CHAPTER 39
REED POV
Pagbukas ko ng pinto sa kwarto ni Aqua, nakita ko siyang nakatayo sa kanyang study table at seryosong nakatitig sa kawalan. Hindi niya ba naramdaman ang pagdating ko?
"Aqua..." Simula ko. Napatingin naman siya sa akin. Mukha pa nga siyang natranta dahil sa pagdating ko.
"A-anong ginagawa mo dito ha?" Tanong niya at umiwas ng tingin sa akin. Tumayo naman siya at tumalikod.
"Okay na ba, wala na bang masakit sa'yo?" Tanong ko. Wala pa din siyang imik at nanatiling nakatalikod tila wala siyang pake. Bagsak balikat ko sinirado ang pinto at ni lock. Bahala na nga.
"Hoy, bakit ka pumasok? Hindi kita pinanhintulotan na pumasok dito." Sabi niya.
"Pumapasok naman talaga ako dito, nung wala ka pang malay." Sabi ko. Tumaas naman ang kilay niya tila hindi naniniwala.
"Sorry..." Sabi ko na din. Alam kong iniiwasan niya ako dahil nitong huli iniiwasan ko din siya.
"Tss..." Sabi niya. Nilapitan ko siya, hindi man lang niya ako nililingon. Bahala na nga...
"A-ano ba." Sabi niya at pilit inaalis ang yakap ko sa kanya. Since nakatalikod niyakapko siya sa likod, since matangakad ako sa kanya hindi siya makawala.
"Sorry na nga kasi Aqua." Sabi ko. Hindi naman siya gumalaw, anong nangyare?
"Teka nga, yung kwintas ko." Sabi niya. Hindi ko pa din ako kumalas sa yakap ko sa kanya.
"Hindi ko alam na importante ako sa'yo." Sabi ko. Tumahimik naman siya at kumalma.
"Dahil sa akin, nakuha kita sa ilalim ng tubig. Hindi namin inakala na may kuryente ang tubig kung nasaan ka nilagay." Sabi ko. Umikot naman siya at nanatiling nasabewang niya ang mga kamay ko, ayaw ko kumalas baka mamaya aalis pa ito.
"Kuryente? Importante? Paano?" Tanong niya at mukhang wala ng siyang alam. Nakita kong lumiliwanag ang kwintas niya.
"Mission mo. Yung mission mo bilang Prinsesa." Nasabi ko na lang. Ipinagdikit ko ang mga noo namin sabay sabing
"Aqua sorry sa pang-iiwas sayo. Hindi lang talaga ako makapaniwala na may kapangyarihan ka at worse ay mas malakas ka pa sa akin." Sabi ko. Tinignan niya lang ako. Mukha tuloy kaming magjowa sa niyakap ko.
Siya ang unang babae ang niyakap ko ng ganito, sa kanya ako una nag sorry. Ano na bang nangyayari sa akin? Downfall ko na ba bilang Cassanova? Mahal ko na ba siya?
"Ikaw kasi eh, nakakainis ka." Sabi niya at kinurot ang tagiliran ko." Natawa na lang ako sa inakto niya. Meron siyang kulay asul na mata, mapuputing balat at----
"Nga pala. Ibibigay ko ito sayo." Sabi niya sa akin at pilit inaalis ang mga braso ko na nakayakap sa bewang niya. Tumawa naman siya...
"Reed umayos ka nga, hindi ako aalis. Bitaw na dali." Ngumuso ako at kumalas ako sa pagkayakap sa kanya at umupo sa kama niya. Nakatayo lamang siya sa harap ko.
Inalis niya ang kwintas na suot niya at hinarap sa akin. May symbol ito at lumiliwanag sa harapan ko.
"Water symbol ang nakikita mo. Ikaw ang armor ko, kaya alagaan mo ang sarili mo." Sabi niya at inalayo sa kin ang kwintas. Ngumiti naman siya at tinitigan ang kwintas niya.
"Simula ngayon ibibigay ko ito sa'yo." Sabi niya at isinuot ito sa leeg ko. Nang natapos niya itong isuot sa akin biglang nagkulay blue ang kwintas at nawala ang ilaw.
"I'm your protector at ikaw armor ko." Sabi niya. Akmang aalis na siya ay hinila ko siya at niyakap ko siya. Ibinagsak ko ang katawam namin sa kama. Ewan ko ba namiss ko din itong isang to.
"Ano ba Reed bitaw nga, baka may pumasok at---" pinutol ko siya sa sasabihin niya at
"Walang papasok dahil ni lock ko ang pinto." Sabi ko na lang. Pilit pa din siyang kumakawala sa pagyakap ko. Ang liit ng bewang niya at ang gaan niya. Nasa itaas ko kasi siya at niyakap lang siya habang nakahiga kami pareho.
"Bakit ang gaan mo? Hindi ka ba kumakain?" Sabi ko.
"Kumakain ako kaya bitaw na." Sabi niya. Hindi ko pa din siya binitawan at ngumiti na lamang ako.
"Ayaw." Sabi ko.
"Hay naku." Sabi niya na lang.
RAVEN POV
Hindi tulad sa kwarto nila Aqua at Fuego, napakalawak ng kwarto ni Aire. Puti at Gray ang kulay. Malinis, organize at hindi pa kalat kalat ang gamit. Malapit sa bintana ang kwarto niya. Ang galing ng pagkagawa ng disenyo.
"Feel free to read." Saad niya at pumunta sa kamay niya. Nakakamangha, ang galing lang. Maganda naman ang kwarto hindi ko lang inaasahan na may babaeng version ako at mas worse pa sa akin.
Lumapit ako sa kanya at umupo sa kamay niya. Nakahiga kasi siya at nagbabasa
"Ang galing---" Saad ko. Narinig ko namang tumawa siya ng mahina.
"Mas maganda ang kwarto ko sa mundo namin." Saad niya at umupo para makausap kami ng maayos.
"Ano ba nag pinagkaibahan sa mundo niyo dito sa amin?" Tanong ko. Ngumiti naman siya at tila iniimagine, eto ang unang beses na kita kong ganito siya, at gusto ko na lagi lang siyang ganito.
"Madami. Kapangyarihan, makikita mo. Magics, mga bagay na hindi mo inaakala na nageexist sa mundo namin." Sabi niya at tinignan ako.
"Like?" Saad ko na lang.
"Fairies. Pegasus basta..." Sabi niya. Gusto ko tuloy makapunta sa mundo nila. Mukhang nakakainteresado.
"Nga pala. Masquerade Ball bukas, yayayain kitang maging ka date ko bukas."Sabi ko. Tumango naman siya. Oo hindi na din ako pumupunta sa paaralan, nag text kasi si akin si Euria na just take our time daw dito sa mga prinsesa.
Wala akong planong ilaglag at sabahin kung sino sila. Ang astig lang na may kaibigan kang may kapangyarihan ka. Akala ko si Chaser lang ang makikilala ko kung may kapangyarihan na ganun, meron pa pala siya kasama.
"May pakulo ba ang mga babaeng iyon sa party?" Saad ni Aire.
Nagkibit balika na lamang ako. Hindi ko naman kasi alam ang mga nangyayari lahat sa paaralan pwera na lang kung iriview ang cctv at may magsabi sa akin.
"Malay ko ba, hindi nga ako aware na magkaaway kayo." Sabi ko na lang.
"Yaan na nga. Ayaw ko silang patulan."Sabi niya. Mabuti na lang at nakayanan ng pasensya niya ang pagmaltrato sa kanila nila Vanessa.
BINABASA MO ANG
Elemental Princess [COMPLETED]
Fantasy----COMPLETED---- BOOK 1 Tunghayan ang apat na prinsesa kung paano sila makikipagsapalaran sa kanilang kaaway sa elemental world at kung paano ang magiging buhay nila sa mundo ng mga tao. Apoy, Hangin, Tubig at Lupa sila ang dahilan kung bakit nanan...