Chapter 15.1 - Fireworks (Reese POV)

79.3K 2.1K 232
                                    

Reese P.O.V.

Pagpasok naming tatlo nina Katrina at Cher sa loob ng function hall ay mabilis akong sinalubong ni Blake.

He automatically wrapped his arms around my waist....at sa unang pagkakataon ay nakadama ako ng pagkailang dahil sa ginawa nya.

"Hi Baby....you're so gorgeous tonight." sabi niya habang tinitignan ako mula ulo hanggang paa. Bakas sa mata nya ang paghanga.

Pinilit kong ngumiti "Thanks Baby...you look good yourself."

Kumalas sya sa pagkakayap sa akin at hinawakan ako sa braso.

"Shall we?" Tanong nito habang niyaya nya na ako maupo sa pwesto namin.

Saglit pa ay nagsimula na ang program, nagkaroon lang ng boring na speech galing kay Dean Legaspi at some introduction number sa mga nobody's.

Hindi ko naman kasi sila kilala... kaya nobody sila para sa akin.

Bored na iginala ko ang tingin ko at napansin ko agad si dela Rosa sa kabilang table katabi ang kaibigan nya. Mga dalawang lamesa lang ang pagitan nila mula sa amin.

Mukhang nageenjoy sya sa pinapanood nya at tutok na tutok ang tingin nya dito.

Hindi ko tuloy namalayan na kinakausap na pala ako ni Blake.

"Baby nakikinig ka ba?"

Mabilis akong napatingin sa kanya saka pilit na ngumiti.

"Yes Baby." although hindi ko naman talaga alam kung ano yun sinabi nya.

Pagkatapos ng ilang minutong nakakaantok na palabas ay natapos na din ito sa wakas.

Maya maya pa ay lumabas na ang napakadaming waiters na nakaputing uniporme na may dalang tray na puno ng pagkain.

Inilapag nila sa mesa namin ang mga pagkain at bored na tinignan ko lang yun.

"Same old menu, wala na bang iba?" inis na sabi ko. Parang every year lagi na lang ganito ang hinahanda nila sa Gala.

Tumikim lang ako ng konti at uminom na lang ng wine. Yup may wine kami dito, sa table lang namin yun.

Pagkatapos ay bumalik ulit ang mga waiters at kinuha na ang mga plato at natirang pagkain.

At napasimangot na naman ako nang makita kong may intermission number na naman mula sa nobody's. Tamad na sumandal lang ako sa upuan.

Maya maya pa ay parang inaantok na ako.

Nagulat ako ng biglang tumayo si Blake at inilahad ang kamay sa akin.

Napaangat ako ng tingin sa kanya.

"Let's dance mah Lady.." todo ngiting sabi nito.

Gwapong gwapo siya ngayon sa itsura nya, pero sa halip na kiligin ako dito ay parang nakadama pa ako ng inis. Masyado kasing pacute kung ngumiti.

Inabot ko ang kamay nya saka ako dinala sa gitna ng dance floor, sa unahan lang yun ng stage.

Niyakap nya agad ang braso nya sa bewang ko at humawak naman ako sa balikat nya.

"Baby...I love you." Sabi nya habang nagsasayaw na kami.

"Ok." wala sa sariling sagot ko, paano napansin ko si dela Rosa na may kasayaw. Hindi ko maaninag kasi medyo madilim sa buong paligid.

"Baby??" tila nagulat si Blake sa sinagot ko.

Napatingin ako sa mata nya saka nagsabi ng sweet na sweet na—

Kissing Reese SantillanTahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon