Chapter 3

8.7K 279 4
                                    

     Hays di pa ba tapos pumutak si pinky girl? Kanina pa kami dito sa rooftop nilalamig na ako ha.

"Ms. Pinky pwede ba padaanin mo nalang kami? You can just throw a fit some other time, besides don't you know you're wasting our time."-sabi ko kay pinky while looking at my nails

"How dare you talk to me like that"

"Ano bang rank mo ha?"-tanong nung fuchsia ang buhok, oh Teka lang anong name niya Fuchsy?

"I don't know *shrugging my shoulders* as far as I know kasi transferee lang ako, now move"-I'm pretty sure my voice suddenly change sa last part ng sinabi ko

     Biglang nagbago ang lamig dito sa rooftop, kung kanina malamig lang ngayon sobrang lamig na. Kaya lang I don't really  feel cold na para bang I am one with them, weird. Yung floor naging slippery bigla kaya medyo nadulas sila kahit sina Flora maliban nga lang sakin.

"Why on earth am I glowing?"-goodness nagpapanic na ako. Wahhh mommy?

"AHHHHH SOMEBODY HELP ME!"-sigaw ko then everything went white

FLORA'S POV

     Woah Ice is actually floating right now covered with cold light, mga 5 minutes na din siyang ganyan, yung ices kanina sa floor ay natunaw na kaya medyo basa basa ang sahig , andito na din yung ibang mga tsismosong students kahit yung ilang teachers.

"Do you think she's fine?"-nag aalala na si Maxx sa kanya, yahh she's so thoughtful talaga.

"Siguro. Tss kasalanan to ni pinky eh."-sabi ko, si pinky? Ayun namumutla at nanginginig hindi namin alam kung bakit.

"What is happening here?"-tanong ni Ms. Strongpower

"Sa tingin po namin she is currently receiving her magic"-sagot ko, well wala na akong ibang maisip eh.

"Pero bakit ang tagal naman ata? 'Di ba kanina pa siyang ganyan?"-tanong nung taga blue building, sabagay nung kami kasi we just glow for a while then ayun na may magic na kami.

"Yun nga din ang pinagtataka namin eh, at hindi namin alam kung okay pa ba sya."-mababakas mo sa boses ni Maxx ang pag aalala.

"How about Ms. Flower what happened to her?"-tanong ulit ni Ms. Strongpower napansin niya siguro si pinky.

"Hindi din po namin alam ma'am, halos sabay silang nagkaganyan ni Ice"-sagot ko

"Ma'am Brixx can I talk to you?"-seryosong sabi ng isa sa mga history teacher namin

"Will you excuse us for a minute."-ayun sabay silang umalis

     Gosh bakit ang tagal niya naman dyan? At bakit kailangan may pag lutang? *pout* samantalang yung samin nag glow lang kami eh.

"Look Flora nagbabago na ang buhok nya! And she's getting paler!"-Maxx exclaimed kaya napatingin din ako kay ice, she looks cold.

"It's about to finish"-seryosong sabi ni ma'am brixx

"Pano po si pinky?"-tanong nung alagad ni pinky, si fuchsia

"She'll be fine soon"-sabi ni Ms. Strongpower na para bang alam na niya ang nagyayari

"WAHH bumababa na si Ice!"-Maxx exclaimed.

"Chill max, pati ako kinakabahan sayo eh."-ayan na holy yeah she's paler.

"What happened?"-tanong agad ni Ice kaya lang bago pa kami makasagot nag collapse na naman siya.

ICE'S POV

     Pagmulat ko ng mata ko puro puti ang nakikita ko, teka ospital ba ito? Bakit nandito ako? Ang naaalala ko nasa rooftop kami tapos ayun 'di ko na alam.

"Okay ka na ba?"-tanong ni Flora, inabutan naman ako ni Maxx ng tubig

"Salamat. Oo okay na ako, sa tingin ko, ano bang nangyari?"-tanong ko agad medyo malabo kasi talaga sa akin ang mga nangyari eh.

"You just received your magic, and it seems like powerful ang magic mo."-sabi ni Maxx, totoo kaya? Baka naman hindi 'di ba?

"Mamaya maya pwede ka nang lumabas."

"Uhmm gaano ba ako katagal tulog?"-curious kasi ako

"Mga 2 days lang naman, abot ka pa sa freshmens party."-sabi ni Flora, anong party kaya yun? Para din ba yung acquaintance party? Pede kayang hindi na lang umattend? Hindi namn kasi ako mahilig sa party.

***

     Nasa room na ako at nagulat talaga ako sa itsura ko, ang putla putla ko tapos yung buhok ko is icy blue. Bagay namn sakin kaya lang ang cold kong tingnan.

"Uy dali may training tayo ngayon, pero dumaan ka muna kay Ms. Strongpower"-sabi ni Flora

"Sige kita nalang tayo sa gym. Ingat kayo ha"-sabi ko

     Nagbihis lang ako ng leggings tas white v-neck shirt with my old school na vanz then I'm off to go.

"Uhmm Miss pinatawag nyo daw po ako?"-magalang kong sabi after knocking.

"I wanted to discuss something to you Ms. Emperial. Tungkol sa magic mo"-alam na nya kung ano ang magic ko?

     Pinaupo nya muna ako sa upuang nasa harapan ng table niya. Grabe kinakabahan na ako sa maaaring sabihin niya.

"Ice magic ang meron ka. Delikado masyado gaya ng 4 main elements which is water, fire, wind and earth. Hindi namin alam kung paano ka nagkaroon ng ganyang magic, siguro dahil sa isa sa mga ancestors mo. Sa kuya mo ay Earth magic, sa parents mo ay both flower bloomer na related sa earth halata naman na hindi mo nakuha ang ice sa parents mo.

Kailangan mong pagbutihan ang pag control sa magic mo dahil isang maling gamit mo maaaring ma freeze ang buong academy kasama ang mga estudyante dito. Maaari ding makaapekto ang nararamdaman mo sa kapangyarihan mo kaya try to be calm and control your emotions. And one more thing 3 lang ang ice magic users sa academy na 'to. Si Raze Izers (ayzers), ang rank 3 ng acad. Second is Mr. Chace Izers father of Raze ang dating disciplinarian ng E.A. at syempre ikaw ang ikatlo. Yun lang kaya please be responsible, you may leave."-gosh ang haba masyado ng sinabi nya parang semi history na yun ah. I just gave her a slight bow then pumunta na ako sa gym.

~~GYM~~

"Anong sinabi ni ma'am?"-tanong agad ni Maxx pagkadating ko.

"Nothing much, tungkol lang sa dapat daw maging responsable ako dahil sa magic ko."-sabay tabi kay Flora na nakaupo sa isang bench.

"Saktong sakto ang pagdating mo, bago palang magsisimula ang training. So alam mo na ba ang magic mo?"-tanong naman ni Flora.

"Yeahh sabi ni Miss Brixx I posses the Ice magic, pero pwede ba atin atin muna yun?"-I used my pleading voice there, ayoko kasing ma issue

"*tap my shoulder* sige. Pero you know what your power is kind of strong. And it is strong."-amused na amuse si Flora, and she is just so cute.

"Please kindly go on a straight line para maigrupo na namin kayo."-sabi ng isang trainer namin na mukhang nasa late 20's na

     Habang napunta kami sa line eh nagtitiliian yung ibang babae habang nakatingin sa unahan kung saan may nakaupong apat na lalaki. Deep blue, Fierce Red, Dirty Brown and Greyish White ang kulay ng mga buhok nila. Teka kuya ko yun ah! Yung dirty brown ang kulay ng buhok.

"Sila ang The Elementalist ang rank 1 sa academy, binansagan sila bilang THE ELEMENTALIST dahil sila ang the water, fire, earth , and wind princes ng academy."

The Lost Ice Princess❄ of Elementia Academy👑Where stories live. Discover now