#9 A sky full of stars pt1

13 4 6
                                    

|Rusty|

"Rusty!"

"Mikaela"

Maasim siyang napadako sa lugar kung nasaan naroon ang mga lantang bulaklak. Subalit bigla na lang siyang naging malungkot ng may nakita siyang isang bagay na nasa tabi nito.

"Bakit?"

"Mikaela, patawad hindi ko sinasadya."

"Bakit mo ginawa sa amin ito?"

"Kasalanan ba ang maging mahina? M-mikaela M-mikaela patawarin mo ako."

Hinayaan ko ang sarili kong yumakap sa kanya. Subalit nagmistulang yelo na lang siya.

Walang tumutulong luha. Blankong ekspresyon. Tila hindi na yata siya yung Mikaelang minahal ko noon.

Ilang linggo na nga ba? Ilang linggo na nga ba akong nagsisisi sa katangahang ginawa ko? Ilang linggo ko na nga bang hinayaang umiyak ang taong mahal ko?

Pumanhik siya at ganoon narin ang buntot buntot ko sa kanya. Sumakay kami sa kanyang sasakyan.

Katahimikan lamang ang bumabalot sa aming kapaligiran. Walang nagsasalita. Tahimik lang siyang nagmamaneho hanggang nakarating kami sa isang napakalungkot na lugar.

Ang lugar kung saan kami lumaki at bumuo ng kay gandang alaala.

Ang hardin — sa dati naming tagpuan kung saan tuluyang nabuo ang aming pagmamahalan.

Subalit katulad ng nakikita namin ngayon na mga lantang bulaklak ay ganoon narin ang aming pag-iibigan unti-unti nawawalan ng kulay at ng buhay.

"Ikaw kasi Rusty, bakit pa kasi nagyari ang lahat ng ito?"

"Hindi ko nga rin alam Mikaela."

"Hindi bat dapat masaya tayo?"

"Dapat masaya ka. Kung hindi nga lang sana ako nagkamali sa naging desisyon ko, dapat -- dapat naging masaya kana."

Ang kumikanang na mga mata niyang nagmistulang mga bituin na dati'y lagilagi kong pinapangarap na abutin. Ngayong, siya'y hawak at kapiling ko na nagmistula parin siyang bituin na kay hirap parin angkinin.

"Hindi mo na ba ako mahal?"

"Mahal na mahal kita Mikaela -- tandaan mo yan."

"Nagsawa ka na ba?"

"Kailanman ay hinding-hindi ako magsasawa."

Pinunasan ko ang mga luhang pumapatak ng walang kahinto-hinto sa kanyanh mga mata. Niyakap ko siya ng marahan -- sabay halik sa kanyang noo.

"Mahal na mahal kita. You're my sky. My everything. My hope and my one and only Mikaela."

"Pero bakit iniwan mo ako?"

"Patawad"

"BAKIT MO NAGAWA SA AKIN TO?"

"Everything has already planned at wala na akong magagawa kung hanggang dito na lang tayo."

"ALAM MO BA NA ANG SAKIT SAKIT NA? HINDI KO KAYANG WALA KA RUSTY! PAKIUSAP DITO KA NA LANG."

"Sometimes all we need is to let go. P-pakiusap hindi lang ikaw ang nasasaktan -- nasasaktan din ako."

"PLEASE P-PLEASE! STAY RUSTY - J-JUST STAY."

"You need to let me go Mikaela."

"I-I LOVE YOU RUSTY."

"I REALLY DO"

"I love you too Mikaela."

"Mahal na mahal."

I gaved her a one last kiss. Isang halik na kailanman hinding-hindi mabubura sa aming mga alaala.

Walang harong biro at pag-aalinlangan ay tinahak ko na ang daan kung saan matagal ng bukas at naghihintay para ito'y aking tahakin.

Sa kahuli-hulihang pagkakataon ay tinignan ko muna ang mga bituin sa kalangitan sabay ngiti at tumingin sa babaeng pinakamamahal ko. Ngayon, ay tahimik na akong magiging malaya.

"Mikaela."

"Mahal na mahal kita."

"Hanggang sa muli nating pagkikita."

IREDESCENT LOVEWhere stories live. Discover now