nalang si Manang Celya
samantalang tahimik lang sa tabi nito si Sonia na siyang Ina ng dalaga.
pabirong itinulak tulak pa siya ni Hanna.

"Sige ho! Señorito Lucas, dalhin niyo na itong kaibigan ko"

Ngumiti ang binata at masuyong hinawakan ang kanyang braso
para sabay na silang lumabas.
sumunod nalang siya kay lucas kahit na nababahala siya sa kung anong iisipin ng iba.paano o anong sasabihin niya sa kanyang Ina dahil kahit tatahimik-tahimik ito ngayon ay natitiyak niyang magagalit ito at magtatanong sa kanya Malamang sa malamang.

"Hey! are you okay"

Napahinga siya ng malalim at pilit na ngumiti siya kay lucas,bago tuluyang sumakay sa kotse nitong nakaparada sa harapan ng hacienda.

"Saan ba tayo pupunta Señorito, K-kailangan ho! ba talagang kasama ako"

Nilingon lang siya sandali ni Lucas habang nagmamaneho ito

"Hmmm.. okay lang ba sayo, kung magiging date kita mamayang gabi"

Nanlaki ang kanyang mga mata
sa narinig mula sa binata sino ba naman ang hindi mabibigla sa sinabi nito,gusto siyang maging date nito mamayang gabi na isa talagang napakalaking problema. never pa siyang nakipag date at pumunta sa mga sosyalang mga okasyon, kahit na ilang beses na siyang niyaya ni kara sa mga ganitong bagay.

"Please! Sofia, even just! for tonight be my date"

Sa itsura ng binata ngayon ay parang kay hirap tumanggi,lalo pa't napakalaki nang utang na loob niya mula dito.

"P-pero Señorito Lucas-"

"Sssshhh.. ako ang bahala sayo
Ipagpapaalam kita mamaya kay Manang Sonia"

Di'na siya nakapag agrumento pa
hanggang sa namalayan nalang niyang nasa isang kilalang Boutique na sila.

MY EVIL HUSBAND  By: Kharren NuquiTahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon