Chapter 23 - Officially hers

93.6K 2K 642
                                    

Madison P.O.V.

Around 12 midnight na ng maihatid ako ni Reese sa bahay namin, sa totoo ayoko pa sanang umuwi because i wanted to spend sana the night with her. Kaso hahanapin naman ako sa amin kung hindi ako madatnat bukas ng umaga.

Paghinto sa tapat ng bahay namin ay tumingin muna ako sa kanya bago bumaba.

"Where's my goodnight kiss?" nakangiting tanong nya.

"Hindi ka pa ba nagsawa kanina?" napangiti ako.

"Kuting never akong magsasawa.."

At bago pa ako makareact ay mabilis nya akong hinila palapit sa kanya at saka ako binigyan ng mahaba at makaputol hiningang goodnight kiss.

After that kiss ay hindi muna ako bumaba ng kotse, i stared at her gorgeous face na siguradong mamimiss ko mamaya.

"Goodnight Reese.." sabi ko bago ako umalis sa lap nya at bubuksan na yung pinto.

"See you tomorrow kuting...dream of me Ok?" narinig kong sabi nya bago ko tuluyang isinara ang car door.

Natatawa na lang ako..... kahit kailan talaga napaka tease nya.

Ang laki ng smile ko habang nakatanaw sa papalayong kotse kung saan lulan si sexy kitten.

Nang mawala na sya sa paningin ko ay pumasok na ako ng bahay. As expected tulog na silang lahat, madaling araw na ba naman.

Habang papunta ako ng kwarto ay muling bumalik sa alaala ko yung mga nangyari ngayong araw sa amin ni Reese.

Total happiness...yan ang nararamdaman ko.

Reese is my everything. Pakiramdam ko nababaliw na ko sa sobrang love ko sa kanya.

Pagpasok ko ng kwarto ay nagulat ako ng makitang gising pa si Dakota.

"Ate saan ka galing? Sino yung nakakotse naghatid sa'yo kanina?" tanong nya, nakaupo sya sa kama. Habang yung dalawa ang sarap na ng tulog.

Natigilan ako at nag isip. Hindi ko alam kung dapat kong sabihin na si Reese ang kasama ko.

Pero napagdesisyunan ko na ding sabihin, wala naman siguro masama kung sasabihin ko na si Reese ang kasama ko.

"Si Reese, niyaya nya lang ako sa lumabas." sagot ko habang kumukuha ng pamalit na damit sa may drawer.

"Ate hindi pa din ako maka get over sa idea that you and Reese Santillan are now friends. Hindi ako makapaniwala nun isang araw na nagpunta sya dito, nakasama natin kumain, magvideoke at kumain ng fishball..."

"Mabait naman sya.." maikling sagot ko, ayoko na lang iemphasize pa kung ano mang relationship meron kami ngayon.

Hindi sumagot si Dakota at parang nagiisip ng malalim.

Sumulyap ako sa kanya "Matulog kana madaling araw na."

Tumingin pa sya sa akin na parang may gustong itanong pero piniling mahiga na lang at saka pumikit na.

Nagpunta ako ng banyo para maligo, pakiramdam ko ay nanlalagkit na ako. Mainit kasi sa dance floor kanina dahil sa dami ng mga taong nagsasaway din dito.

Pero bago ako naghubad ay I smelled myself muna at naamoy ko pa din ang sweet smell ni Reese sa damit ko.. hayy in love much lang talaga.

My sexy kitten..

Napangiti na naman ako sabay hawak sa labi ko na ilang beses din nyang inangkin.

Pagkatapos ko maligo ay bumalik na ulit ako ng kwarto, sinilip ko muna si Dakota at ng makita kong tulog na sya ay pasimple kong kinuha yun phone sa bag at tinignan ko kung may message si Reese sa akin.

Kissing Reese SantillanTahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon