KABANATA 5

1.4K 98 48
                                    

"Hindi sapat ang mga impormasyong mayroon ako rito," Spencer sighed as he ran his finger through his hair in frustration. "Hindi ako sikolohista kaya kakaunti lang ang alam ko sa mga kondisyong may kinalaman sa pag-iisip ng tao."

Hindi ko maialis ang tingin kay Spencer habang patuloy nitong binabasa ang mga papel na hawak. Hindi ito ang unang beses kong makakita ng amerikano pero may kakaiba sa kanya. 'Yung parang first time mong makakita ng tulad niya. Or is it just me? Siguro dahil puro pangit na amerikano ang nakita ko kaya parang naninibago ako. How can I say this? Si Spencer 'yung amerikanong mukhang mas gugustuhing manatili sa bahay at magbasa ng mga aklat, malayo sa mga tao. 'Yung nerd at science freak na hindi alam na hot siya.

Inalis niya ang suot na antiparra at hinilot ang sentido. Doon ko napansin na nangingitim ang ilalim ng mga mata niya. Mukhang dahil sa puyat at pagod. Nakuha ang atensyon ko ng nunal niya sa may baba. Ibinaba niya ang kamay at doon napansin ko ang dalawa pang nunal sa gilid ng kanang pisngi nito. Isang malapit sa mata at isang malapit sa labi. His moles made him even hotter.

Kahawig niya si Leonardo Dicaprio na may pagka-Dane Dehaan. Ayun. Cole Sprouse. Kamuha niya si Cole Sprouse.

Naglakad siya palapit sa mesang nasa tabi ng kama at ipinatong ang mga hawak na papel. Sinuot niya muli ang salamin at naupo.

"Ngunit sa tingin ko'y makakatulong pagkukwento." He gave me a tight smile, "Ano ang gusto mong malaman?"

I forced myself not to squint. Hindi ba pwedeng siya nalang ang magkwento kung ano'ng nalalalaman niya tungkol kay Ivanna? Nasa gitna pa ako ng acceptance stage. Nasa stage pa rin ako kung saan nahihirapan akong tanggapin na nasa katawan ako si Ivanna. Wala pa akong gustong malaman tungkol sa kanya.

Tinitigan lang ako ni Spencer at hinintay na magsalita.

I sighed. Kung hindi siya kusang magkukwento, wala akong magagawa kundi itanong ang palang itinatanong ng mga taong nagkakaroon amnesia.

Tinignan ko siya sa mata at, "Sino ako?" seryoso kong tanong.

Napakurap siya at mukhang nagulat sa tanong ko. Wow. Masyado na bang cliche ang ganitong tanong?

Tumikhim siya bago sumagot. "Ikaw si Ivanna Ramirez. Dalawampung taong gulang." Magkaedad pala kami ni Ivanna. "Ikaw ang nagtatag ng Eve Libertad."

Isa sa mga napansin ko kay Spencer ay ang pananalita niya. Kahit na banyaga, hindi mali-mali ang grammar niya. Although, slang pa rin ang pagkakabigkas niya. Which I find really funny.

"Eve Libertad?"

"Ito ang gerilyang grupo na iyong itinatag halos magda-dalawang taon na ang nakalilipas."

I blinked. Sandali. Ito ba ang rebeldeng grupo na pinamunuan ni Ivanna noon— este ngayon?

Napalunok ako, "P-para sa'n?"

Sumeryoso ang ekspresyon sa mukha nito, "Ang pinakaunang layunin ng ating grupo ay ang mailigtas ang mga babaeng ginagawang parausan ng mga sundalong hapon. Pangalawa ay ang gumawa ng daan para sa pagbabalik ng pwersa ni Heneral MacArthur at mapatalsik ang imperyong Hapon."

Pagbabalik ni Heneral MacArthur? Ibig sabihin ba nasa gitna pa ng giyera ang panahong 'to? Hindi pa completely liberated ang Pilipinas at isang rebeldeng grupo pa ang pinamumunuan ni Ivanna— na pamumunuan ko na ngayon. Tapos paparating pa ang mas madugong labanan. Holy fuck. Mapapasabak ako sa giyera?

I leaned towards him, "Anong taon na ngayon?"

Nag-iwas siya ng tingin. "1944," nauutal nitong sagot.

IvannaTahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon