Chapter 24 - Our 1st date

100K 1.9K 461
                                    

Madison P.O.V.

Hawak kamay kaming lumabas ni Reese ng classroom..habang naglalakad kami ay hindi pa din ako makapaniwala sa na kami na talaga.

As in officially kami na.

Hindi ko mapigilang mapangiti saka ako sumulyap sa napakagandang babae na kaholding hands ko.

She's mine...

Napasulyap din sya sa akin "Kuting...bakit nakasmile ka dyan?"

Mabilis na nawala ang smile ko "Ha? Hindi kaya...." nahihiyang sagot ko. Nakakahiya kasi nahuli nya akong kinikilig dito na parang ewan.

"Hindi daw..." she didn't buy it, nagulat ako ng higitin nya ako palapit sa kanya.

"Mula sa araw na 'to, hinding hindi ka na lalayo sa akin. Understood?" seryosong sabi nya.

Hindi ko na tuloy napigilang mapasmile ulit. Si Reese kasi eh !

"Opo..." sabi ko habang nakatitig lang sa mga mata nya. Pakiramdam ko kaming dalawa lang ang nandoon...wala na akong ibang nakikita kung hindi sya lang....my sexy kitten..

Hindi ko tuloy napansin na papunta na pala kami sa direksyon ng parking.

"Saan tayo pupunta?" tanong ko habang naglalakad pa din kami.

"Lunch out.." sabi nya saka dinukot sa bag nya ang susi ng kotse.

"Saan na yung driver mo?" sa pagkakaalala ko kasi ay hinatid kami ng driver nila kanina papunta ng school.

"Pinauwi ko na.." sagot nya habang binubuksan yung pinto ng kotse saka ako pinapasok, pagkatapos ay umikot sya papunta sa may driver's seat at isinara ang pinto.

Tahimik lang ako habang pinagmamasdan sya, hindi na ako nagtanong kung saan kami kakain dahil more or less ay alam ko na ang isasagot nya at paniguradong susungitan din naman nya ako.

Ang cute nya talaga kapag nagdidrive sya...ang hot naman ng driver ko.

"Stop staring at me like that Kuting....baka sa iba kita madala." natatawang sabi nya.

Bigla ako nagblush "Masama bang tignan ka?" i said, pouting.

Nagulat ako ng bigla syang dumukwang at mabilis akong hinalikan sa labi.

"Wala naman akong sinabi na masama na titigan mo ang girlfriend mo...nadidistract lang kasi ako." nakasmile na sagot nya at saka binalik ang tingin sa unahan.

"Yun naman pala hindi naman pa—" sabi ko pero bigla akong natigilan. Teka anong sinabi nya?

Girlfriend ko?...yeah, girlfriend ko na pala ang sexy at masungit na si Reese Santillan. Up to now hindi pa din nagsisink in sa akin ang idea na yun.

Parang ang hirap kasi paniwalaan na isang kagaya nya na mayaman, maganda, popular ay magkakagusto sa isang kagaya ko lang.

Napabuntong hininga ako.

"O kuting bakit?" Napatingin tuloy sya sa akin, nasa byahe na kami papunta sa kung saan sya lang ang nakakaalam..

Humarap ako sa kanya "Kasi Reese....hindi pa din ako makapaniwala up to now na..."

"Na...?"

"Na magugustuhan mo ako...sino ba naman ako para mapansin mo.."

Napasmile sya pero nakatutok lang ang mata sa daan.

"Bakit naman hindi kita magugustuhan ha?"

Sumandal ako saka tumingin sa labas ng bintana "Basta...." kailangan ko pa ba iemphasize na ang layo ng agwat naming dalawa. Siya na sobrang yaman, maganda, popular habang ako naman ay simpleng si Madison dela Rosa lang. Yung wala maipagmamalaki kung hindi yung tapat na pagmamahal ko lang sa kanya..

Kissing Reese SantillanTahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon