Chapter 2:

440 3 2
                                    

RATED SPG!

RATED SPG!

Oops! This image does not follow our content guidelines. To continue publishing, please remove it or upload a different image.

CLARA

"Any clarification about our topic today? If none, class dismissed." Sabay kaming tumayo nang magdismiss ang ikalawa naming professor.

Lumabas na ako para magtungo ng cafeteria para kumain. Ang dali kong magutom eh. Hindi naman kasi ako kumain ng maayos kanina sa dorm dahil sa sobrang excited ko. Mukhang okay naman ang mga classmate.

Habang naglalakad ako, napadaan ako sa mga taong nagkukumpulan sa ground ng campus at parang may nangyayari.

Ayaw ko sanang makialam pa pero nadala na ako ng curiosity ko kaya lumapit na ako para tignan ang nangyayari.

"Simon, huwag mo akong iwan. Mahal na mahal kita. Binigay ko naman sayo lahat." Nakita ko ang isang babae na umiiyak sa harap ng lalaki na nagngangalang Simon na nambastos sakin kahapon at kanina.

"Enough Agatha. Wala akong ibang intention sayo, kundi yang butas mo lang." Matawa-tawang sabi ni Simon.

Hindi ko lubos maintindihan ang sinabi niya pero biglang nagtawanan ang mga estudyante.

"Woahh!"

"Butas lang ang habol sayo girl."

"Poor Agatha."

Bulungan nila. Yung iba ay nagpalakpakan pa dahil sa sinabi ng Simon na iyan. Hindi ko maintindihan.

"No, alam ko. Minahal mo rin ako. Alam ko ramdam ko yun sa bawat pagpasok mo sakin. Alam ko naguguluhan ka lang ngayon. Marerealize mo rin na mahal mo ako." Kunot noo kong tinignan ang babae na base sa narinig ko ay Agatha ang pangalan.

Pagpasok? Hindi ko ma-gets. Anong sinasabi niya. Bakit ako lang ata ang hindi nakakaintindi sa mga sinasabi nila. Yung ibang estudyante ay tumatango at tumatawa pa.

"Listen Agatha, you know I'm not into this. Hindi ako nakikipaggirlfriend. Just a one night stand."

"Please Simon. I need you. Mamatay ako kapag wala ka." Niyakap ni Agatha si Simon pero tinulak siya nito kaya napaupo siya sa lupa.

"Then die." Huling sinabi ni Simon at tinalikuran ang babae. Nagbigay daan ang mga estudyante para padaanin siya habang nagtatawanan at nandidiring tinignan si Agatha na nagsisimula ng tumulo ang luha sa hiya.

"Simon please!" Pagmamakaawa niya at pero hindi na siya nilingon pa ni Simon.

"Ang assuming kasi. Kaya ayan."

"Sex toy ka lang niya. Laruan!"

"Kawawang desperada."

Marami pa ang naririnig kong bulungan. Grabe sila. Napahiya na nga ang tao ay mas lalo pa nilang pinapahiya.

Addicted: The Prank to Don Juan (Series#1)Where stories live. Discover now