Chapter 17

152 2 1
                                    

CLARA

Pagdating ko ng dorm ko ay kaagad akong nagbihis at napahiga dahil sa rami ng nangyari sa araw na ito. Hindi mawala sa utak ko 'yung ginawang pagkiss sa'kin ni Simon.

Ewan ko ba kung bakit niya iyon nagawa. Tinignan ko ang itsura ko sa nakadisplay na salamin. Hindi naman ako iyong tipo na sobrang ganda, ayos lang ang itsura ko. Pero bakit ako ang napili ni Simon?

Simula talaga nang makilala ko si Simon ay di na tumahimik ang mundo. Nakakainis. Paano ako magfofocus sa pag-aaral ko kung andyan siya at ginawa pa akong Sex Slave. Wala naman akong kaalam-alam diyan. Paano na lamang kung saktan niya ako. Paano kung may gawin siya sa'kin na sobra na?

Pero ang talagang tanong dito ay kung kaya ko ba talagang gawin ang gusto niyang mangyari? Ang maging sex slave niya.

Kahit ganito naman ako ay alam ko pa rin ang ginagawa ng Sex Slave. From the definitions of Sex and Slave. Hindi naman ako bobo para hindi iyon maintindihan.

Ang akin lang ay wala akong kaide-ideyang gagawin. Hindi pa ako nakanood ng kahit anong sex videos dahil wala naman akong balak. Ang sagwa siguro tingnan. Di ko maimagine.

Tanging napapanood ko lang ay yung mga bed scene sa television na kadalasan ay kiss lang naman ang pinapakita. Higit pa do'n ay wala na akong alam.

Teka nga lang, bakit ba ako nag-aalala kung wala akong alam? Nakakainis naman ito!

Hindi naman lahat ito mangyayari sa'kin kung hindi dahil kay Agatha. Nalungkot ako bigla.

Ngayon siguro masaya na siya dahil boyfriend niya na si Simon. Una pa lang naman 'yun talaga ang gusto niya, nadala lang siguro siya sa galit kaya niya iyon naisip na gawin. Katulad ko rin naman siya, nagpadala rin ako sa galit. Kaya heto ako ngayon, sobrang laki ng pagsisisi.

Nadako ang tingin ko sa cellphone na binigay ni Simon. Nakabox pa nga ito. Siguro ito rin yung kabayaran niya sa pagbali ng cellphone ko. Palibhasa'y mayaman kaya ang bilis makabili ng bago.

Binuksan ko ito at namangha nga. Kasi ang laki neto hindi parehas sa cellphone ko dati.

Bigla akong may naisip na gawin para mailayo ang sarili ko sa kapahamakan dahil sa Simon na 'yun.

Malapit ng matapos ang sinusulat ko nang biglang mag-ring ang phone.

Sinong tumatawag? Walang iba kundi ang manyak na si Simon. Kahit unregistered ang numero ay alam ko na agad na siya 'yun. Wala namang iba.

"Come here." Utos niya na obligado kong susundin. Kaso nagdadalawang isip ako dahil gabi na. Atsaka klase pa bukas baka malate pa ako.

"Sorry Simon, pwedeng next time na lang tayo magkita? Patulog na kasi ako." Dahilan ko. Totoo naman 'yung sinabi ko.

"Tinatanggihan mo ba ako?"

Ay tanga nga! Nasabi ko sa sarili ko dahil sa tanong niya.

"Sinong tanga?" Nagitla ako dahil nasabi ko pala ang mga salitang iyon.

"Wala." Napairap ako.

Bakit ba ang ganda parin ng pakikitungo ko sa kanya kahit ang sama na ng ginagawa niya sa'kin. Naiinis na rin ako minsan sa kabaitan ko eh.

"Bilis na." Aniya at pinatay na ang tawag.

Wala akong choice kundi tumayo kahit sobrang ayaw ko. Isang mali ko lang baka malaman ko na lang na hindi na ako estudyante sa Helix.

Napairap ako!

Mabilis akong nakarating sa bahay nila Simon. Hindi ko alam kung bahay ba nila ito o ano. Bahala na!

Addicted: The Prank to Don Juan (Series#1)Where stories live. Discover now