CHAPTER 82
AIRE POV
Inakala ng lahat na nawala at lumisan ako. May nasaktan, umiyak at dinibdib ang pagkawala ko. Masaya ako dahil nararamdaman ko kung gaano nila ako kamahal lalo na siya. Hindi naging madali ang lahat, masasabi kong nahirapan akong labanan ang aking pagsubok ngunit nagawa ko kasabay ng mga sakit na natanggap.
Sa loob ng ilang araw na nawala ako sa kanila, bago ang lahat ng iyon inihiling ko sa diwata na ako na ang aako sa misyon na para kay Tierra kung kaya't hindi na niya naranasan pa ang pagsubok dahil alam ko kung hindi malampasan ni Tierra ang pagsubok paano na lang sina Aqua at Fuego? Kaya mas mabuti na gawin ko na lang pang isahan ang lahat upang hindi sila gaano masaktan at mahirapan.
Masakit ng nalaman ko na nagkabalikan sila muli ng mahal niya, nasaktan ako ng lubusan. Oo madali ang misyon ko kung umamin siyang mahal niya ako ngunit itinanggi niya ang nararamdaman niya sa akin. Kaya iyon ang katapusan ko dahil hindi niya inamin sa akin. Masakit, nahirapan ako bago ako tumungo sa mundo ng diwata ay umamin siya sa akin, sa tulog kong katawan na mahal niya ako. Lahat ng iyon ay rinig na rinig ko ngunit tila patay ang katawan ko kaya hindi ko magawang idilat ang aking dalawang mata. Huli na dahil sa oras na iyon ay kinailangan ko ng sumama sa mundo ng diwata.
Sa mundo nila natuto ako, madami akong natutunan ang makipaglaban gamit ang isip at lakas. Hinasa nila ako sa pakikipaglaban, akala ko mahihirapan ako sa hiniling nila sa halip ay mas tinulungan nila ako kung paano maging malakas at matapang sa pakikipaglaban. Sa mundo ng diwata doon ko nakita ang lalaking matagal ko ng makita muli at inaasamasam, iyon ay si Ama.
Napakasaya ko sa oras na iyon, alam ko na sa oras na makita siya ni Ina ay magiging masaya na muli si Ina. Lalo na't buhay din si Acer. Kinwento ko lahat kay ama ang kaganapan, nalaman niya din na buhay si Acer masaya siya dahil nagawang mabuhay ni Acer sa digmaan noon.
Alam na pala ni Ama ang kaganapan na nangyayari sa kaharian at ang tungkol kay Velgamor kung kaya'y nag balat anyo bilang matandang lalaki at doon namuka ni Velgamor ang baston ng kamatayan.
Nakikita ko lahat ang kaganapan sa kaharian nasasaktan ako at kating kati na ako upang tulungan sila sa pakikipaglaban ngunit pinigilan ako ng mga diwata at hintayin na lamang ang senyales. Kaya wala akong magawa kundi makitang mamatay ang mga iba pang elementalist.
Masaya ako dahil hindi nagdalawang isip sina Reed, Zephyr at Raven na sumama sa mundo namin. Nakita ko kung gaano sila handang tumulong. Masaya ako at nanatiling matatag si Raven natuto niya ding gamitin ang kalahati sa kapangyarihan ko. Tama hiniling ko iyon sa mga diwata upang maprotektahan niya ang sarili niya habang wala ako sa tabi niya, tuwing nakikita ko siyang malungkot at nag-iisa gustong gusto ko sigang lapitan ngunit hindi pwede dahil masisira ang plano. Ramdam ko kung gaano niya ako kamahal dahil hindi niya man lang magawang lumingon sa iba.
Labanan na at nandito pa din ako kasama ang mga diwata at tinitignan kung paano nilapastangan ng mga dark wizard ang mga kasamahan namin. Masaya pa din ako dahil may mga handang mamatay upang panatiliing manalo ang kabutihan.
Tila nanlambot ako ng nakita ko kung paano namatay si Euria tiyak masasaktan si Eunice nito ng lubusan. Naiinis na ako at hindi ko na mapigilan ang sarili ko lalo na't nakita ko kung ano ang ginawa nila sa mga hari at reyna. Pangako babawi ako, babawi ako sa mga ginawa nilang paghihirap sa inyo.
Hanggang sa napagdesisyunan na ng mga diwata na tumulung sa labanan na nangyayari sa kaharian. Nauna si ama dahil tinulungan niya pa sina Lyndon na nakikipaglaban sa Aragon naaawa ako sa kanila dahil alam kong lumalaban din sila para sa buhay nila. May mga mahal din kasi sila sa mundo ng mga tao, masaya ako para sa kanila dahil nagawa nilang baguhin ang ugali nila Vanessa.
Mas lalong uminit ang ulo ko ng nakita ko kung ano ang ginawa ni Velgamor kay Fuego. Hindi maganda ang mga pangyayari, kating kati na ako kaya naman hinanda ko ang sarili ko patungo sa kaharian.
Nang papalapit ako sa kaharian kaba, takot at saya ang nararamdaman ko. Kinakabahan ako dahil hindi ko alam kung paano at ano ang kahihinatnan ng aming paglalaban laban kay Velgamor lalo na't pula ang buwan senyales eto sa pagkawala ng mga kapangyarihan sa mga elementalist na nasa kaharian na naging pula ang buwan kadahilan ito sa mahika na ginawa ni Velgamor. Sakim si Velgamor sa lakas at kapangyarihan hindi ako papayag na siya ang mananalo laban sa amin. Hindi ako papayag na mananalo ang kasamaan laban sa kabutihan. Buhay laban sa buhay dapat isang panig lang matitirang manalo sa labanang ito. Takot dahil ayaw kong may mamamatay sa amin at saya dahil muli makikita ko ang mga taong naging parte sa buhay ko pati na din siya miss na miss ko na siya.
Papalapit na ako sa kaharian ng biglang bumalik sa dati ang kulay ng buwan napangisi na lang ako sa naisip ko. Patas na ang laban, makakagalaw na ang mga elementalist na nasa kaharian dahil nawala na ang kanilang mahika. Siguro sinira na ni ama ang bolang crystal na nakaloob ang mga kapangyarihan ng mga elementalist sa loob.
Sakto pagdating ko kita ko ang paghihina ng mga prinsesa na mas ikinagagalit ko. Nag-uusap ata sina Ama at Velgamor ngunit nagulat ako ng akmang tatamaan si Ama ng kuryente na gawa ni Velgamor kaya gumawa ako ng palaso gamit ang hangin at natamaan siy sa braso kaya hindi natuloy ang kanyang pagtama kay ama.
Isang tao, isang tao ang unang nakakita sa akin ngunit isinantabi ko muna ang aking nararamdaman dahil ayaw ko mawala ako sa konsentrasyon na nakikipaglaban kami kay Velgamor.
Eto na, lalaban na ako. Oras ng bumawi at magpakita sa mga taong matagal na akong inaasam asam na makita. Lalaban ako, lalaban para sa kapayapaan. Ayaw ko na ng ganito, sisiguraduhin kong mananalo kami. Sapat na ang mga ensayo na meron ako kasama ang mga diwata hindi ko sila bibiguin lalo na ang god and goddess namin na alam kong tinitignan kami kung paano namin protektahan ang aming kaharian.
BINABASA MO ANG
Elemental Princess [COMPLETED]
Fantasy----COMPLETED---- BOOK 1 Tunghayan ang apat na prinsesa kung paano sila makikipagsapalaran sa kanilang kaaway sa elemental world at kung paano ang magiging buhay nila sa mundo ng mga tao. Apoy, Hangin, Tubig at Lupa sila ang dahilan kung bakit nanan...