#6 Stick-o

25 14 29
                                    

🎈

"Blue warriors! Blue warriors"

"Yellow archers! Yellow archers!"

"Green Barbarians! Green Barbarians!"

"Potter red! Potter red!"

Kasalukuyang nasa gym kami at tila mabibingi na ata ako sa sigaw ng mga tao dito.

Magulo at wala yata sa tamang pag-iisip ang mga tao sapagkat last day na ng aquiantance party namin.

May pa banner doon -

Meron ding mga balloons at mga pakulo kahit saan. Para nga akong tangang nakasuot ng hat ng witch. Andaming pakulo.

"Greece tumayo kana diyan! Mag checheering na tayo!" sigaw ni Ela sa akin

Tumayo naman ako at nagsimula nading sumigaw. Taenez mawawalan siguro ako ng boses nito pagkabukas.

"GREECE!" kinurot kurot ako ni Ela

"Tignan mo si Alex oh! Matutunaw kana ata! Kanina pa yan nakatingin sayo eh!"

Alex? senior namin yan, matagal ko na ding crush? ewan siraulo yun eh palagi na lang akong tinatawag na stick  ̄へ ̄

Napatingin ako sa pwesto niya sa unahan.

Ngumiti ako sa kanya at bigla naman siyang nag smirk? nag smile? ewan - bigla nalang kasi siyang umiwas ng tingin.

"POTTER REDS ARE YOU READY?!" nagulat ako ng bigla siyang sumigaw ng ganyan

Oh, natatawa ako sa itsura niya. HAHA ancuteee kailangan niya pa palang mag lagay ng paminta sa mukha - bilang senior namin eh kailangan nilang maglagay nun. Sila kasi yung maglelead sa amin.

"AYE AYE CAPTAIN!" -sagot naming lahat

"I CAN'T HEAR YOU!" -sigaw niya naman ulit sabay wagayway na ng balloon sa amin

"AYE AYE CAPTAIN!" nakisali ako sa sigawan nila hanggang sa magsimula na kaming mag cheering.

Natapos na yung cheering ng lahat ng teams. At maya't maya ay mag aanounce na kung sino yung winner.

"SINO SA TINGIN NIYO ANG MANANALO?!" pasigaw na tanong sa amin ng emcee

"LET ME HEAR YOUR LOUDEST CHEERS!!"

Mas lalong nagsiwild yung lahat ng tao at nakisama narin ako sa mga kasamahan ko. May naririnig narin akong drumrolls na mas lalong nag pa intense dito.

"AND THE WINNER IS..." pa intense na sabi ng emcee

"POTTER REDS!" nagsihiyawan na lahat ng kagrupo ko ng narinig naming kami pala yung nanalo. sinampal sampal pa nga ni Ela yung braso kong mamula-mula na.

"YOU MAY NOW CLAIM YOUR PRIZES!!"

Muntanga din tong mga senior namin eh. Bumaba na sila sa bleachers at kinuha na yung mga prizes. At may pa kaway-kaway din yung siraulong Alex sa amin? No, errr sa akin? Ewan

"GOOOOO POTTER REDS GO GO GO GO!"

Pagka sigaw ng isang senior na kagrupo namin eh nagsiunahan na agad kaming pumunta dun sa stage. Kinuha na namin yung prizes, which is mga pagkain at kung ano ano pa.

Kitang-kita ko kung pano magsi-agawan ng packed foods ang mga kagrupo ko. Nasa gilid lang ako at tinitignan sila.

Kanina ko pa nga hinahanap si Ela. taenez nasan na kaya yun? Nakiki-agawan narin ba dun? Napatingin ako sa pwesto ni Alex. Nakita kong kinuha niya yung mic at nagsimula ng mag libot ng errrrr stick-o?

"STICK-O! STICK-O!" sisigaw niyang sabi kahit na naka mic na siya.

Ang ingay-ingay jusko. Parang palengke na yung gym. Nakita ko namang papalapit siya sa direksyon ko. Bitbit yung isang box ng stick-o.

Alam ko na kung anong gagawin ng siraulong yun. Ipapamukha niya nanaman sa akin yung STICK STICK STICK-O na kalahi ko. Kaya bago pa man siya makalapit sa pwesto ko ay tumalikod na agad ako.

"STICK! STICK! Greece Foreman!"

Bigla akong napatigil sa pagbaba sa hagdan. gago to. tatawagin na nga lang yung pangalan ko may stick pang extra.

Na conscious tuloy ako dahil lahat ng estudyante eh nakatuon na ang atensyon sa amin. Binigyan ko na lang siya ng isang matalim na tingin.

"G-gre-ece"

"U-uhm a-ano u-hm"

"G-gusto m-mo ng u-uhm a-ano s-stick o?"

Tumalikod na lang ulit ako. sheyt akala ko kung ano. Ipapamukha nanaman pala sa akin. Pasalamat siya madaming tao ngayon, kundi makakatikim talaga sana ito ng sapak galing sakin.

"U-uhm STICK-

Bigla niya akong hinatak pabalik at tamang-tama namang ang lapit-lapit niya nang napalingon ako sa kanya

"S-STICK O"

Napalingon siya sa mga kasamahang niyang senior sa gitna ng stage. Kanina pa to ah? anong kailangan ng siraulong ito?

"Stick o - S-stick oh ang isang k-katulad mo, ay di na dapat pang pakawalan"

Nanlaki yung mata ko ng bigla siyang humirit. Andami pa namang tao. Hawak-hawak ang mic ay kumanta siya. Ibinigay niya sa kaklase niya yung hawak niyang isang box ng s-stick o.

"Alam mo ba pag naging tayo hinding-hindi na kita bibitawan"

Bigla namang nasitilian ang mga kapwa naming estudyante. Lalong-lalo na si Ela. Kaya pala - kasama niya pala yung mga kaklase nitong siraulo.

Mas lalo yatang umingay yung mga tao dito ng inangat niya yung chin ko. Di ko tuloy maiwasang mamula sa ginagawa niya.

"Aalagaan at di ka pababayaan"

May kinuha siya sa kanyang likuran. Mas naging kabado at mas lumaki nanaman yung mata ko ng makita kung ano iyon.

"pagkat ikaw sakin ay ... prinsesa"

Rosas - binigay niya sa akin yung rosas at may itinuro siya sa likuran ko.

Parang kanina nasa gilid lang itong si Ela ah? Pero hindi, mas napatuon ang atensyon ko sa balloon na hawak-hawak nila.

C A N I C O U R T Y O U ?

Oh shoot. Nanlamig na lang ako bigla. Mas bumilos yung tibok ng puso ko. Omyghad totoo ba itong nakikita ko? Hindi ako makapaniwala. Pero hindi, totoo yata eh.

Hinawakan niya yung kamay ko. Ramdam na ramdam ko ang mga maiinit niyang palad. Tinitignan niya ako ng diretso sa aking mga mata. Totoo. Totoo talaga.

"Stick? Greece Foreman? pwede ba kitang ligawan?"

-END-

IREDESCENT LOVEOnde histórias criam vida. Descubra agora