KABANATA 7

1.2K 70 17
                                    

Pakagising ko ay agad kong nilinisan ang katawan ko. And now, nakatayo ako sa harap ng salamin at tinititigan ang sariling repleksyon. I was still in Ivanna's body. Totoo talaga ang lahat ng nangyari kahapon. Nasa katawan ako ng isang babaeng nabuhay noong World War 2 na pinamumunan ang isang rebeldeng grupo na ang layunin ay iligtas ang mga babaeng inaabuso ng mga sundalong Hapon. At mamamatay ako sa loob ng siyam na buwan. Tapos na akong magreality check. Totoo nga talaga 'to.

Huminga ako ng malalim at kinuha ang ribbon na nasa ibabaw ng kama. Pinusod ko ang buhok ko at agad na tinungo ang cabinet. Dahil totoo nga ang lahat ng nangyayari, then, I have to do everything to learn and be Ivanna.

"Ako si Adeline Cabrera. Matapang at maganda. I'll do you a favor Ivanna, I'll prevent your death but you'll give me this life," sabi ko habang nakatingin sa maliit na salamin ng cabinet. Walang mangyayari kung magmumukmok ako at walang gagawin. Kahit kailan hindi ako sumuko sa problema kahit na sobrang bigat na nito. Kaya hindi rin ako susuko ngayon.

I opened the cabinet and my shoulders slumped when I saw what's inside it. "The fuck. You only have three dresses?"

Tatlong dress lang ang nakalagay sa cabinet at pare-pareho pa ng style. Kulay at prints lang ang pinagkaiba. But all of them were in monochromatic color. Kinuha ko ang isang bestida na kulay asul. Itinaas ko ito upang tignan ang mga disenyo nito. It was a shirtwaist dress with sleeves that reaches upto my elbow. May manipis na tela sa ilalim ng kwelyo nito na pwedeng gawing ribbon.  Itinapat ko ito sa katawan ko. Its length reaches mid-calf. Unlike the other two dresses, this one has no floral prints and was really simple. At mukhang presko dahil sa manipis nitong tela.

Makaluma at simple. Not really my type, but to hell with it.

Pagkatapos kong isara ang mga bintana ay nag-umpisa na akong maghubad ng damit. Wala na akong choice kundi suotin ito dahil tatatlo lang naman ang damit ni Ivanna. Dahil nasa may paanan ako ng kama, kitang-kita ko pa rin ang sarili ko sa salamin.

Ang puti ni Ivanna at ang ganda ng hubog ng katawan. Napangisi ako nung tumapat ang tingin ko sa dibdib ni Ivanna. "Wala nga lang siyang boobs na tulad ng sakin," I said. "Flat."

Inilagay ko ang hinubad na damit sa ibabaw ng kama at kinuha ang asul na bestida. Susuotin ko na sana ito ngunit agad akong napahinto nang may mapansin ako noong tumapat muli ako sa salamin. My heart pounded against my chest when I caught a glimpse of my back.

Hinawi ko ang mahabang buhok na humaharang saking likuran. I swallowed the huge lump in my throat. Tumalikod ako ng kaunti para makita ang pahabang pilat sa likod ko. Halatang resulta ng malalim na sugat. My heart pounded against my chest. I tried to fight the nervous swirls that started to braid in my stomach. Hinawi ko pa ang natitirang buhok na nakatakip sa aking likuran. Nanlaki ang mga mata ko nang makitang hindi lang iisang pilat ang naroon. There were a lot of long, tiny, narrow slits of discoloured skin all over my back.

Inabot ko ang pilat na malapit sa balikat ko. I traced my finger lightly against the scar. It felt weird against my skin.

What the hell is this, Ivanna? What did you do to have these disgusting things on your back? Sa kabila ng kagandahang taglay niya ay may tinatago siyang ganito. It was ugly. Just looking at it makes me want to cringe.

"Ivanna," mabilis kong itinakip sa sariling katawan ang damit na hawak nang makarinig ako ng katok mula sa pinto. "Si Spencer ito. Gising ka na ba? Nakahanda na ang agahan."

Inalis ko muna ang gulat na naramdaman bago sumagot, "S-susunod nalang ako."

"Sige."

I sighed at muling ibinalik ang tingin sa salamin. What caused this scars? Are these things and her death related?

IvannaTahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon