CHAPTER 77
THIRD POV
Dumating na nga, dumating na ang nakasaad sa prophesiya. Laban dito, laban doon. Kapangyarihan dito, kapangyarihan doon. Ang tanong sino ang magwawagi? Kasamaan o kabutihan?
---Habang busy sina Aqua at Fuego sa pag-iisip kung ano ang kanipang gawin upang mailabas ang kanilang mga magulang sa selda ay bigla silang napalingon ng may sumabog. Kaya naman naagaw ang kanilang attention pati na din sina Eunice, Chaser at Raven na busy sa pakikipaglaban. Sa pagkakataong iyon, nagawa ng mga dark wizards na gamitan ng spell sina Chaser at Raven kung kaya't doon nila napagtanto ng hindi sila makagalaw sa kanilang kinatatayuan tila naging estatwa sila.
"Ang lakas ng loob ninyo na kunin ang baston ng kamatayan!" Sigaw ng isang lalaki. Ang lalaking naging dahilan kung bakit naranasan nila ang ganito kalaking delubyo.
Bigla naman pinuntahan ni Tierra si Zephyr na lumipad sa malayo kadahilanan sa paggamit ng kapangyarihan ni Velgamor. Nakita ni Tierra ang sugat na natamo ni Zephyr sa balikat nito kaya naman napatingin siya sa gawi ni Fuego na hawak ang dumudugo nitong balikat.
"Zephyr, kaya mo bang tumayo?" Tanong agad ni Tierra dahil nakita niyang nasaktan ang binata. Tumango naman si Zephyr sabay sabing
"Ayos lang, mabuti na lang at nagawa kong iwasan ang tinira niya sa akin. Sino siya?" Tanong ni Zephyr at pilit na tumayo, tinulungan naman siya ni Tierra sa pagtayo at tinignan ng seryoso ang lalaking nasa harapan nila.
"Siya si Velgamor, ang kalaban namin." Galit na sabi ni Tierra.
Habang si Fuego naman ay tinignan si Zephyr kung ayos lang ba ang lagay nito, nag-aalala siya sa kanyang kasintahan dahil sa hindi niya inaasahang mabahiran ito. Mahapdi man ang kanyang nararamdaman sa kanyang kanang braso ay kinaya niya, gusto niyang lapitan si Zephyr upang tanungin kung maayos lang ba ito ngunit naalala niya na nasa harapan niya ang hari ng kadiliman.
Nasa isipan niya na gagawin niya ang lahat matatalo lang ang lalaking nasa harapan nila.
"Fuego ayos ka lang ba? Halika di---" Hindi natapos ni Aqua ang kanyang sabihin ng tinapik ni Fuego ang kanyang kamay at lumakad ito patungo kay Velgamor habang umaapoy ang kamay nito. Kita ang galit sa mga mata ni Fuego, hindi dahil sa nasaktan siya kundi dahil sa nangyari ngayon sa kanilang kaharian, pati mga inosenteng tao ay nadadamay dahil kay Velgamor.
Walang magawa si Aqua kundi ituon na lang muna ng pansin sa mga hari at reyna at inisip kung ano ang dapat gawin upang mailabas ang mga ito. Bigla naman siyang nakaisip na magandang ideya. Ngunit kinakailangan niya si Andra kaya naman kailangan niyang maghintay.
Sa kabilang dako naman nagawang lampasan ni Euria ang mga wizards na kanyang kinalaban. Masasabi niyang nahirapan din siyang kalabanin ang mga dark wizards tila hindi ito nauubos. Nang naubos niya ang lahat ng mga ito ay umalis na siya at tinahak ang ibang palapag upang makatulong sa iba pa, sumilip naman siya sa bintana ng kaharian at kita niya ang kabuohan mula sa itaas. Black vs. white wizards, nasa isip niya na alam niyang gagawin lahat mga white wizards upang magwagi sa labanan.
Nang makarating siya sa ikalawang palapag naabutan niya pang nakikipaglaban si Andra laban sa halimaw, mukhang nahihirapan si Andra sa halimaw kung kaya't tinulungan niya si Andra.
"Mabuti naman at nandito ka na, aaminin kong nahirapan akong patayin ang halimaw na ito." Saad ni Andra kay Euria. Napatingin naman siya sa halimaw at nagtataka tila wala itong sugat,
"Hindi siya matinag sa magic wand ko. Humihilom agad ang kanyang mga sugat." Saad ni Andra. Matatamaan na sana sila mabuti na lang at tinulak siya ni Andra kaya parehas silang napagulong sa gilid upang maiwasan nila na tamaan sila.
"Urgghh..." Ungol ni Andra dahil nakapatong sa kanya si Andra. Dali dali naman tumayo si Andra dahil hindi niya sinasadya na maipit si Euria.
"Pasensya na." Saad ni Andra at tinulungan tumayo si Euria. Habang si Euria naman ay nag-iisip kung ano ang dapat gawin upang matalo ang kalaban, at isang ideya ang lumabas sa kanyang isipan.
"Andra, subukan mong kunin ang atensyon ng halimaw na iyan." Saad ni Euria. Tumango naman si Andra kahit hindi niya alam kung ano ang pinapagawa sa kanya ni Euria.
Nang nagawang kunin ni Andra ang atensyon ng halimaw ay tumungo naman siya sa malaking puno at ginawa niya itong matulis tulong ng kanyang magic wand. Kapag natamaan ang halimaw sa puso tiyak patay agad ito, dahil may ginawa ng kung ano si Euria upang mamatay ang halimaw.
"Halimaw dito!" Sigaw ni Euria upang maagaw ang atensyon ng halimaw. Nagwagi naman siya dahil papunta sa kanyang direction ang halimaw. Nang makalapit sa kanyang ang halimaw ay dumaan siya sa paanan nito at pumosisyon sa likod upang magamit niya ng maigi ang kanyang wand.
"Energy, hit him. Kill, and die." Saad ni Euria at sakto naman na natamaan ang halimaw at tila may kung anong pwersa ang humila sa halimaw at bumaon ang katawan nito sa malaking puno.
Napailing na lang si Andra, hindi niya nagawang isipin ang ginawa ni Andra, dahil na din siguro sa andrelanin kung kaya't hindi na siya naka isip ng posibleng gawin upang matalo ang halimaw. Lumingon naman sa kanya si Euria at ngumiti ng wagas.
"Natapos din." Saad ni Andra at nilapitan si Euria. Ngumiti naman sa kanya si Euria.
"Bilisan na natin kailangan pa nila ang tulong natin." Saad ni Euria. Nauna naman maglakad si Andra at nagpapasalamat kundi dahil kay Euria at hindi pa siya matapos tapos sa pakikipaglaban sa halimaw.
Lumingon naman siya sa likod upang tignan si Euria ngunit hindi niya inaasahan ang sunod na mangyari.
"Ilag!" Sabay tulak sa kanya ni Euria kung kaya't napaupo siya sa sahig dahil sa pagtulak sa kanya ni Euria. Tila nanlamig siya sa nakita niya,
"E-euria. H-hindi." Bulalas niya. Tinignan niya ang halimaw at nawalan na ito ng buhay. Akala nila patay na ang halimaw ngunit nagkamali siya.
Natamaan si Euria sa puso na sana siya ang matatamaan. Butas ang dibdib ni Euria, butas. Humaba ang braso ng halimaw bago pa ito mawalan ng buhay ay bumalik na ang kanyang braso sa normal habang hawak ang puso ni Euria.
"Euria!" sigaw niya at sinalo ang katawan ni Euria.
"Bakit mo iyon ginawa! Bakit?! Ano na ang sasabihin ko sa kakambal mo?!" Sigaw na tanong niya kay Euria. Ngumiti lamang ito sa kanya sabag sabing
"T-tulungan mo sila, pakisabi na k-kakambal kl n-na m-mahal ko s-siya." Saad ni Euria at sa isang pagkakataon ay isang butil ng luha ang tumulo sa mata ni Euria at nawalan na ito ng hininga.
Tila nanlamig si Andra, hindi niya alam ang gagawin. Umiyak lang siya ng umiyak dahil sa nangyari kay Euria. Sinisi ang sarili dahil sa pagkawala ni Euria.
"Maraming salamat. Pangako, magwawagi kami. Salamat." Sabi ni Andra at umiyak. Ginamit niya ang kanyang magic wand at hinilom ang sugat ni Euria. Nawala ang butas sa dibdib ni Euria ngunit hindi na mapapalitan ang puso na kinuha ng halimaw. Tumayo na siya at buong lakas na loob iwan si Euria upang tulungan pa ang iba.
ВЫ ЧИТАЕТЕ
Elemental Princess [COMPLETED]
Фэнтези----COMPLETED---- BOOK 1 Tunghayan ang apat na prinsesa kung paano sila makikipagsapalaran sa kanilang kaaway sa elemental world at kung paano ang magiging buhay nila sa mundo ng mga tao. Apoy, Hangin, Tubig at Lupa sila ang dahilan kung bakit nanan...