Chapter 10 - Almost

85.5K 1.7K 343
                                    

Madison P.O.V.

Sobrang saya ko nang pumayag na si Ken na magpanggap na boyfriend ko. Sa wakas ay tatantanan na din ako ng stalker ko, a.k.a Jaro.

Hindi ko sure pero parang nakita ko si Reese kanina dun sa area habang kausap ko si Ken o ewan ko lang baka namalikmata lang ako.

Paglabas ko ng Engineering building ay nakita ko na si Aly na naghihintay sa akin.

"Ano na nangyari? Successful ba?" tanong nya habang naglalakad na kami palabas ng school.

"Oo." masayang balita ko, todo ngiti na ako.

"Mabuti naman. Madali lang pala siya kausap." Nakangiti din sya, parang sya pa ang nakahinga ng maluwag. Sa kanya kasi ako araw araw naglalabas ng sama ng loob dahil sa pagkainis ko kay Jaro.

"Ayan friend makakatulog ka na ng mahimbing." dagdag pa nya.

"Oo nga." parang nabunutan na ako ng tinik.

Pagdating sa bahay ay inabutan ko ang mga kapatid ko at kasama ang asungot, nanonood sila ng TV patrol.

Gusto ko sanang mapasimangot ng masilayan ko sya, nagtimpi na lang ako. Inisip ko na lang na nabibilang na din ang araw ng pangpepeste nya sa akin.

"Hi Maddy." todo smile si Jaro. Nakasuot sya ng t-shirt at shorts na pambahay. Napaismid ako, aba feeling na talaga? Parang nasa bahay nya lang sya ah.

Hindi ko sya pinansin at diretso lang akong pumasok ng kwarto.

Sinundan ako ni Dakota "Ate bakit hindi mo pinansin si kuya Jaro?" tanong nya saka umupo sa edge ng kama.

"Hay naku hindi pa ba obvious na ayokong nandito sya." sagot ko naman habang nagbibihis ng pangbahay.

"Ayaw mo na ba makipagbalikan sa kanya?"

"Oo ayaw ko na. Alam mo may ginawa pa nga ako para lang tantanan nya na ako." naisip kong sabihin sa kanya yun ginawa ko. I'm sure maiintindihan nya yun, matalino si Dakota.

"Ano yun?"

"Naghanap pa ako ng magpapanggap na boyfriend ko para lang tigilan nya na ako." tapos na ko ang magbihis, tumabi ako ng upo sa kanya.

"What ate? Sino naman ang nahanap mo?" curious na tanong nya.

Medyo bumulong lang ako sa kanya, maliit lang naman kasi ang bahay namin, mahirap na baka marinig sa labas yun pinaguusapan naming dalawa.

"Naaalala mo Si Kenneth, yun kalaro natin noong mga bata pa tayo."

"Sino yun maliit? Yun uhugin?" kunot noong tanong nya.

"Oo sya nga, nakita ko kasi sya sa University kanina." kwento ko pa

"Ahh maniwala naman kaya si kuya Jaro na boyfriend mo yun? Syempre magtataka sya na isang araw lang may bf ka na agad."

See? matalino talaga si Dakota. Hindi ko nga naisip agad yun sinabi nya ngayon.

Hmmm Paano nga ba?

"Oo maniniwala naman siguro yan, sasabihin ko kababata ko tapos nagkita uli kami at yun na."

"Paano naman sina Nanay at Tatay? Ipapaalam mo sa kanila yun totoo o hindi?"

"Hindi ko siguro ipapaalam sa kanila, alam mo naman na boto yun dalawa na yun kay Jaro."

Tumayo na sya "Sige ate bahala ka, goodluck sayo. Teka labas muna ko para matulungan si nanay sa paghanda ng hapunan"

Paglabas ni Dakota ay napahiga ako sa kama. Hindi kaya mas maging komplikado pa ang buhay ko ngayon.

Kissing Reese SantillanTahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon