Chapter 11

343 4 0
                                    

RATED SPG!

CLARA

Nagising ako nang may kakaiba akong nararamdaman sa mukha ko. Pagmulat ko ng mata ay isang bakla agad ang nakita ko.

"Teka anong ginagawa mo?" Itinulak ko siya ng mahina sa pagkabigla.

Andito pala ako sa isang parlor dahil sa malaking salamin na nasa harap ko.

"Girl, wag ka namang manulak. Pinapaganda lang naman kita." Sabi niya.

Doon ko lang napansin ang malaking pinagkaiba ng mukha ko pagtingin ko sa salamin na nasa harap ko. Halos lumuwa ang mata ko. Para akong muling pinanganak dahil sa kaibahan ng itsura ko ngayon. Hindi ko na makilala ang sarili ko.

Anong nangyari?

Yung dating may kabuhaghagan na buhok ko biglang bumagsak at naging straight na, ang makapal kong kilay biglang naging manipis at ang lips ko, bakit ganito naging mapula na. Nawala na rin ang kunting tigyawat sa mukha ko.

"Oh diba. Halos hindi mo makilala ang sarili mo girl, ang ganda mo ngayon. Thanks to me." Masayang sabi ng bakla at itinuloy ang pagbrubrush sa mukha ko ng make-up.

Tama siya. Ang ganda ko na nga ngayon. Ibang-iba na talaga pero hindi ako sanay sa ganitong itsura.

"Anong ginagawa ko dito? Bakit mo ginawa to?" Taka kong tanong sa kanya.

Huli kong naalala ay dumating si Simon sa locker room tapos pinakita niya ang cellphone ko hanggang sa may dumating na dalawang lalaki at tinakpan ako ng panyo sa bibig at nawalan ako ng malay. Bukod dun ay wala na akong maalala.

"Para gumanda ka girl. Ayaw mo ba?" Pagkasabi niya nun ay tumayo na agad ako. Kailangan ko ng umalis. Kailangan kong makatakas kay Simon.

"Saan ka pupunta girl?" Pagtawag ng bakla sakin pero hindi ko pinansin.

Papalabas na ako ng pintuan ng malaking parlor nang biglang may dalawang lalaki na humarang sa pinto.

"Di ka pwedeng umalis." Matigas nitong sabi na nagpalambot sa tuhod ko.

"Sino kayo? Bakit ayaw niyo akong paalisin." Nagpumilit ako na makalabas pero malalakas talaga sila kahit kaedad ko lang sila.

"Dahil yun ang bilin sa amin ni King Simon." Sagot nung isa na nagpatigil sa akin sa pagsusuntok sa nakaharang nilang kamay.

King Simon?

"Si Simon?" Nakaawang kong sabi.

Ibig sabihin, pinapabantayan niya ako sa dalawang ito. At siya ang may pakana nito, ang pagmamake-over sa akin. Hindi ko maisip kung bakit niya ito ginawa.

Alam kong alam na niya na ako ang prank caller niya. Ito ba ang ganti niya sa panloloko ko sa kanya? Ang kidnappin ako at dalhin dito?

Anong mapapala niya sa pagpapaganda sa akin. Ano kaya ang plano niya. Sigurado akong hindi iyon maganda kaya kinakabahan ako. Kinakabahan ako para sa sarili ko.

Una pa lang talaga alam kong mabubuking din niya ang prank pero ang ipinagtataka ko lang ay kung bakit ang bilis niyang malaman na ako yun at paano niya nakuha ang cellphone ko.

Walang ibang nakakaalam ng number ko dito sa Helix maliban kay Agatha na kasabwat ko sa ginawa naming paghihiganti kay Simon.

Siya lang din ang kasama ko sa dorm bago nawala ang cellphone ko.

Di kaya... siya ang nagsabi kay Simon?

Napailing ako sa iniisip ko. Imposible! Hindi niya magagawa yun dahil magkaibigan kami at pinangako niya sakin na walang makakaalam nito. Isa pa, kasabwat ko siya at siya ang nag-isip ng ideyang ito kaya hindi maaari ang iniisip ko.

Addicted: The Prank to Don Juan (Series#1)Tahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon