Chapter 34

3.8K 139 4
                                    

"Bakit ba ang tagal mong magbihis tapos yan lang pala ang suot mo? Akala ko naman nag gown ka pa eh magtatanghalian lang naman tayo! Tara na nga!"-Crimson said at hindi naman siya sobrang sarcastic 'no!

Nauna nang lumabas si Crimson ng pintuan at saka niya naman nakasalubong ang ice fairy ko kaya ayun nagulat siya. Hmm ngayon niya nga lang pala nakita yun, so he trained his gaze on it hanggang sa tumigil iyon sa harap ko at may ibinulong sakin before it entered my body once again.

"What the hell is that thing?"-Crimson said, grabe para namang diring diri siya sa magic ko? Tusukin ko mata niya eh.

"My core. Tara na, hinihintay na ako nina Flora. Sabay akong maglalunch sa kanila"-I said mostly to my Kuya Blue who said nothing about my fairy na kamukha niya.

"Oh, okay. Say hi to them for me"-Kuya Blue said, naku naman napakapa-fall naman nito. Hahaha baka matuwa lang ng sobra yung dalawang yun, so it's a NO! Mamaya kung ano na naman ang ipagawa sakin ng mga yun, I can't risk myself hahaha.

"Ano na tara na gutom na ako!"-sabi ni Crimson na sobrang kunot ng noo, meron ba talaga siya ngayon?

"Tara na hahaha baka magalit na yang si Crimson"-Wave said in a nice but teasing way hahaha cutie talaga nito eh.

Pagdating namin sa Cafeteria agad akong humiwalay kina Wave at nilapitan ang mga kaibigan ko na ngayon ay may malalaking ngiti sa labi kahit na medyo pawisan sila.

"San ba kayo galing at pawis na pawis kayo?"-tanong ko agad sa kanila, para kasi silang tumakbo sa marathon sa lagay nila ngayon. Being a good friend that I am, I cool their body para naman marelax sila kahit konti.

"Ahhh grabe ang sarap sa pakiramdam. Thanks Ingrid"-Flora said softly, so I just smiled at her.

"Katatapos lang kasi ng training namin sa Gym. Buti ka pa chill lang"-Maxx sounded envious a little but I shrug it off.

"Don't worry after a week parehas na din tayo ng mararamdaman. Kayo physically at ako naman mentally"-I said to them, well sana naman it made them feel na wala akong kaibahan sa kanila, I hope it made them feel at ease.

"Tara upo na tayo at kumain"-Flora said now with energy.

"Good idea!"-Maxx said and followed Flora while dragging me with her.

Tuwang tuwa sila ngayon dahil masarap ang ulam, hahaha parang hindi sila pagod sa way ng pagkain nila. Poise na poise bawat pagsubo ng grilled chicken ang dalawang gaga, at kapag naguusap sila parang mayaman na mga hari at reyna ang peg nila.

"Hmmm this meat is really teysty rayt madaym?"-Flora asked Maxx while shoving her fork inside her mouth.

"You are rayt, I might say indeed!"-Maxx said with as much poise in her words, grabe nakakatakot pala silang gutumin.

"Hahaha kumain na nga kayo. After lunch anong class niyo?"-I ask them, baka 'di ko na kayanin ang conversation nila kapag hindi pa ako sumingit sa kanila. Kani kanina lang napagusapan na nila ang tungkol sa mga kaharian, tas mga iba't ibang mga bulaklak tas ngayon naman ay pagkain.

"Wala na kaming klase after lunch, magpapahinga sana kami and we might nap a little since 3 pa ulit ang class na kasunod nun"-Maxx said while
dabbing a tissue on her lips.

"Pero teka nga Ice, is that make up that you are wearing?"-Flora said while scrutinizing my face

"Uhmm yeah, I put on a little. Nakita ko kasi na sobrang putla ko na pala so I put on a little"-I tried to explain, kung hindi ko ginawa yun they might thought of something inappropriate.

"Sure kang hindi yan para kay papa Wave? Kasi as I can see he keeps on looking this way"-Flora is clearly teasing me, ayan na nga ba ang sinasabi ko eh kaya nga ako nagexplain para hindi sila mag isip ng kung ano ano. Pero teka nga ano raw? Wave keeps on looking here? Baka naman hindi sakin, napaka assuming naman kasi ng mga bruha kong friend kaya pati ako nadadamay.

The Lost Ice Princess❄ of Elementia Academy👑Where stories live. Discover now