Chapter 5

7.3K 250 2
                                    

~~CAFETERIA~~

"Di mo manlang sinabi na kapatid mo pala si Blake! Bakit nga pala Blue tawag mo dun?"-chinika na agad ako nung dalawa pagkadating namin sa pwesto namin

"Hindi niyo naman tinanong eh *shrug my shoulders*. Tsaka Blue para sa Blake LaxUs Emperial."-sabay subo ng kanin, nagutom ako sa training namin eh, kapagod. In-emphasis ko talaga yung mga initials

"Here. Eat it."-tamo yun ang cold talaga ni kuya pag madaming tao. Bigla bigla nalang kasing lumapit at nilapag sa table ko yung ice cream, tapos ayun umalis na ulit.

"Whiee ice cream, gusto nyo guys?"-inalok ko sina Flora bawal daw kasing maging madamot sabi ni mommy

"No thanks, para kang bata. Baliktad ka din eh, kung anong ikinalamig ng magic mo eh sya naman sobrang warm ng personality mo"-may point naman si Maxx, ang talino talaga ng babaeng 'to.

     I just shrugged my shoulder sabay kain ng ice cream ko. Kelan ko kaya mapag aaralan ang pag gamit ng magic ko? I can't wait.

***

     Tambay lang kami dito sa dorm nina Maxx, sila nilalaro yung magic nila. Ang cute nga eh, hays kelan ko kaya magagawa yan? Gusto ko ng butterfly na made out of snow

"Uhmm ice? Your hands are glowing! Are you even aware of it?"-nag snap out naman ako sa daydreaming ko sa sinabi ni Maxx

"Wahh ang galing ang daming butterfly!"-excited na sabi ni Flora

"Teka iniimagine ko lang yan kanina eh! Ang galing naman"-I know I'm smiling from ear to ear, gosh nakakagulat naman.

"Ang galing Maxx gawa din tayo ng butterfly!"-they nod in unison at ayun butterflies were made.

     Napuno ng butterfly ang room namin ang ganda! I wish I have my camera with me. We decorated our room using those butterflies, dinikit namin sa wall tas ayun na.

"Ang ganda. Ang galing naman. Inimagine mo lang nag form na agad? Fast learner ka ha."-parang ganun na nga. Gaya ng sabi ni flora fast learner nga ata ako

"Pero alalay lang pag gamit ng magic ha, baka maubos energy mo."-seryoso si Maxx dun kaya siguradong 'di maganda ang mangyayari kapag naubos nga ang energy ko.

"Gusto nyong maglakad lakad muna? Tutal hindi naman masyadong mainit?"-tumango lang kami sa suggestion ni Maxx

     Nagbihis ako into jeans and shirt tas vanz shoes, pinuyod ko nalang yung hanggang bewang kong buhok. Nakakapanibago na icy blue ang kulay ng buhok ko, nasanay na din kasi ako sa blonde color nito eh pero I have to be use to this na din.

"Tara na?"-sabi ni Flora na naka white shirt at maong palda na above na knees tas flat shoes lang, lugay lang yung baby green na buhok nya

"Tara!"-si Maxx namn nakapants din pero gray ung shirt nya at naka rubber shoes sya tas hair band lang ung purple hair nya

***
     Nasa park kami ngayon kumakain ng burger na libre pa ni Flora. Ang ganda ng panahon ngayon hindi masyadong mainit, kumbaga presko lang. Naupo muna kami sa bench na malapit lang sa angel fountain. Ang ganda niya ha, mukhang peaceful and calming.

"Dito na ba kayo simula nung bata pa kayo?"-tanong ko sa knila, wala lang curious lang ako naisip ko kasi na wala pa pala akong masyadong alam about them

"Hindi 'no, nung naghigh school kami saka lang kami nagpunta dito, pero bata palang kami alam na namin na 'di kami normal!"-flora

"Magkaibigan na kami simula nung baby palang kami. Dinadye lang namin buhok namin before para 'di masyadong weird ang kulay diba?"-pagtutuloy ni Maxx sa history nila

"Tell us about your life naman Ice, ang alam lang namin sayo ay kapatid mo si Blake at taga mortal world ka!"-sabi ni Flora  using her duh tone, hahaha  ang cute talaga ng babaeng 'to.

"Uhmm wala akong matandaan sa childhood ko ang naaalala ko lang ay simula 12 years old ako hanggang ngayon, sabi nila mommy na aksidente ako before. Nung high school ako wala ako masyadong friends kasi tahimik lang ako at always blunt. So yeah medyo boring talaga ang buhay ko."-sabi ko na para bang casual lang yung mga pinagsasabi ko

"You mean never kang nag karoon ng friends?"-umiling lang ako sa tanong ni Flora

"So we should be honored Flora kasi tayo palang ang nagiging kaibigan nya!"-hahahaha ang cute nila parehas habang nakangiti sila

"Hey ikaw si Ice right? Yung sister ni Blue!"-teka si Ashton 'to 'di ba? Bigla biglang sumusulpot ano feeling niya kabute sya?

"Uh yeah, salamat nga pala sa panyo mo kanina ha!"-tumayo ako at nag bow ng konti, naging habit ko na din kasi yun everytime na nagsabi ako ng thank you o kaya ng sorry

"Wala yun, oh hey Flora, mas lalo kang gumaganda ha!"-pangbobola nya kay Flora who seems unaffected.

"Huy abo tigilan mo ako sa mga banat mo. Alam mo namang hindi ako tatablan nan."-mataray na sabi ni Flora

"Kasi nga bulok na yan parang ikaw"-sabay kaming napatawa ni Maxx sa sinabi pa ni Flora

"*pout* ang bad mo talaga sakin."-aba umaarte din pala itong si Ashton, meron pala siyang childish side

"Huy Ashton ginugulo mo na namn sila Flora, hi Ice"-biglang dating ni wave

"Hi wave, kasama nyo ba si kuya?"-tanong ko, malay nyo 'di ba?

     Unti unti namng dumadami ang mga tao sa pwesto namin na nakiki usyoso dahil na din siguro sa dalawang prince na nasa harapan lang ng bench namin.

"I think we better leave already, baka may umaway na naman sa inyo eh lagot kami nito kay Blake  pag nagkataon."-sabi ni Ashton  nang mapansin niya ang mga babeng nagkukumpulan

"Oo nga, una na kami ha, bye girls!"-sabi ni Wave while waving. Teka naguluhan ako dun ah *kamot sa batok*

     Tama sila pinagbubulung bulongan na naman nila kami, gosh I don't want to feel upset kasi madadamay ang temperature dito. Nabasa ko yun sa isa sa mga libro kanina eh na nakaka apekto ang nararamdaman ko sa magiging temperatura dito kaya iniiwasan ko talagang ma upset. Pero sa situation namin ngayon 'di ko mapigilan, wahhh help it's getting colder na I can feel it.

"You better stop what you're doing Ms. Emperial kung ayaw mong ma-freeze lahat ng tao dito!"-cold na sabi ng isang lalaki na icy blue din ang color ng hair pero ang mata nya ay intense blue.

     Wait who is he? Don't tell me siya si Raze Izers, ang rank 3 ng buong academy?

The Lost Ice Princess❄ of Elementia Academy👑Tahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon