#10 A sky full of stars pt2

20 4 5
                                    

| Mikaela |

Tinignan niya ang isang bagay na nasa lamesang pinapalibutan ng mga lantang bulaklak.

"Rusty!"

Maasim na lamang siyang napangiti sa kanyang nakikita. Tila parang kahapon lamang ng sila ay nagkakilala subalit tila'y naging masama ang pakikitungo ng tadhana sa kanila.

"Bakit? Bakit mo nagawa sa amin ito?"

Dahan-dahan niya itong kinuha at lumakad papunta sa kanyang sasakyan at nagtungo siya sa kanilang dating tagpuan.

cause you're a sky ~

"Bakit?!"

Napadako ang tingin niya sa lumang fountain na ngayon ay may mga maduduming putik na nasa paligid. Sabay ng pagpatak ng kanyang luha ay tiningala niya ang langit at minamansan ang bawat ihip ng hanging dumadaloy sa kanyang maamong mukha.

"Hahabulin kita!"

"Ble! Hindi mo ako mahahabol!" sabi ng sa walong taong gulang na batang babae sa sampung taong gulang na batang lalaki

"Isa, dalawa, tatlo, takbo!"

Masayang naglalaro ng habulan ang mga bata sa ilalim ng buwan. Tila hindi sila napapagod kahit na pawis na pawis na sila.

Walang tigil sila sa pagtatawanan --

"Aray!"

Biglang napatawa ang batang babae ng marinig at makita niya ang sitwasyon ng kanyang kalaro.

you're a sky full of stars ~

May mga putik sa kanyang mukha, dumi-dumi na ang kangyang suot na magarbong polo at nagkaroon ng sugat sa tuhod ang batang lalaki.

"Hoy! Ang lampa-lampa mo naman!"

Sabi niya sa kaedaran niya na batang lalaki sabay tumawa ng malakas. Subalit napayuko na lang ang batang lalaki sa hiya.

"M-mika-ela"

"Hmm? Bakit?"

"Mikaela, balang araw pakakasalan kita. At ganyan karami ang magiging anak natin."

Sabi niya ng may ngiti sa labi sabay tumingala sa kalangitan itinuro ng hinlalaki niyang kamay ang nagmistulang dyamanteng kumikinang na bituin sa kalangitan.

A sky full of stars ~

Napatawa naman ang batang babae sa sinabi ng batang babae. Inalalayan niyang tumayo ang kanyang kalaro. Pumunta sila sa fountain na nasa gitna ng playround.

I'm gonna give you my heart —

Kinuha ng batang babae ang bimpo na nasa kanyang bulsa. Binasa niya ito ng tubig na nanggaling sa fountain at dahan-dahan niyang pinunasan ang sugat sa tuhod ng batang lalaki.

"Aray!"

"Psh maliit lang yan, ano ka ba!"

Mas diniinan niya pa ang pagpunas ng sugat sa batang lalaki. Hindi maiwasang mapangiti ng mapakla ang batang babae sa mga reaksyon ng batang lalaki habang pinupunasan nito ang sugat na napala kakalaro kanina.

"Mikaela, totoo yung sinabi ko ha?"

"A-ah eh siraulo ka talaga Rusty! Isusumbong kita kay mama!"

Singhal at sabay simangot ng batang babae sa kanya subalit katahimikan lang ang nanaig sa buong paligid. Tinignan niya lang ang batang lalaki habang tumitingala sa mga bituin sa kalangitan.

cause you're a sky
you're a sky full of stars

|Present Time|

"Ikaw kasi Rusty, bakit pa kasi nagyari ang lahat ng ito?"

Kinausap ng babae ang kanyang sarili na parang baliw.

"Hindi bat dapat masaya tayo?"

Akala niya okay na ang lahat. Akala niya masaya na silang dalawa. Akala niya magpapakasal na sila. Hindi ba't pakakasalan pa siya nito?

Pero bakit?

Bakit nga ba nagyayari ito?

"Hindi mo na ba ako mahal?"

Kulang ba? Hindi paba sapat? Hindi ba't ibinigay niya naman ang lahat ng pagmamahal niya?

"Nagsawa ka na ba?"

Oh di kaya'y nawalan siya ng gana? Bakit nagawa siyang iwan ng pinakamamahal niya?

Walang humpay ang pagpatak ngmga luha sa kanyang mga mata. Hindi niya na yata kaya ang lahat ng sakit na nararamdaman niya.

Sumabay pa ang malamig na simoy ng hangin sa kanyang paligid at ang pagpatak ng mga lantang bulalaklak sa itaas ng hardin.

"Pero bakit iniwan mo ako?"

"BAKIT MO NAGAWA SA AKIN TO?"

"ALAM MO BA NA ANG SAKIT SAKIT NA? HINDI KO KAYANG WALA KA RUSTY! PAKIUSAP DITO KA NA LANG."

Pilit niyang hinawakan ng mahigpit ang tila isang malaking dyamanteng hinahawakan niya.

"PLEASE P-PLEASE! STAY RUSTY - J-JUST STAY."

"You need to let me go Mikaela." - isang boses na kailanman hinding hindi niya makakalimutan

"RUSTY"

Cause in a sky~

"I-I LOVE YOU RUSTY."

"I REALLY DO"

Cause in a sky full of stars ~

"But I guess, it's right to let you go."

"Mahal na mahal kita Rusty."

In a sky full of stars
I think I saw you ~

"Mahal na mahal ka namin."

Wala na nga siyang magagawa kundi ang ibuhos lahat ng abo ng kanyang minamahal sa loob ng hardin. Sabay tahimik na humihikbi habang yakap-yakap sa kanyang tiyan na unti-unti ng lumalaki.

Napatingala siya sa langit at muling nagpasalamat sa mga mumunting alaala't napabulong na lang ng nakatulala

"Rusty, mahal ko. Hanggang sa muli nating pagkikita."

I think I saw you
In a sky full of stars ~

--- END ---

IREDESCENT LOVEजहाँ कहानियाँ रहती हैं। अभी खोजें