My Evil Husband 18

4K 56 0
                                    

Lucas Ended Full of Frustration, Pakiramdam niya ay siya ang Pinakatangang tao sa Buong mundo. Hinayaan siyang saktang ng isang Babae na kahit kailan ay Hindi Magiging Kanya, Masakit isipin na ang Babaeng Pinangarap niyang Makasama sa Buhay ay Pag Aari nang iba.

   Muling nilagok niya ang Alak na nasa ibabaw ng Bar Counter Bago Muling nilingon ang Dance Floor, Kaliwat kanan ang mga taong nagsisigawan at nagsisiyahan sa Gabing iyon sa Loob ng Bar na'yon. This is the First Time na Pumasok siya sa Mga ganitong Klaseng Lugar, Madalas kasi ay Puro Trabaho ang inaatupag ng Binata. Kung Tutuusin Lumaki siyang May Takot sa Diyos At iyon ang Alam niyang Malaking pagkakaiba nila ng kanyang Kakambal nasi Lorenzo.

  Kaya Natatawa nalang siya minsan kung Bakit Hanggang ngayon ay Hindi parin siya Napapansin ng Mga Importanteng Tao sa Buhay niya.Siguro Masyado siyang Naging Mabait kung kaya't Ganito na Lamang ang Nangyayari sa Kanya, Ngayon nga ay dumating ang Araw na narealize niyang Hindi masyadong magandang ang maging Sobrang Mabait.

  He's Really in love. Mahal na mahal niya si Sofia, Hindi Ganoon Kadaling isuko ang Pagmamahal niya rito. Gagawin niya ang Lahat at Babawiin ang Dapat sa Kanya

At Ngayon Ay Hindi Siya Makakapayag na Tumanggap nalang ng Palaging pagkatalo.
This time Sisiguraduhin niyang Siya Ang Mananaig sa Huli,at Kung Kinakailangang Magbago siya Gagawin niya.

  "Hey! Handsome"

Umangat ang sulok ng labi ni Lucas ng Lumapit ang Maganda at Seksing Babae. What a Flirty Woman, but not Bad
Marahil ito ang Senyales ng Simula sa pagbabago ng kanyang Buhay. Hinapit Niya ang Babae na Mabilis namang Nagpakandong sa Kanya.

"Hmmm.. Wanna Have Some Fun Tonight Darling"

Medyo Husky na Pagkakasabi niya Hindi Pa siya Masyadong Lasing.Malanding Lumanbitin naman Ang Babae at Malapad na Ngumiti sa Kanya

"Sure! Let's Go to My Place"

Anito sa Kanya Kaya
Hindi Na siya nagsayang ng Oras Palay na Ang Lumalapit Bakit pa siya Tatanggi
Naglabas siya ng ilang libo at Nilapag sa Bar Counter Bago Mabilis na InaKay Palabas ng Bar Ang Babae.

  "Sige! na po Dad Tatawag nalang ako Ulit Mamaya"

   "Okay Sige Mag iingat ka"

  Pagkarinig ni Kara Sa mga Salitang iyon mula sa Kanyang Ama ay Kaagad na pinutol na niya ang Tawag.

"Two Hundred Fifty po ang Lahat Ma'am"

Anang Cashier sa Kanya Habang Binabalot na nito ang mga Snacks at Noodles na Kanyang Binili. Nasa Seven Eleven siya na Kalapit lang ng Unit niya, Bigla Siyang Ginutom kaya Bumaba siya Para Makabili ng Pagkain. Hindi Kase niya Napansin na naubos na Pala Ang Mga Stocks niyang Groceries. Baka Bukas nalang siguro siya Mag Grogrocery ulit

Ngumiti siya at Nagbigay ng Three Hundred Pesos Sa Kahera.

"Oh! Here,Keep the Change"

Lumabas siya sa 7'11 at Naglakad Papuntang SMDC Condominium Kung Nasaan ang Unit niya.

   "Good Evening po Ma'am Kara"

Bati sa Kanya ni Tonya na isang Guard na nakaduty sa Gabing Iyon.Matagal na siya doon, Kaya Halos kilala na siya ng mga ito.

Ngumiti siya at Kinuha ang Dalawang Noodles. Tatlo ang Binili niya Kaya nagtira lang siya ng isa para sa kanya

"Good Evening Din po Kuya Tonyo, Heto! Nga Pala Tig-isa kayo ni Mang Sergio"

Nagkakamot ng Ulo Si Tonyo
Madalas Ay Binibigyan niya ang mga ito.

"Salamat po Ma'am Kara"

Tumango nalang siya Bago Pumasok Sa Loob ng naturang Condominium Building.

Mabilis ang kanyang Pag akbang Hinabol niya ang Papasarang Elevator, And Thanks God at Nahabol naman niya.

  Pero Ganon Nalamang ang Kalakas ang Pagsinghap niya ng Masilayan ang Dalawang Tao Sa Loob ng Elevator na iyon.
Tila Hindi Pa na pansin ang Pagpasok niya, Dahil masyadong busy ang Dalawa sa Paghahalikan.

  Namumula Ang Kanyang Mukha Lalabas Sana ulit siya Subalit Sumara na ang elevator. Hindi niya Aakalain na Makakasaksi siya ng Ganoon
Masyadong mga PDA Ang Kakapal ng mga Mukha, Ni Hindi Manlang ba makapaghintay ang mga ito Kaya Doon na nagsimulang Gumawa ng Milagro. Tsk! mga Tao nga Naman

  Naikot ni Kara ang mga Mata na Marinig ang malanding boses ng Babae.

"Ay! wag Dyan,Nakikiliti ako"

Kulang Nalang Umusok ang Dalawang Butas ng Ilong niya dahil sa Sobrang inis
Pero Ganoon nalang ang Panlalaki ng mga Mata niya
Nang Makilala ang Lalakeng Kasama nitong Malanding Higad. Kumurap kurap pa siya para Siguraduhing Tama at Hindi Siya Pinaglalarohan ng mga Mata niya.

  Nabitawan niya ang plastic na Dala Kaya Sabay na Natigil Sa Paghahalikan ang Dalawa. Ang Kanina ring Nakatalikod nasi Lucas ay Humarap na Paharap para tingnan siya

Mababakas Lang Ang Blangkong Emosyon sa mga Mata ng Binata. Tila Nagkaroon ng Agwat sa Pagitan nila, Ang Dating maaliwalas na anyo nito ay Kay laki ng pinagbago
Alam niyang Si Lucas ngayon ang Kaharap. Ang Butihing Doktor na Kilala ng Lahat sa halos Buong Bayan ng Sta.Ignacia

  Pilit Na hinahanap ni Kara ang Sagot Sa  Mukha nito. Nasaan ang lalaking Nakaharap niya noong isang Araw, Nasaan na ang Maamong mukha nito Habang Nakikiusap sa kanya Para Kay Sofia.

  Posible kayang Nalaman na nito Ang Pagpapakasal ni Sofia sa Kakambal nitong si Lorenzo, Kung Kaya't iyon ang Dahilan kung Bakit Ganito ito Magrebelde ngayon.

   Sumikdo ang Kirot sa Puso
niya ng Mabilisang nagbawi
ito ng Tingin At Binalikan Ang Pakikipaghalikan nito sa Babae. Parang Wala lang Pakialam na Makita siya roon

Mabilis Din ang pag iwas niya ng Tingin at Hinitay nalang
ang Pagbukas ng Elevator.

 

Iisipin nalang niyang ibang Tao Ang naroroon

 

MY EVIL HUSBAND  By: Kharren NuquiTahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon