#2 Recital Gone Bad

55 33 85
                                    

| Rainela Calis |

Monday, 6:30 pm at katatapos ko lang magpractice at kalalabas ko lang din sa music room nang tinawag ako ni Thunder

"YO RAINELA! sup?" -sabi niya sa akin

"YO KIDLAT! taenez kinakabahan ako" -sabi ko naman sa kanya sabay lagay ng violin ko sa case neto

"What? si Rainela Calis, kinakabahan?" -birong sabi niya sa akin sabay tapik niya sa balikat ko .

Eh sa kinakabahan talaga ako at di ko alam ang gagawin. Ngayon pa nga lang na kakatapos pa lang ng final practice eh kinakabahan na ako. Ano pa kaya bukas habang nag peperform na ako?

Feeling ko nga natatae ako. ngena naman, makakaya ko bang pigilan to bukas kung saka-sakali?

"Hoy ulan, you're spacing out again! nako, nako wag kang mag-alala alam kong kaya mo yan!" sabi niya sa akin sabay gulo ng buhok ko

"Ngango! anong ulan? aba aba! ikaw talagang kidlat ka! aha! malilintikan ka talaga sa akin" sabi ko sa kanya sabay suntok sa kanyang sikmura

Bigla nalang akong napatawa ng malakas, ng napapikit siya nung sinungtok ko siya. psh hindi ko alam kung arte niya lang ba ,oh ano? HAHA pero hopeless talaga yung mukha niya eh, pfft HAHAHA

"Sinong ngango? sinong ngago? aba aba! lagot ka sa akin ulan! mwahaha" -sabay tawa niya ng nakakaloko

kaya naman ay dali dali ko na lang sinabit sa balikat ko yung gitara at dali dali ng lumabas sa studio

"Sir! Mauna napo ako! hehe bye po!" - sabi ko kay Sir John ng nakangiti nung makita ko siya sa labas

"THUNDER! Ingatan mo si Rain ha?" -Sir Jhon

"Sir yes sir!" sabi niya sabay saludo dun kay Sir John

Eto nanaman. Ngango talaga eh, hinabol nanaman ako at nagtatangka pa yatang kikilitiin ako sa bewang, pero di ko namang hinayaang gawin niya yun no, psh.

"Ulan! Peace na tayo ha? Tara hatid na kita" sabi niya sa akin

At dahil nga buntot lang siya ng buntot sa akin, eh wala narin akong nagawa kundi ang magpahatid na lang sa kanya. wala eh, malakas tama ko dito.

-*- Kinabukasan

5:25 pm at mamayang 5:30 eh magsisimula na yung recital.

Errrr kinakabahan ako. mas lalo yata akong kinabahan ngayon ng makita ko si Thunder na nakaupo na sa kanyang pwesto. And guess what? Isa lang naman siyang pianista.

"Ladies and Gentlemen! Let's welcome, the batch two recitalist of the Music Square 2018!" sigaw ng emcee

At nag hiyawan nanaman ang mga tao. Napatingin ulit ako sa kanya.

Bigla siyang ngumiti ng biglang nagtama ang aming mga mata. Kumunot naman ang noo ko ng parang may sinasabi siya sa akin sabay kindat at ngumiti nanaman ng nakakaloko

Hinayaan ko na lang, hindi ko naman kasi marinig dahil sa lakas ng hiyawan ng tao dito.

Ngumiti na lang ako pabalik sa kanya, at itinuon ko na lang ang atensyon sa stage.

"LET THE SHOW BEGIN!" sigaw ulit ng emcee sa mga audience

agad namang nagsimulang tumugtog ang kanilang banda.

Umupo na lang ako sa backstage at nagpalipas na lang ng oras doon.

Ewan, kinakabahan talaga ako. Feeling ko may masamang mangyayari mamaya. Sana naman maging okay lang yung performance ko, hays

-*-

Unti-unti nang nababawasan ang mga tao dito sa backstage. Marami-rami narin ang tapos ng magperform. At maya-maya ay aakyat na ako sa stage.

Kinuha ko yung copy, at nireview yung mga notes.

"Rainela Calis, you're next!"

Binitawan ko na yung notes at kinuha ko na yung violin ko.

Kinakabahan ako, makakaya ko ba? Sana di ako pumalpak, baka pagtawanan lang ako ni Thunder pag diko nahit ng tama yung mga nota.

"Let's all welcome, Rainela Calis!"

Bahala na nga lang!

Tinahak ko na yung stage. Tumingin ako sa pwesto ni Thunder. Mas lalo naman yata akong kinabahan nung ngumiti siya sa akin.

Hindi yung nakakalokong ngiti, eto yung ngiting nagpapabilis ng tibok ng puso ko, ngiting nakakabaliw, at natatanging ngiting nakahuli ng mga kiliti ko.

Ewan, hinayaan ko na lang at nagsimula ng tumugtog ng 'Thousand Years'

Heart beats fast
Colors and promises
How to be brave
How can I love when I'm afraid to fall
But watching you stand alone
All of my doubt sunddenly goes away somehow

Omyghad, biglang pumiyok. nilagyan ko naman ng rosin tong bow ko ah? please makisama ka muna, kahit ngayong chorus lang.

Bigla akong nagulat ng may tumunog.

Piano

Thunder

Napatingin ako sa direksyon niya, napatango siya sa akin na parang may pinapahiwatid na 'ituloy mo, sasamahin kita kaya mo yan'

Nagsimula ulit akong tumugtog, pero

nagulat ako ng bigla siyang kumanta sabay tugtog parin ng piano niya.

I have died everyday, waiting for you
Darling don't be afraid
I have loved you

Like, watdapak! KIDLAT ANONG GINAGAWA MO? gusto kong isigaw yan sa kanya pero wala eh,itinuloy ko na lang ang pag p-play at hinayaang maging guide ko si thunder.

For a thousand years
I love you for a thousand more

Napatingin ulit ako sa kanya, oo alam ko kanina pa ito! di ko maiwasan eh HAHAHA anganda ng boses. Mas nahuhulog yata ako.

And all along I believed I would find you
Time has brought your heart to me
I have loved you for a thousand years
I love you for a thousand more

Habang kinakanta niya yang verse ay tumitingin siya ng diretso sa mga mata ko.

Ewan, ewan ko pero feeling ko talaga sa akin niya kinakanta yun. Assuming na kung assuming pero feeling ko, para sa akin talaga yun.

Napangiti na lang ako, dahil sa wakas ay di ako natae sa sobrang kaba dito sa stage. Mag b-bow na sana ako ng biglang nagsali si Thunder

"Rainela Calis"

bigla naman akong napahinto at tumingin sa direksyon niya ng nagtataka

"Rainela Calis, time has brought us back together and this stage makes our bond even more stronger than before."

napakunot ang noo ko sa sinasabi niya samanthalang ang mga tao naman ay naghihiyawan na.

takang takang tumingin nanaman ako sa kanya na dahan-dahan namang tumayo at pumunta sa aking pwesto.

Ngumiti siya sa akin ng nakakaloko at mas lalo nanaman akong nabigla ng bigla siyang lumuhod sa harapan ko.

"Rainela Calis, I love you"

"w-what?" gulat na gulat kong sabi sa kanya

"I love you. simula pa lang noong una mahal na kita ulan. I love you unconditionally and I'll still love you without hesitation."

"Rainela Calis, are you willing to love me for a thousand years? Will you be my girlfriend?"

-END-

Dedicated to: Ms_khaylie40817 thank you for supporting :)

Special thanks to: Ruthenium_V

IREDESCENT LOVEWhere stories live. Discover now