#11 Baka sakali

12 5 4
                                    

|Mikausty|

"Hello! I'm Mikausty and I'm paaayb years old!"

Pakilala ng batang babae sa tindera ng tsangge sa kanto nila.

"Nako etong batang to talaga. Araw araw na lang nagpapakilala!"

"Aling Rosa! Pasensya na eh nagprapractice lang po kasi ako para sa opening classes sa school" sabi ng batang babae sabay kamot ng kanyang ulo.

"Nako! Oh siya! Ano na nga pala yung bibilhin mo?"

"Pabili nga po ng Joy."

"Anong joy?"

"Yung liqweeid po."

"Liqweeid? Ha? Anong liqweeid ba yan bata?"

"Yung dishwashing liquid po."

"A-ah yung panghugas ng pinggan lang naman pala."

"Opo yun nga po hehe."

"Oh eto na!"

"Salamat po Aling Rosa!"

Hindi mapigilang mapangiti ng malungkot ang bata sa kanyang naisip na plano. Baka sakaling gumana ito.

"Mikausty!"

"Halika na! May pupuntahan tayo!"

Agad naman siyang napasunod sa kanyang inana may hawak hawak na mga preskang bulaklak.

"Mama! Pupuntahan ba natin si papa?" tanong niya sa kanyang ina

"Oo anak. Miss na miss ko na kasi si Papa mo."

"Miss na miss ko na rin po siya eh."

Binigyan niya ng isang napakatamis na ngiti ang kanyang ina sabay tago ng binili niyang Joy dishwashing liquid sa kanyang bulsa.

"Tara na."

Nilagay na ng kanyang ina ang bulaklak sa backseat. Agad naman silang bumyahe papunta sa hardin.

"R-rusty"

Nang nakarating sila sa hardin ay agad naman sila nakaramdam ng malamig na simoy ng hangin.

"P-papa"

Tinignan niya ang buong paligid. Sa murang edad niya ay alam niya nang nandito lang ang papa niya.

Siguradong-sigurado na siya sa kanyang gagawin. Napahawak siya sa kanyang bulsa.

"B-baka sakali..."

Inilabas niya ang kanyang binili kanina.

"P-papa miss na miss na kita."

Binuksan niya ito at dahan-dahang ibinuhos ang ilang patak sa ilang parte ng hardin.

"Oh anak! Bakit ibinuhos mo ang joy?"

Napatingala naman siya sa kanyang ina sabay ngiti ng matamlay.

"B-baka sakaling bumalik si papa."

"A-anak p-pero..."

"B-baka kasi pag binuhusan ko ng joy, baka sakaling tumagal pa..."

"Baka s-sakaling t-tumagal pa ng d-dalawang linggo."

— END —

Words Count: 374
October 28, 2018
Written By: MusikerangMakata

AN: Ewan ko lang talaga kung matatawa ako sa gawa kong to or what. Ikaw, ano ba sa tingin mo? 😂

You've reached the end of published parts.

⏰ Last updated: Nov 03, 2018 ⏰

Add this story to your Library to get notified about new parts!

IREDESCENT LOVEWhere stories live. Discover now