Chapter 2 - Reese

94.1K 2.1K 430
                                    

Reese P.O.V.

"Ma'am Reese gising na po kayo.." narinig ko na may tumatawag sa akin. Mahina lang ang boses pero sapat na para magising ako.

Asar na minulat ko yun mata ko at nabungaran ko ang mukha ng kasambahay namin. Ang sarap sarap ng tulog ko istorbohin daw ba?

"Go away!" Angil ko sa kanya at saka ko sya tinignan ng masama. Yan ang napapala ng sino mang manggugulo sa masarap na pagtulog ko!

Nanghihintakutan nakatingin sya sa akin at saka nagmamadaling lumabas ng kwarto ko. I'm not really a morning person, mahirap talaga akong gisingin sa umaga.

Ilang alarm clock na nga ang naibato ko sa dingding ng kwarto ko dahil sa bwisit ko sa pag iingay nito. Kaya nga sa halip na bumili ulit ng bagong alarm clock ay ibinibilin na lang ni Dad ang house helper namin na gisingin ako.

I groaned at saka tamad na tumayo, half asleep ay dumaretso na ako ng bathroom at saka nagshower. After almost an hour ay natapos na din ako, suot ang aking bathrobe ay lumabas na ako ng bathroom.

Nagblow dry muna ako ng buhok pagkatapos ay napatingin ako sa closet ko.

Hmmmm what would I wear? Parang type ko ay something simple yet seductive. Gusto ko lumuwa ang mata ng boyfriend ko na si Blake kapag nakita nya ako.

Napangiti ako ng makita ko ang isang black na tank top na nabili ko sa Paris last vacation ko dito. It was simple yet sexy, sigurado akong magpapakita ito ng sexyng hubog ng katawan ko.

I'm sure din na maglalaway si Blake sa akin nito. Naglagay ako ng mascara, eye liner, at pink na lipstick at saka inilugay ko lang ang mahabang unat at itim na itim na buhok ko.

I checked myself in the mirror...napangiti ako sa nakita ko.

Wow I looked hot.

Pagbaba ko ng kwarto ay naabutan ko si Dad na nasa baba at nagbabasa ng dyaryo.

"Hi Dad good morning." nakangiting bati ko sa kanya saka sya hinalikan sa pisngi.

"Kamusta na ang aking unica iha?" Sabi nya sa akin habang binababa ang dyaryong binabasa. Nakasuot siya ng amerikana, hatalang may pupuntahan na namang business trip. For sure ilang weeks na naman syang mawawala.

"Ok naman Dad, alis kayo?" Medyo nalungkot ako ng isiping aalis na naman sya. Although sanay naman akong wala sya sa bahay, iba pa din yun alam mong nasa office lang sya or may business meeting na pinuntahan.

Napansin siguro nya ang biglang pagtamlay ko "Oo anak 3 weeks ako sa Singapore, may business deal ako sa big clients natin doon."

Marahan na tumango lang ako.

"Don't worry anak ibibili na lang kita ng paborito mong Hermes bags dun." tila panunuhol nya, alam nya kasing bags ang weakness ko.

Pinilit kong ngumiti kahit alam kong hindi yun umabot sa mga mata ko.

"Thanks Dad...anyway, I'll better get going na." paalam ko saka na ako ulit humalik sa kanya.

Hindi ko tuloy mapigilang makadama ng lungkot habang naglalakad palabas. Madami nga kaming pera, naibibigay nga ni dad ang lahat ng layaw ko, napupuntahan ko ang anumang bansa na gusto kong puntahan...but still, I felt empty...pakiramdam ko ay kulang na kulang ako sa pagmamahal ng magulang.

Maaga kasi akong naulila sa ina, tapos si Dad madalas pang busy sa business namin. Bihira ko lang sya makita sa bahay o makausap ng matagal. Bata pa lang ako ay naalala ko kapag birthday party ko ay laging natataon na wala si Dad, malungkot kong pinagdiriwang ang birthday ko kasama ang yaya ko at mga kaibigan ko.

Kissing Reese SantillanTahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon