#1 Umbrella

87 36 108
                                    

|Asher Lim Monterozo|

"Hey Morise! sorry medyo natagalan ako ha?"

Sabi ko dun sa babaeng nakaupo sa bench. Katatapos lang kasi naming mag practice, at masyado ko yatang napahintay ng matagal itong si Morise.

"Okay lang, tara umuwi na tayo"

tumayo na siya at na una na siyang lumakad kesa sa akin kaya sinundan ko na lang siya

Tahimik lang kaming umalis sa school, at dahil nga walking distance lang yung bahay namin eh napag isipan na lang naming lumakad na lang.

Mas nauna siyang maglakad kesa sa akin kaya malaya akong nakatingin sa kanya. Bakit nga ba hindi na lang siya? Hindi naman mahirap mahalin ang isang katulad niya.

Napabalikwas naman ako ng bigla siyang tumigil at napatuon ang atensyon niya sa akin.

"Asher" sabi niya sa akin

"hmm?"

"Zayn" z-zayn? w-what?

"Asher, Zayn is back"

sabi niya sa akin ng nakayuko

She's back? Wait, what? Akala ko ba masaya na siya dun sa states? Kailan? Bakit? Bakit kailangan niya pang bumalik? Naguguluhan ako.

"Morise, is that true?"

"Sa tingin mo ba magsisinungaling ako sayo?"

"Morise hindi naman sa ganon, gusto ko lang makasigurado"

"So, after all this years wala kang tiwala sa akin?"

"Morise,mahirap umasa sa wala."

"Eh ako? Paano ako? Umaasa ako sayo! Ikaw lang ba? Asher, Nasasaktan din ako"

Hindi ko alam bakit biglang sumakit yung dibdib ko nung nakita kong may tumulong luha sa mga mata niya.

At hindi ko din alam kung ano ang pumasok sa isip ko ng bigla akong lumapit sakanya at marahang hinalikan ang kanyang mga mata.

"A-asher a-anong-"

Naguguluhan, naguguluhan ang isip ko. Bakit? Bakit? S-shit anong nagawa ko? Nagbigay nanaman ba ako ng motibo? Motibong oo, kaya, at pwede niyang mahalin ang isang katulad ko?

" S-shh d-don't cry" sabi ko sabay yakap sa kanya ng mahigpit

Hindi ko alam, at wala na akong pakialam kung ano man ang isipin niya. Basta ayoko lang makita siyang malungkot, ayokong nasasaktan siya, ayokong makitang tumutulo ang kanyang mga luha.

"A-asher... umuulan"

Bigla ko naman ibinitaw ang yakap ko sa kanya at kinuha ang payong sa bag ko.

"Morise, tara na" sabi ko sabay payong sa amin at naglakad sa basang kalsada

Actually, mas malayo pa yung lalakarin niya kung ikukumpara sa akin. Nandito na kami sa labas ng gate ng bahay namin.

Ihahatid ko na sana siya, pero biglang may sumulpot sa gate namin.

"ASHER! I MISS YOU"

bigla kong nabitawan ang payong na hinahawakan ko ng bigla niya ako dinamba ng yakap.

"Z-zayn" pagkasabi ko ng kanyang pangalan ay bigla niya akong hinalikan.

Hindi ko alam kung bakit, pero hindi ako nakagalaw at na estatwa ako sa aking tinatayuan. Mas nanlamig naman ang aking mga kamay ng makita ko si Morise, basang basa na sa ulan at nakatingin sa amin. I mean, no, nakatingin pala siya sa akin.

IREDESCENT LOVEWhere stories live. Discover now