Chapter 6

347 3 1
                                    

RATED SPG!

CLARA

"Ready ka na Clara?" Tanong sakin ni Agatha at inilagay sa harap ko ang cellphone ko na may number ni Simon sa Dial.

This is it. Ipa-prank call na namin si Simon para makaganti sa kanya. Nagdadalawang isip rin naman ako na gawin ito dahil wala namang kasiguraduhan na magtatagumpay kami na maloko siya.

Ito ang plano, sa pamamagitan ng number ko ay tatawagan namin si Simon at aayain ko siya na makipagkita sa akin para makipagsex. Sinabi na sa akin ni Agatha ang iba pang gagawin para maging matagumpay ang plano namin. Kapag nakumbinse namin siya ay pupunta kami sa lugar na pinag-usapan pero hindi kami magpapakita sa kanya. Titignan lang namin kung maghihintay ba talaga siya at pagkatapos ng isang oras na paghihintay ay dun pa lang namin siya itetext na Prank lang ang lahat.

Hindi naman talaga ako sang-ayon sa plano ni Agatha dahil nakataya dito ang dignidad ko pero dahil gusto naming gumanti sa kanya nang hindi niya nalalaman ay gagawin ko ito.

"Paano kung malaman niya na ako ito?" May takot sa boses ko. Hindi basta-basta ang gagawin namin. May sugat pa ang labi ko baka pumalpak ako.

Pinagpractice-san pa namin ang sasabihin ko dahil wala naman akong alam sa ganito.

"Clara, napag-usapan na natin ito. Hindi niya malalaman na ikaw ito. Promise."

Tumango ako sa sinabi ni Agatha.

"Sige, tawagan na natin siya." May excitement sa boses niya. Gustong-gusto niya talagang magantihan ang lalaking yun, parehas lang kami. Sana kapag natapos ito ay maging okay na ang lahat.

"Oo na." Huminga muna ako ng malalim at kinuha ang cellphone. Dinial ang number ni Simon.

SIMON

"Pars, nagriring ang cellphone mo." Tawag sakin ni Peter na nasa sala. Nanonood ng TV.

Nasa kwarto ko naman si Fritz. Hindi ko alam ang ginagawa. Dito sila laging tumatambay sa condo unit ko kapag wala silang magawa. Sa totoo lang, nagsasawa na ako sa pagmumukha nila.

"Sino kaya iyan?" Lumabas bigla si Fritz para umusisa.

"Malay ko ba." Ani Peter at binaling na ang tingin sa pinapanood niyang Korean.

Mahilig si Peter sa mga Kpop kaya minsan napapagsabihan na para siyang bakla. Ewan ko ba sa kanya kung bakit siya nahilig sa ganyan.

Inabot ko na ang cellphone ko. Unknown number ang tumatawag. Hindi rin pamilyar ang last three digits.

Sino kaya ito?

Sinagot ko ang tawag at nilagay sa tenga. Binatukan ko si Fritz nang bigla ring itinapat ang tenga niya. Napakatsismoso!

"Makikinig lang naman eh." Pagnguso niya at bumalik na sa kwarto ko na parang kwarto niya na rin dahil palagi siyang nandoon.

"Hello?" Salita ko sa cellphone.

Matagal bago nagsalita ang kabilang linya.

"Simon?" Napataas ang kilay ko dahil kilala ako ng caller.

"Who's this?" Tanong ko. Hindi pamilyar ang boses.

Siguro isa lang ito sa mga girls na patay-patay sakin.

"Simon, I want you." May panunukso sa boses niya at tila naghahabol ng hininga. I knew it.

"Hmm?" Tumayo ako at lumayo sa lalaking kasama ko na busy sa panonood ng TV.

Addicted: The Prank to Don Juan (Series#1)Where stories live. Discover now