Chapter 8 - My fake bf

79.6K 1.7K 251
                                    

Madison P.O.V.

After ng nakakainis na lunch namin with Jaro ay nagmamadali na akong umalis ng cafeteria. Paano ba naman at balak pa nito na ihatid kami sa next class namin.

Nagdahilan na lang ako na dadaan pa kami ng library at mabuti naman ay hindi nya na ako sinundan pa doon.

"Anong plano mo nyan? May naisip ka na bang magpapanggap na maging boyfriend mo?" tanong sa akin ni Aly habang naglalakad na kami papunta sa sunod na klase.

"Hay Aly ewan ko ba, wala naman kasi ako masyadong kaclose na guy." malungkot na sagot ko.

Dito sa school ay si Aly lang naman ang kaibigan ko...noong bata ako marami akong kalarong mga lalake pero hindi ko na sila nakikita ngayon eh.

Kung hindi lumipat ng bahay ay bigla na lang nawala, parang nagevaporate lang. Ganun.

Malapit na kami sa classroom nang may narining akong tumawag sa pangalan ko.

Paglingon ko ay isang matangkad na lalake, medyo long hair at Moreno.

The who?

"Hi Madison, dito ka din pala pumapasok?" sabi ni mystery guy.

"Yeah.." alanganin akong ngumiti, paano ko ba itatanong kung sino sya. Kaklase ko kaya ng highschool.?

Pinakatitigan ko sya pero hindi ko talaga mamukhaan. Sino itich??

Buti na lang at tila nahalata nya na hindi ko sya makilala " Ah pala 'to si Ken...remember yun kababata mo?"

What? Ken? As In si Kenneth? Yun maliit at uhuging kalaro ko noong bata ako? My gosh ibang iba na ang itsura nya ngayon...in fairness nagkaitsura at tumangkad na sya ng bongga. Noong maliit kasi ako halos puro mga lalake ang kalaro ko...patintero, tamaang tao, luksong baka, luksong tinik...you name it, nalaro ko lahat yun.

Mas gusto ko pa noon kalaro ang mga lalake kaysa sa 2 kapatid kong babae paano naman super boring ng laro nila...manika, luto lutuan o bahay bahayan. Para sa akin walang thrill ang mga yun, kaya ayun madalas pa akong nasa kalye nakikipagbuno sa mga kalaro kong mga lalake.

"Kenneth?? Wow ikaw na ba yan? Grabe ang tangkad mo na, hindi na kita nakilala." nakangiting sabi ko sa kanya.

Sinuklay pa ng kamay nya yun buhok nya saka pacute na nagsmile.

"Yeah...lumaki lang ng konti." sabi naman nya.

Tumangkad ng konti? Eh para na nga syang kapre sa taas. Kakaiinggit talaga, sa lahat ata ng kasabayan ko eh ako lang talaga ang hindi nabiyayaan ng katangkaran.

Kinalabit ako ni Aly, napatingin ako sa kanya. Nakalimutan ko palang kasama ko sya.

"Ah oo nga pala Kenneth..friend ko si Aly... Aly kababata ko si Kenneth." pakilala ko sa kanila.

"Ken na lang Maddy...oh hi Aly." bati nya dito.

"Hi Ken." bati din ni Aly.

"Anong course mo pala Ken? Kakatransfer mo lang ba dito parang ngayon lang kasi kita nakita." naisipan kong itanong.

"Oo, kakalipat lang kasi naming ng bahay ..ECE ang course ko."

May itatanong pa sana ako ng bigla ng nagring na yung bell, senyales na magsisimula na yun klase namin.

"O paano Ken magstart na yung klase namin...see you around ha." paalam ko sa kanya.

Ngumiti sya sa akin "OK nice to see you again Maddy, ikamusta mo ako sa tatay mo."

Kissing Reese SantillanTahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon