Chapter 10

6.2K 220 4
                                    

     Nandito kami ngayon sa park near sa fountain waiting for our classmates that we contacted last night.

"Late na sila ha, are they trying to make us wait?"-iritableng sabi ni Maxx, wala pa kasing kain ng breakfast yan eh as far as I remember masama ding ginugutom ang babaeng yan.

"Chill lang Maxx, 3 minutes palang naman silang late, they're probably on their way here"-pagpapakalma ko kay Maxx tapos nginitian ko narin para naman maging positive ang vibes dito.

"Chill? Tss how can you say that eh 30 minutes early tayong maagap?"-hays mukhang high blood na din si Flora, she keeps on tapping her left foot on the ground.

"Baka naman nakapag prepare sila ng sobra to impress you guys?"-I answered her quite unsure and chuckled a little to lighten up their mood.

     After a while dumating nadin ang tatlo naming kaklaseng lalaki na mukhang nagmamadali, tss they probably realize na late na sila kung nalate pa sila ng konti baka pati ako asar na din by now.

"Sorry girls we're late, hindi kasi agad kami pinaalis sa dorm namin eh"-naka kamot sa ulo na sabi ni Nero a wind user.

"May nahuli kasing nag uwi ng babae sa dorm so nag inspection pa sila"-parang nahihiyang sabi naman ni Aldus na water user na mamula mula pa ang tenga, cute.

"We have no excuses but please don't be mad"-parang nahihiya din na bigkas naman ni Owen na fire user, awww aren't they cute?

"It's fine guys, besides kami ang umabala sa inyo early this morning. We heard kasi na wala pa din kayong date later so we were hoping na pumayag kayong kami nalang ang date niyo?"-Si Maxx na ang nagsabi ng pakay namin, teka parang kanina lang pikon yan ah napaka moody din talaga ng isang yan eh no wonder we're friends.

"Aldus and Maxx, Owen and Ice, then Nero and me. Is the set up okay with you guys? We can reshuffle if you don't like it."-Flora asked them sweetly, damn she's using her charms on them tss tss tss this woman really know how to work on her charm.

"Uhmm don't worry we won't limit you guys on what you want to do at the party. Kailangan lang talaga namin ng date"-I asked them shyly, sure din ako na nagiinit na ang mukha ko.

"Dapat ay tatanungin na din namin kayo nung isang araw kaya lang akala namin meron na kayong date"-Si Owen na ang unang nagsalita

"Yes, masyado naman na kaming choosy kung tatanggi pa kami right?"-medyo tumatawang sagot ni Nero.

"At isa pa, I can't say no to this lady who is in front of me"-Owen said in a low voice, at ako lang naman yung nasa harap niya, hmmm akala ko ba may girlfriend ang mga yan bakit parang napaka mabulaklak naman ata ng words nila.

     Napatawa nalang kami dun, well I think madali lang naman kaming magkakasundo sundo. Sabay sabay na kaming nagbreakfast sa park since andun nadin naman kami. Lunch and Dinner lang naman required na magsama sama ang lahat sa pagkain dun sa cafeteria.

     We were in the middle of laughing nung dumating si Kuya with company, he doesn't look pleased sa mga kasama ko.

"Hey Ice, Maxx, Flora and friends!"-pagbati samin ni Ashton then she wink at me and Flora, okay that was weird hahaha.

"What are you doing here Ice? At sino yang mga kasama mo?"-tanong ni Kuya with matching kunot noo pa, gosh he's scaring this men.

"Kuya stop it, you're scaring them. Sila yung date namin sa Freshmens party mamaya, at kumakain lang kami ng breakfast"-natatawang sabi ko kay kuya.

"Oh sorry hahaha, hi guys I'm Blake kuya ni Ice, ayusin niyo ha!"-pabirong sabi ni kuya but I think alam naman nila Owen na seryoso si Kuya.

"Do they really need a date?"-annoyed na tanong ni Crimson kay Ashton, what's his problem early in the morning?

"Yup, I heard required yun"-Si Wave na ang sumagot since busy si Ashton na magpacute kay Flora na mukha naiirita lang lalo sa mukha ni Ashton.

"Don't worry Blake, we bring no harm to Ice and her friends. And besides we already have girlfriends kaya lang nasa higher level, ahead ng isang year"-napakamot nalang sa ulo si Nero, kanina pa yan kamot ng kamot ah may kuto ba siya?

"Salamat sa oras niyo Flora, Maxx, Ice. Una na kami may date pa kami ngayon eh?"-pakamot kamot na sabi ni Nero, wala naman siyang kuto diba?

"We will just pick you up later, bye"-they nod at my brother then wave a little on us.

"Who told you to wear that kapag lalabas ka? Diba ang bilin ko sayo magpanjama ka lagi o kaya pants. Bakit naka short ka?"-iritang tanong sakin ni Kuya, aba teka lang para namang sobrang iksi ng short ko? Eh mas mahaba pa nga ito sa skirt ng school eh. I internally rolled my eyes at him.

"Kuya naman, para san pa at nagdala ako ng short? Isa pa mahaba naman 'to eh, in fact mas mahaba siya sa skirt ng school!"-proud na sabi ko sa kuya ko.

"Girl wag ka ng makipagtalo sa kuya mo, kahit kami ni Maxx nadidistract sa legs mo ha! Tss pano pa kaya yung mga lalaki dito?"-makahulugang sabi ni Flora na hindi ko naman maintindihan habang nakangisi na para bang may inaasar somewhere.

    Bigla namang nasamid si Crimson, ay may nakaalala sa kanya? Buti naman may nakakaalala pa sa kanya sa kabila ng samang ugali niya.

"Lalaki ako Cathalina at alam ko kung pano tumingin ang kapwa ko. I don't want you to wear that short again, wala akong pakialam kung itapon mo yan or susunugin ko yan!"-napapout nalang ako sa sinabi ni kuya, grabe ngayong medyo may bond na kami sobrang protective at strict na niya sakin as in sobra baka sa susunod ipasok na niya ako sa kumbento sa sobrang conservative niya?

"Ashton stop looking at my sister, isa ka pa Crimson! We're leaving Cathalina"-galit si Kuya, Cathalina na tawag sakin eh. Bakit ba siya nagagalit sakin? Haynako kuya napakalabo niya talaga minsan, maybe he should stop tagging along with Crimson nahahawaan ng ugali niya eh.

"Grabe ang sweet talaga ng kuya mo hahaha pano pa kaya kung naging jowa ko yan?"-tatawa tawang sabi ni Maxx hahaha hindi nga lang pala isa ang crush ni Maxx sa seniors, pati nga pala si kuya ko bet niya.

"Si Wave pasulyap sulyap din sa face mo friend grabe ang haba talaga ng hair mong bruha ka hahaha!"-pang aasar sakin ni Flora, tss palibhasa they know na crush ko si Wave kaya ganyan kung mang asar, mga paasa.

"Pero teka lang ha, ang weird ni Crimson ngayon eh. Kunot na kunot ang noo girl na parang sobrang sama ng loob. Ano na naman kaya ang problema nung Fire prince na yun hahaha!"-Sabi ni Maxx na kumakain parin hanggang ngayon, ewan dun baka pinaglihi ng mama niya sa sama ng loob.

"Baka PMS lang, alam mo naman hahaha!"-grabe ang saya palang pagkaisahan ang lalaking yun. Tss moody ang isang yun, he's weird too.

"Tara na nga sa dorm, abalahin muna natin ang preparation para mamaya, saka na natin ibackstab ang kuya ni Ingrid and friends hahaha"-parang baliw na sabi ni Flora, wait baliw pala talaga siya hahaha.

"Hmm nasasanay na ako sa Ingrid natin ha hahaha!"-Well may point naman si Maxx, kahit ako nasasanay nadin akong Ingrid and tawag nila sakin, though tunog sinauna maganda naman yung nagdadala hahaha gosh ang dami ko ng natutunan from my crazy dorm mates.

     We happily made our way pabalik sa dorm namin, para kaming mga bata na pasway sway pa ang magkakahawak na mga kamay namin. Hmmm I like this friendship that I found, I hope it last longer, longer than I expected.

The Lost Ice Princess❄ of Elementia Academy👑Tahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon