Special Chapter

5.4K 77 12
                                    


                  Special Chapter

A/n:Again Thank you po ulit sa patuloy na pagsuporta sa Kwentong ito. I really really Appreciate it, Kahit na mas marami parin ang Silent Readers Kaysa sa mga Followers ko. Pero Syempre mas maganda kung Dumami narin ang mga Followers Para Mas Ganahan ang Author niyo. Charot 😅😂😉 

At Dahil matatapos na ito Mamimiss ko talaga ng bonggang bongga 😥 

Lorenzo's Side

"Tatakas ka nanaman"

Reklamo ni Travis sa kanya Habang Naninigarilyo ito.

"Masyado kang Busy Lorenzo, Anong gagawin mo sa buong maghapon. Come on Man, Sa Susunod na Buwan na ang Alis mo papuntang L.A
Ngayon ka pa ba mang-iiwan"

Si Harry na Sumandal matapos ibato ang Dart na Hawak nito Sa Target Board.Ngumisi siya Bago Tumalikod sa mga kaibigan.May Tatlong Linggo nalang nga siya kaya bakit pa siya magsasayang ng mga araw.

Mula sa Ilalim ng isang puno ng niyog ay nakasandal siya habang pinapanood si Sofia sa mga Ginagawa nito, Sa Bawat kilos nito ay laging nakasunod ang kanyang mga mata.
Sumilay ang ngiti sa kanyang mga Labi ng makitang umupo ito sa isa sa mga Swing na Sinadya niyang Ipinagawa para rito.

Ilang minuto siyang nakatayo doon nang hindi siya makatiis ay Lumapit siya sa kinaroroonan nito, Gulat ang kaagad Rumehistro sa mukha ng Dalaga Pagkakita sa kanya.

"S-señorito"

Napatayo pa ito At Tila takot na takot sa kanya. Napatiim Bagang siya sa kilos nito

"Anong Ginagawa mo dito sa oras ng Trabaho"  Masungit na aniya dito
Katulad ng palaging ginagawa niya kapag nagkakausap sila nito. At tulad rin ng dati ay para itong Bato habang nakatingin sa kanya.

"Sofia"

Sabay silang napalingon sa Lalakeng Tumawag dito, Hinihingal na Lumapit ito at yumukod pa nang siya ay makita. At kung hindi siya nagkakamali ay Anak ito ni Mang Manuel na isa sa mga katiwala nila sa Kwadra ng Asyenda.

"Magandang Tanghali po Señorito"

Anang Binatang Nagngangalang Kiko na sa tansya niya ay nasa Disiotso Anyos, mga Tatlo o Apat na Taon ang Tanda kay Sofia. Bumaling muli ang Atensyon nito kay Sofia at malapad na ngumiti na ikina-igting ng kanyang panga. Poor Little boy

"Bakit! Kiko, May Problema ba" Tanong ng Dalaga dito

"Wala naman, ipinatatawag kalang ni itay. Lunch na daw kase"

Tumango si Sofia at Dumako ang tingin nito sa kanya Pagkatapos ay tumalikod paalis ng Walang manlang sinabi. Bago pamang sumunod ang Anak ni Mang Manuel ay Pinigilan na niya ito.

"B-bakit po Señorito"

"Sa susunod na makita pa kitang Lumapit sa kanya, Mapipilitan akong Tanggalin ka ng trabaho Pati na ang Ama mo"

Namutla Ang buong Mukha nito Buhat ng kanyang Sinabi. Kahit wala pa siyang sinasabing Pangalan Alam niyang sa Timpla ng mukha nito ngayon ay alam na nito kung sino ang kanyang tinutukoy.

"Kakaiba akong maglaro, Hindi! Ko gustong Kinakalaban ako pagdating sa mga pag-aari ko"Ngumisi siya at tinapik ang Balikat ng huli.

"Nagkakaintindihan ba tayo"

MY EVIL HUSBAND  By: Kharren NuquiTahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon