Chapter 20

208 3 3
                                    


AGATHA

Pangalawang araw na and hindi pa din nagpaparamdam sa akin si Simon. Namimiss ko na siya. Ang yakap niya, ang halik niya, ang kant... ugh! Ano ba kasing ginagawa niya. Girlfriend niya ako kaya dapat may time siya sa akin. Baka may iba ng lumalandi sa kanya.

Kaya naisip ko na abangan siya sa gate ng school. Maaga akong dumating dito kaya sigurado akong makikita ko siya sakaling pumasok siya. Alam ko naman na papasok 'yun dahil may class siya ngayong umaga.

Magti-thirty minutes na wala pa rin siya. Hindi ko naman macontact nung tinawagan ko. Pupuntahan ko sana siya sa kanila kaso hindi ko naman alam kung nasaan ang bahay nila.

Simon naman kasi. Sinasadya niya bang ayaw magpakita sa akin para mamiss ko siya? Urgh. Ang sweet naman kung ganun. Well, tagumpay siya dahil isang oras lang na hindi ko siya makita ay namimiss ko na agad. Paano pa kaya yung dalawang araw na hindi ko siya makita? Tigang na tigang na ako. Sa totoo lang.

Nagring na ang bell so ibig sabihin 8 AM na at may klase na ako. Ano na lang gagawin ko? Bakit kasi ang tagal ni Simon. Nakakainis naman.

Wala akong choice kundi ang matamlay na naglakad papunta ng classroom ko.

Mamayang lunch ko na lang siya hahanapin. Hindi na ako papayag na hindi siya makita mamaya. Lilibutin ko ang buong Helix University makita lang ang pinakamamahal kong boyfriend. Hindi ko hahayaan na may dumikit sa kanyang babae. Magkamatayan na!

Hindi ako makafocus sa klase dahil na kay Simon ang isip ko. Minsan pa nga akong tinawag para tanungin kung nakikinig ba ako at diretsahan kong sinabi na hindi. Napagalitan tuloy ako ng matandang proof na iyon. Wala naman akong pakialam.

Ang importante ngayon ay makita ko si Simon. Hindi ko na kaya. Miss na miss ko na siya.

Kaya pagtapos ng tatlong klase at saktong lunch naman ay hinanap ko kaagad siya.

Hinanap ko din siya sa iba't ibang building dahil hindi ko siya makita sa building nila. Hindi ko rin naman makita ang mga kaibigan niya.

Napadaan ako sa mga babaeng nag-uusap. Lahat sila nakatingin sa akim na parang iniinsulto nila ako. Mga insecure ang mga gaga. Ang papanget kasi. Ang kakapal pa ng foundation.

"Look who's here girls." Simula ng isa at dahan-dahan silang lumapit sa akin.

Bale lima sila at lahat sila mukhang espasol sa kapal ng make-up.

Inirapan ko sila at nginitian.

"Yes? What is up to all of you?" Pagtataray ko. Hindi naman ako papatalo kung tarayan lang ang labanan.

"Why so sungit girl? Hahaha. We just want to ask you kung kumusta kayo ni Simon?" Tanong nung isa.

"Kinakantot ka pa rin ba niya? Oops. Didn't mean it. Hahaha!" Pagtawa naman nung isa.

"Ano ba kayo girls? Boyfriend niya kaya si Simon na dati siyang ginawang butas. Butas na parausan. Oops. Sarry!! Hahaha." Hirit pa nung isa at sabay sabay silang nagtawanan na parang mga baliw.

Mas lalo nila akong iniinis. Pero hindi ko sila papatulan. Hindi sila worth sa oras ko.

"Well, wala akong time para makipagbangayan sa inyo. Hindi kayo nakatungtong sa level ko. Kumbaga level 2 palang kayo ako nasa level 12 na." Ganti ko sa mga banat nila.

"Isa pa. Hindi ako pumapatol sa mga inggiterang espasol na kagaya niyo. Inggit lang kayo dahil ako, boyfriend ko si Simon. At kahit ano pa ang sabihin niyo, may relasyon kami. Hanggang tingin na lang kayo sa kanya dahil akin na siya. AKIN!" Natameme sila sa sinabi ko. Akala siguro nila mahina ako para masaktan sa mga pinagsasabi nila.

Addicted: The Prank to Don Juan (Series#1)Tahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon