Chapter 7

344 4 0
                                    

RATED SPG!

CLARA

Hanggang ngayon ay di pa rin ako makapaniwala na nagawa ko iyon kay Simon. Halos hindi ko nakilala ang sarili ko nung kausap ko siya dahil sa mga pinagsasabi ko.

Mabuti na lang talaga at napaniwala namin siya kaya tagumpay ang plano namin. Nakaganti na rin kami. Kitang-kita namin kung paano umusok ang mukha niya sa galit.

Deserve niya yun dahil sa kasamaan na ginawa niya kay Agatha lalo na sakin. Dahil sa nangyari, napatunayan ko sa sarili ko na talagang sobrang libog niya.

Simula ngayon, kakalimutan ko na may kilala akong pangalan na Simon. Hangga't maaari, iiwasan ko na magkrus ang landas namin para bumalik na sa tahimik ang buhay ko.

"Hi." Napatingala ako nang biglang may lumapit sa akin na classmate ko at inabot ang kamay.

"Ako nga pala si Kisses. You're Clara, right?" Inabot ko ang kamay niya at ngumiti.

"Oo ako nga." Pagtango ko. First time na may lumapit sakin na classmate ko kaya sobrang saya ko at finally, may gusto na rin makipagkaibigan sakin.

"Anong nangyari sa lips mo?" Turo niya sa lips ko na may sugat dahil sa nangyari kahapon.

"Wala to. Aksidente kasi akong nadapa." Pagsisinungaling ko.

"Alam mo mas bagay sayo na walang salamin. Mas gumanda ka. The last time I saw you kasi nakasuot ka ng salamin." Aniya. Bigla akong nahiya.

Actually, hindi ko rin maintindihan kung bakit linapitan niya ako dahil sobrang ganda niya. Para siyang si Janella Salvador.

"Naku, hindi naman totoo yan. Ikaw lang nakapagsabi ng ganyan."

"No, it's true. Maganda ka."

Napangiti na lang ako dahil sa sinabi niya. Maliban sa pamilya ko at classmate ko dati na close ko, si Kisses lang ang nakapagsabi na maganda ako dito sa Helix.

Sobrang bait niya para sabihan ako ng ganun.

"Anong nangyayari?" Nagtaka kami dahil biglang nagsitakbuhan ang mga estudyante palabas ng classroom.

"Tara, tingnan natin." Sabi niya.

Sumunod na rin kami sa mga estudyante para tingnan ang nangyayari. Naglakad kami sa hallway.

"Oh my God! Nabalitaan nyo ba? May hinahanap daw si Simon na isang babae dito sa school."

"Bakit kaya noh?"

"Siguro may atraso siyang ginawa kay Simon."

Narinig ko ang bulungan ng mga studyante. Bigla akong kinabahan. Si Simon pala ang pinagkakaguluhan ng mga estudyante kaya agad-agad akong tumingin sa baba at nakita ko nga si Simon kasama ang dalawang lalaki na kasama niya nuon sa cafeteria.

May hawak na megaphone ang isang lalaki at may hawak naman na isang malaking tarpaulin ang isa na may nakasulat na numbers.

Kahit nasa third floor ako ay kita ko ang nakasulat na numbers at nang mabasa ko iyon ay parang nanghina ang mga paa ko.

Number ko yun ah. Patay!

"Anong ginagawa nila. Kaninong number kaya yan?" Tinignan ko ang katabi ko.

Mas lalo akong kinabahan dahil mukhang alam ko na ang dahilan kung bakit nasa tarpaulin ang numbers ko.

"GOOD MORNING HELIX UNIVERSITY. ANDITO KAMI PARA SABIHIN ANG ISANG IMPORTANTENG BAGAY!" Paunang salita ng may hawak na megaphone.

Addicted: The Prank to Don Juan (Series#1)Donde viven las historias. Descúbrelo ahora