CHAPTER 27

4.2K 196 1
                                    

CHAPTER 27

THIRD PERSON

Tunog ng bola, sapatos at hiyawan ng mga estudyante ang maririnig mo sa gymnasium ng Warden Academy. Kanya kanyang supporta at hiyawan kung sino ang mananalo. Painit ng painit ang labanan ng dalawang magkatunggali. Sa kabilang panig makikita mo na pursigido sina Vanessa na talunin ang mga Princessa habang ang mga Princessa naman ay ibinigay ang laro na gusto ng VANC.

"May pahamon hamon pa silang nalalaman eh, tapos ngayon nagrereklamo na ang mga kasamahan niya na masakit na ang kamay." Sabi ni Fuego na nasa isip niya at napangisi na lang. Napailing naman si Aqua sa sinabi ni Fuego at ngumisi.

Aaminin nila sa unang laro ay nahirapan silang dalawa dahil iba naman ang hilig nila, mabuti na lang at pinagbigyan sila ng pagkakataon nila Tierra at Aire na sila muna ang kumuha ng mga tira ng mga nasa kabilang panig hanggang sa nalaman nila ang daloy ng laro.

"Madali lang naman eh." Saad ni Aqua sa sarili.

Habang isa sa mga kasama nila Aire ay hindi makapaniwala, dahil kahit hindi man siya nakakagalaw ng maigi ay ramdam pa din niya ang lakas at pwersa ng mga tinitira ng mga magkabilang panig. Hindi niya na magawang maglaro dahil sa isipan niya "Ang lakas ng mga tira nila, mukhang hindi naman ako ang puntirya nila VANC dahil hindi nila sa akin pinapasa amg bola." Saad niya.

Habang sina Vanessa naman ay inis na inis sila sa mga Princessa dahil hindi nila inaasahan na marunong maglaro ang mga ito. Akala nila ay mahinhin ang mga nerds ngunit nagkamali sila. Ika nga nila "Don't judge the book by it's cover."

"Gurl pagod na ako. Ang sakit na ng kamay ko sa pagtanggap ng mga tira nila." Sabi ni Claire kay Vanessa. Masamang tingin lang ang ipinukol nila Vanessa sa mga nerds at tila hindi narinig ang sinabi ni Claire, desidido talunin ang mga nerds.

Nasa panghuling tira na sila. Last ball, dahil sa ibang set ay patas sila.

"Wwhhooo! Go Tierra!"

"Ang hot mo pa din Aqua kahit pinagpawisan ka!"

"Fuego ang ganda mo!"

"Aire ngumiti ka naman. Kkyyaahh ang ganda mo!"

Dahil sa narinig niya mas ininainis niya ito, at kumuha ng bwelo kung kanino ibigay ang bola. Nakita niya naman ang kasamahan ng nerds na kanina pa hindi gumagalaw at buong pwersa niya itong niwallop ng buong lakas at napangisi.

24-24 tie. Kapag hindi makuha ng kasamahan nila Aire ang bola kami ang panalo sa larong ito sabi ni Vanessa sa isip. Napasinghap naman ang mga estudyante sa ginawa ni Vanessa tila kahit kapag ikaw ang nasa laro na iyon ay iiwas ka dahil hindi mo na masyadong makita ang bola dahil sa lakas at bilis ng bola.

Lahat ay natahimik at hinhintay ang sunod na gawin ng makaabot ito sa set nila Tierra

"Patay ang layo ko sa tinatayuan ng babae" Saad ni Aqua.

"Naku, hindi kami pwede matalo. Ipapamukha ko pa sa kanila ang kawalang hiyaang ginawa nila."

"Teka baka mahahabol ko" Saad ni Tierra sa sarili at tumakbo papunta bola ngunit hindi siya nagtagumpay dahil natapilok siya

"Aray ko naman." Nasabi niya na lang sa sarili at hinawakan ang paa.

Kunti na lang, malapit ng matamaan ang babae ng hinila ito ni Aire at buong lakas sinangga ni Aire at pinapasok sa kabilang set. Napahiyaw ang estudyants sa ginawa ni Aire, si Aire naman ay napakunot ng naipasok niya ang bola sa kabilang set.

Habang sina Raven naman ay tahimik nila tinignan ang laro. Hindi man nila sabihin ngunit alam nila sa sarili nila ay namangha sila sa mga ginawa ng mga nerds sa bawat tira at pagtulungan ng mga ito, tila parang mga professional sila sa paglalaro.

Natahimik ang lahat at mukhang nalugi ng inannounce ng emcee kung sino ang nanalo.

"Ang ganda ng unang laro natin. Mainit na mainit ang labanan. Ngayon ang nalaro sa laro ay ang pangkat nila Vanessa, congrats sa inyo you deserve it." Sabi ng emcee.

Napangisi si Vanessa sa narinig. Dahil sa pagtira ni Aire ng bola nagawang habulin ni Natasha ito at pinabalik sa kalaban ang bola.Na hindi na nagawa pang igalaw ni Aire ang sarili dahil tila may iniinda ito.

"Aaaahhhh...my gosh Aire may dugo ang kamay mo!" Sigaw ng isang estudyante na mapagtanto niya na may tumutulo sa kamay ni Aire. Napatingin naman sina Aqua, Fuego at Tierra kay Aire dahil sa sinabi ng estudyante.

"Kaya ba hindi na nagawang saluhin ni Aire ang tira ni Natasha? Paano nangyari iyon?" Tanong ni Chaser kina Raven. Nilapitan ni Raven si Aire at tinignan ang sugat.

Nakita ni Vanessa ang ginawa ni Raven na mas ikinakulo ang dugo. Nagsitumpukan naman ang mga estudyante kay Aire, yung iba naman ay nakichismis.

"Impossibleng mangyari iyon." Saad ni Tierra sa sarili at tumingin sa gawi nila Vanessa na ngayon ay nakatingin sa tumpukan. Nanatiling nakaupo si Tierra sa sahig dahil hindi niya magawang igalaw ang paa niya dahil kanina, kaya nandito na lang siya.

Naramdaman naman ni Tierra ang pagangat niya sa sahig at nagulat siya kung sino ang bumitbit sa kanya. Bumilis ang tibok ng puso niya at hindi na lamang nag salita.

Habang sina Zephyr at Reed naman ay hindi makapaniwala ng tignan ng malapitan si Aire lalo nang nasa tabi lang nila sina Aqua at Fuego. Hindi nila inaasahan na ganoon kaganda ang mga nerds.

"Aire ayos ka lang. Halika gagamutin kita." Sabi ni Aqua ngunit naunahan  siya ni Raven dahil hawak hawak ni Raven ang braso ni Aire sabay sabing

"Alis." Sabi niya sa mga estudyanteng nakaharang sa daanan nila. Bigla naman nila binigyang daan sina Raven at Aire at lumabas sila ng gym. Si Aire naman ay nanatiling tahimik tila nag-iisip kung paano nangyari iyon.

Hindi niya iniisip ang malaking hiwa ng sugat sa kanyang kamay kundi kung paano nangyari iyon? Dahil siya lang naman ang nag iisang air princess sa mundo ng mga tao.

Habang sa gym naman kanya kanyang lapit ang mga estuyante sa mga princessa.

"Okay lang yan. Maganda pa din tayo kahit natalo kayo" Sabi ng bakla sa mga princessa at binatukan siya ng kasama dahil sa sinabi.

"Fuego ngumiti ka naman. Ang hot mo!" Sabi ng lalaki. Ngumit naman si Fuego na may pagkailang at

"Kkkyyaaahhhh nakakatomboy ka!"

"Papicture naman!"

Kinaguguluhan sila ngayon. Ang mga nerds na nilalait lait nila ay ngayon kinaguguluhan na ng lahat, mapababae man o lalaki ay napahanga sa laro kanina at ganda ng mga nerds.

Nang nahuli ni Fuego nakatingin sa kanya si Zephyr at umiwas siya at nilapitan si Tierra na karga ni Chaser.

"Dadalhin ko na siya sa clinic." Saad naman ni Chaser. Imbes na magalit siya ay hinayaan niya na lang. Sa oras na ito hindi maaaring gamitin ni Aqua ang kapangyarihan niya dahil baka mabigla ang mga estudyante.

"Maraming salamat. Susunod din kami." Saad ni Aqua at inayos na ang sarili. Inis na inis man siya dahil sa ginawa ng pangkat nila Vanessa ay wala siyang magawa dahil tao lang ang mga iyon, ngunit nanghihinayang siya.

"Halika ka na Aqua." saad ni Fuego. Nakita ni Aqua na nakatingin si Zephyr kay Fuego kaya ngumisi ito, may naisip na namang kalokohan si Aqua kay Fuego.

"Sige aalis na tayo. Baka may matutusta ngayon." Sabi niya at ngumisi kay Zephyr si Fuego naman ay pinandilatan si Aqua.

"Aqua maaari ba tayong mag-usap?" lakas loob na tanong ni Reed kay Aqua. Napatigil naman si Aqua at tinignan lamang ng blankong ekspresyon si Reed.

"Doon ka sa Natasha mo. Ayaw ko ng gulo." Sabi niya at hinila si Fuego palabas ng gym. Oo naiinis pa din siya tuwing naalala niya ang eksena kanina. Kaya siya na ang didistansya sa sarili, sayang nga lang dahil komportable si Aqua kay Reed.

Elemental Princess [COMPLETED] Where stories live. Discover now