My Evil Husband 10

4.3K 59 0
                                    


Kinabukasan ay gumising parin ng maaga si Sofia, wala siyang masyadong tulog sa mga nagdaang gabi. sinigurado niyang maayos ang kanyang mukha,ayaw niyang .makahalata ang kaniyang mga magulang na mayroong siyang kinahaharapang problema
walang kahit na sino man ang dapat makaalam kundi siya lang at si Lorenzo.

Paglabas ng kanyang kwarto ay ang Inay Sonia ang unang nabungaran kasalukuyang inaayos nito ang dadalhing pagkain ng kanyang Ama at malamang maya't maya ay sabay na aalis ang dalawa. nagulat ang Ina ng lumapit siya at yumukap mula sa likod nito.

"Oh! Anong nakain mo at bigla bigla ka nalang ng yayakap d'yan"

Natatawang sabi ng Ina at hinawakan ang kanyang dalawang kamay na nakapalupot parin sa bewang nito.

"G-gusto ko lang ho! kayong mayakap Inay"

"Bitaw na anak, mabuti pa ay kumain kana't baka nagugutom kalang"

Bumitaw siya at tahimik na umupo
habang pinapanood ang mga kilos ng Inay Sonia niya.

❤️❤️❤️

"Kailan ka babalik ng Seattle Kara"

"Soon! babalik din ako dad, you don't need to worry"Nasapo ni Kara ang noo, kausap niya sa kabilang linya ang Ama.

"Alam mo naman ang Lola Mo"

Napangiwi ang dalaga bago bumaba sa kanyang sasakyan, knowing her grandmother. nagiging hysterical ito kapag matagal siyang hindi nagpapakita dito.

"Tatawagin ko ho! siya Mamaya, ako na ang bahalang magpaliwanag sa kanya"

Tanging nasabi niya bago siya na mismo pumutol sa phone call.
paano siya babalik sa Seattle
kung nandito ang lahat ng gusto niya sa buhay. dahil nandito rin sa Pilipinas ang mga naiwang masasayang memories ng kanyang pinakamamahal na ina ng nabubuhay pa ito, namatay ang kanyang ina noong twelve years old siya dahil sa
leukemia. nagbalik tanaw ang dalaga ng may nag salita sa harapan niya.

"Miss Forbes"

Napaangat ng tingin si Kara at nilingon ang taong nasa harapan niya.mababatid ang pagka seryoso sa mukha nito habang nakatingin Sa kanya.the man was also tall. a six footer,maybe. his skin was tanned

"D-doctor lucas"

Garalgal na sabi niya, parang naipit ang kanyang dila dahil sa taong nasa harapan niya ngayon. anong ginagawa ng binata sa harapan ng unibersidad nila masyadong maaga naman yata para manligaw ito kay Sofia. nalaman niya iyon dahil nasabi na iyon ng kaibigan sa kanya
di nga siya nagkamali sa inakala na may pagtingin itong inuukol sa kanyang bestfriend. kakaiba kase ang kislap ng mga tingin nito kay Sofia.

"Kung si Sofia ang hinahanap mo baka nasa loob na siya, Wait! lang tatawagin ko siya kung gusto mo"

Akmang tatalikod na siya upang
puntahan si sofia, malamang na nasa loob na rin iyon dahil kung maaga siya mas maaga ang kaibigan kaysa sa kanya.pero hindi pa man siya nakakahakbang ng pigilan siya ng binata. hawak nito ngayon ang kanang braso niya, kaya natuon dun ang kanyang mga mata. tila may kuryenteng gumapang sa buong katawan niya sa simpleng hawak palang nito.

"No! actually ikaw talaga ang sadya ko, pwede ba kitang makausap kahit sandali lang"

May pakiramdam siyang may nais itong malaman at wala siyang ideya
kung ano. tiningnan niya ang wrist watch para tingnan ang oras baka kasi malate siya sa klase niya. sayang naman ang pag-gising niya ng maaga kapag na late siya sa klase. pero maaga pa naman kaya pwedeng pwede pa silang mag-usap nito kaya tumango siya sa binata sinundan niya ito at pumasok sila sa kotse nito na siyang ginamit ng lalake noong gabing sinama nito si Sofia sa isang welcome party bilang date.

MY EVIL HUSBAND  By: Kharren NuquiTahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon