Chapter 7 - My stalker

85K 1.8K 380
                                    

Madison P.O.V.

Madaling araw na ay mulat na mulat pa din ang diwa ko, paano ba naman pilit na sumisiksik sa isip ko ang nangyari sa amin ni Reese kanina sa library.

Na kahit anong gawin ko para wag isipin ay tila nakadikit na ito sa isip ko..

Kagaya ngayon parang tubig na dumaloy na naman sa alaala ko..

-Flashback-

Pagdating ko sa libray ay naghanap ako ng pwesto na walang masyadong tao at medyo tago, ayoko kasi naiistorbo lalo na kapag magbabasa ako.

Buti na lang ay bakante ang paborito kong pwesto sa may gilid, hindi agad mapapansin ang pwesto na ito dahil natatakpan ng mga bookshelves.

Napangiti ako ng maisip na siguradong mahihirapan si Reese na hanapin ako dito mamaya. Kumuha ako ng libro sa shelf at nagsimula ng magbasa habang hinihintay ang pagdating ng Queen bitch...oppps Queen bee pala.

Ilang minuto pa ay masyado na akong nakatutok sa binabasa ko, hindi ko namalayan kung ilang minuto na ako dito sa loob ng library.

Naramdaman ko na lang na may pabagsak na naupo sa katabi kong upuan. Hindi ko iniangat ang tingin ko at patuloy lang sa pagbasa.

"Kailangan talaga sa tagong tagong area ka pupuwesto huh?" Biglang nagsalita ang taong tumabi sa akin, obvious sa boses nya ang pagkairita.

Oh nandito na pala ang reyna. Pero sa halip na kausapin sya ay hindi ko pinansin ang pagmamaktol nya.

"Excuse me, hello? Bingi ka ba?!" Halatang lalong nainis sya sa hindi ko pagpansin kaya kinakaway kaway nya yun kamay nya sa mukha ko. Pinigilan kong mapangiti.

Spoiled brat talaga.

Saglit akong sumulyap sa kanya "Oh nandito ka na pala." pinanatili kong blangko lang ang expression ng mukha ko.

Sinadya ko yun, not to piss her more pero para malaman nya na walang epekto sa akin ang pinapakita nyang pagsusungit.

Dinampot ko ang isang libro at saka iniabot sa kanya. Hindi ito ang textbook na ginagamit namin sa logic pero mas ok ang nilalaman nito at mas madaling maintindihan.

Kunot noong tinignan nya lang ito "What's this?" Saka pahablot na kinuha nya.

"A book." I said in my obvious ba tone.

Hindi ba nya alam kung ano ang libro?

Naniningkit ang mata nya sa sinabi ko "I know this is a book, ano kala mo sa akin stupid?"

"Ikaw nagsabi nyan, not me." pang asar na sagot ko saka binalik ang tingin ko sa binabasa ko.

Naramdaman ko na natahimik sya at tila may iniisip, hindi ko alam pero parang kinabahan ako dahil dun.

Ano na naman kayang kalokohan ang gagawin nito?

Hindi ko na lang sya pinansin at tinuon ko ang pansin sa librong binabasa ko na halos makalimutan ko na nandoon pa pala sya. Masyado kasi akong naaliw dito.

Ilang minuto pa ang nagdaan at saka naramdaman ko na may matiim na nakatitig sa akin.

Iniangat ko ang tingin ko at biglang dumoble ang tibok ng puso ko nang makita kong nakatingin sya sa akin.

Hindi ko na naman maiwasang pagmasdan ang mukha nya...it was sooo freakin' perfect.

I raised my eyebrow para makontrol ang malakas na kaba ng dibdib ko, gusto kong malaman nya na naiinis ako sa ginagawa nyang pagtitig.

Kissing Reese SantillanTahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon